Chapter 39

21 5 0
                                    

"WHOA!" yun na lang ang nasambit nila pagkatapos makita ang buong lugar. Inaasahan nilang puro mga buhangin at alikabok ang makikita nila pero hindi pala.

Una nilang pinuntahan si Wunesa, ang Diyosa ng Nyebe. Malayo ang nilakbay nila bago nila nakita ang lugar papunta doon.

Punong-puno ng matigas na yelo ang paligid. Nagyeyelo rin ang matataas na bundok doon at sobrang lamig ng panahon. Siguro dahil walang araw.

"A-akala ko, wala ng yelo. Na natunaw na lahat?" tanong ni Naru. Nanginiginig na ito.

Silang lahat siguro maliban sa Diyosa ng Apoy. Nanginginig na sila doon kahit marahan lang ang paglipad ng mga Horus. At habang tumatagal ay nagiging abnormal na rin ang paligid.

Marahan lang na pumapatak ang mga nyebe. Isa yun sa dahilan kaya lalo silang nilalamig.

Wala na nga ring makapagsalita sa kanila eh. Nanginginig na rin ang lalamunan nila.

"Hindi matutunaw ang Yelo dito kung hindi naman nakikita ang sikat ng araw. At habang tumatagal pa, mas lumalawak ang mga yelo. Imbis na mapuno ng buhangin at alikabok ang lugar na ito. Mababalot ito ng yelo." Salaysay ni Iminako.

Naikunot na lang ni Imaru ang noo. Kaya pala naalala niya ang pagyeyelo ng ilang mga buhangin nong unang araw ng paglalakbay nila. Yun na marahil ang senyalis.

"H-hindi ba tayo pwedeng tumigil muna?" tanong ni Sain.

"Hindi ka ba naiinitan sa yakap ko?" tanong ni Hikari.

Hindi na lang nagsalita si Sain. Hindi niya kayang labanan ang gusto ng isang Diyosa eh. Umangkas nga ito sa parehong ibon na tulad niya at ngayon ay wagas kung makayakap sa likuran niya.

Tiningnan ni Kazumi ang mga kasama. Nagsisimula na rin kasing magyelo ang mga buhok nila at naging mas maputla ang kulay nila.

"Maghahanap lang tayo ng mapagtataguan." Wika ni Miyakira na tumingin sa paligid. Nababalot na nagyeyelong bundok ang paligid. Matutulis pa ang mga yun.

"M-may kweba doon." Tinuro ni Sasu ang isang bahagi.

Nasundan nilang lahat ng tingin yun.

"Horus!" sigaw ni Kazumi.

Mabilis na lumipad pababa ang mga Horus. Kahit ang mga ibon ay nanginginig na rin.

Tamang-tama rin na malaki ang kweba na nakita ni Sasu. Sapat yun para makapasok ang mga ibon.

Hindi makagawa ng apoy si Iminako sa mga yelo ng walang panggatong kaya naman siya na lang ang nagsilbing bonfire ng mga ito. Pinaliyab niya ang sarili niya. Sapat para uminit ang paligid.

Nagkataon naman na lumakas ang mga nyebe sa labas ng kweba. Tamang-tama lang na nakatago na sila. Siguradong magiging katapusan na nila kapag naglakbay pa sila.

Makapal na nga ang suot nilang mga damit pero pakiramdam nila, para pa rin silang nakahubad doon sa sobrang lamig. Parang hindi nga umuubra ang init na ginagawa ni Iminako eh.

Sa sobrang abnormal na siguro ng panahon ay hindi na umuubra ang kahit na anong init sa bahaging yun ng mundo. Hindi na nga siguro pangkaraniwan ang lamig doon eh. Daig pa nilang nakatuntong sa Pluto.

Tiningala ni Kazumi ang mga ibon. Nagkumpulan na ang mga ito para lang mainitan ng isa't-isa. Sanay sa kahit na anong temperatura ang mga ito pero ngayon lang nangyari na nilamig ng sobra ang mga ito.

Maraming taon na rin ang nakaraan nong huli siyang makapunta sa palasyo ni Wunesa. At sobrang lamig nga talaga doon. Pero ngayon, mukhang dumubli pa ang lamig.

"Hanggang kailan tayo dito? Siguradong hindi bababa ang lamig ng temperatura sa lugar na ito. Baka nga lumala pa habang palapit tayo sa lugar ni Wunesa." Wika ni Hikari.

7 Elements (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon