"DIYOSA?!" gulat na ulit ng dalawang lalaki pagkatapos sabihin ni Sain ang tungkol sa mga babae. Kumalma na rin ang dalawa sa wakas.
"Anong Diyosa?" natatawang ulit ni Hayato.
Mabilis na pinigilan ni Inaka si Wunesa ng akmang susugurin nito ang lalaki.
"Nadinig ko na ang tungkol sa mga Diyosa o nabasa." Agaw pansin ni Kazuki na inayos lang ang salamin saka tiningnan isa-isa ang mga Diyosa. "Hindi ko akalaing totoo sila."
"Totoo talaga kami." Sagot ni Hikari.
"Hindi ba't patay na kayo? Kaya nga nandito ang Dome para mabuhay kami dahil nasira ang mundo sa pagkawala niyo."
"Hindi pa kami patay? Makikita mo ba kami dito kung patay na kami!" asik ni Miyakira dito.
"Malay ko naman mga multo na pala kayo."
"Talaga naman o!"
"Mahabang kwento. Malalaman niyo rin ang totoo." Singit ni Sain sa mga ito. "Kailangan namin ang tulong niyo para makapasok kami sa palasyo. May kailangan kaming kunin doon. Kapag nagtagumpay kami, mababalik na sa dating ganda ang mundo at hindi na natin kailangang manirahan sa Dome na ito."
Nagkatinginan lang sina Kazuki at Hayato.
"Ayos na siguro sa amin ang malaman na babalik na sa dati ang mundo para tulungan kami." Sagot ni Kazuki.
"'Siguro'?" ulit ni Inaka na napasimangot.
"Sa isang kondisyon." Mabilis na wika ni Hayato dahilan para mapasimangot ang mga babae. "Kapag naging maayos na ang lahat ng ito, tutuparin niyo ang isang kahilingan ko."
"Ano naman kami? Genie?" si Wunesa.
"Ayaw niyo di wag?" Umirap pa.
"Kaasar tong taong to ah! Sa oras na bumalik na ang kapangyarihan ko, paparusahan talaga kita!" gigil na asik ni Miyakira.
"Oy, hindi niyo pwedeng saktan ang mga tao. Mga Diyosa kayo diba?"
"Sige," sagot ni Inaka kaya napatingin sila dito. Mukhang hindi naman ito nahiponotismo kaya ayos lang. "Ako ang bibigay ng kahilingan mo."
"Hoy, Inaka. Ano bang ginagawa mo?"
"Isa siyang tao, Wunesa. Kahit papaano dapat ko ring gampanan ang tungkulin ko bilang Diyosa ng Bahaghari diba?"
"Baka humiling ng kakaiba ang loko-lokong yan. Tingnan mo ang ngiti, may malisya." Nakasimangot na wika ni Miyakira ng makita ang ngisi nito.
"Pero dapat mong malaman na hindi ko pwedeng buhayin ang patay na at patayin ang buhay. Mas lalong hindi mo pwedeng hingin na magkagusto ang isang babae sayo." Wika ni Inaka sa lalaki.
"Wag kang mag-alala. Wala sa mga yun ang hihingin ko." sabay ngiti dahilan para ma-alarma sila.
"Wala ka bang hihilingin?" baling ni Hikari sa lalaking nakasalamin.
Umiling lang ito. "Wala naman talaga akong partikular na gusto eh. Sapat na sa aking malaman na hindi ko na kailangang maging alila sa Dome na ito."
"Mabuti."
"So ano ba ang kailangan naming gawin?"
Nagkatinginan muna ang mga Diyosa saka nag-ngitian.
-------
"YAN ba ang importanting bagay na gagawin mo?"
"Ekk—" di napigilang sigaw ni Takari ng madinig ang boses na yun ni Imaru sa likuran niya. Mabilis niyang itong tiningnan. Sumalubong sa kaniya ang madilim na anyo nito. "Imaru! Anong ginagawa mo dito?" sinubukan niyang takpan ang ginagawa.
BINABASA MO ANG
7 Elements (On-going)
FantastikIsang siglo na ang nakaraan ng tuluyang masira ang mundo. Dahil doon ay nanirahan ang mga natirang tao at mga Ulome sa loob ng Dome. Tuyo na ang karagatan, kalbo na ang mga lupain at nakakalason na rin ang hangin sa labas ng Dome. Dahilan para walan...