Chapter 9

34 5 0
                                    

SA TOTOO lang, hindi naman totally boring ang paglalakbay nilang yun lalo na sa araw na yun. Para lang silang nagsa-sightseeing sa mga historic building noong unang panahon.

Sinusundan lang nila si Takari na nakatingin sa compass.

Dumaan na sila sa lumang syudad na yun para hindi sila mapahamak kapag dumaan sila sa buhangin. Saka, hindi na rin naman nila pwedeng libutin yun dahil siguradong matatagalan pa sila.

Pare-pareho lang din silang nakatingala. Namamangha sa mga gusaling napakataas. Mataas pa nga yata sa pinakamataas na gusali ng Dome eh.

Bitak-bitak na ang mga yun na parang guguho na nga. Puno ng alikabok at pati na rin ang nilalakaran nila. Hindi na nga nila alam na gawa sa semento ang inaapakan nila dahil natatabunan na yun ng mga buhangin.

Basag ang mga bintanang gawa sa salamin. May ilang gusali rin ang wasak kaya kailangan pa nilang libutin yun para makadaan.

Sakto naman na may dumating na sandstorm. Mabuti na lang at maraming gusali doon kaya hindi sila natatamaan non. Pero nakikita nila ang malakas na hangin sa itaas ng gusali.

May nakikita rin silang mga wasak at hindi umaandar na mga sasakyan doon. Mag kotse, bus, jeep, van at marami pang iba.

Sa libro lang nila nakikita ang mga yun dahil iba ang sasakyan nila sa Dome. Puno na rin ng alikabok ang mga yun at marahil pati sa bubong.

May ilang mga kagamitan rin sa paligid na nakakalat at marami rin sa loob ng mga abandunadong gusali.

"Umaandar pa kaya ang mga ito?" tanong ni Naru habang hinahawakan ang isang trak.

"Kahit naman umandar yan ay wala rin naman sa atin ang marunong magmaneho niyan noh?" tanong ni Sasu nito.

"Madali lang naman ang mga ganitong sasakyan eh. Aapakan mo lang ito paandar saka ikakabig ang manibela."

"Isang siglo na yang nandiyan. Paano pa yan aandar?" singit ni Sain.

"Hoy, hali na kayo." Tawag ni Imaru sa mga kasama. Agad namang sumunod ang mga ito.

"Tingin niyo kaya ay may pagkain pang natitira dito?"

"Sira ka ba?"

"Sinasabi ko lang naman eh. Malay niyo naman meron pa diba?"

"Wala na. Ang ingay mo Naru." Si Sain.

Sumimangot lang si Naru. Binilisan na lang niya ang paglalakad saka sumabay kay Takari. Alam naman nito kung saan ito pupunta eh. Hindi lang talaga ito humihinto. Ni hindi na rin nila magawang magpahinga kahit ilang oras na ang nagdaan.

"Takari, gaano pa katagal bago tayo tuluyang makalabas sa syudad na ito?" tanong niya sa babae.

"Hindi ko alam Naru. Baka aabutin tayo ng isang araw. Palagay ko rin ay hindi ito bastang syudad lang. Baka isa itong kabisera." Sagot nito na tumitingin-tingin rin sa paligid.

Patuloy pa rin ang sandstorm sa itaas. Madilim ng bahagya ang bahagi nila dahil natatakpan ng sandstorm. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nila nakikita ang Haring araw. Marahil hindi na nila makikita yun kahit kailan.

"Hindi ba tayo pwedeng huminto muna at magpahinga?"

Napatingin ito sa kaniya.

"Alam mo na, tingnan ang paligid kung may makikita tayong pwedeng magamit. Hindi naman siguro kawala sa atin yun noh?" ngumiti si Naru saka niya tiningnan ang mga kasama na umiling lang.

"Okay, pahinga kung pahinga." Sagot nito.

"Yes," masayang bumalik siya sa mga kasama.

7 Elements (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon