"Tika," wika ni Kazumi. "Sinabi mo bang may tubig sa Dome?"
"Oo naman."
"Pero paano nangyari yun? Nagkapira-piraso na ang Gem ng Tubig."
Walang nakapagsalita sa kanila. Hindi naman kasi nila masasagot yun eh.
"Baka hinuli nila ang Diyosa ng Tubig." Komento ni Naru. "Saka ginagawang alila doon para gumawa ng tubig. Siguro kahit nagkapira-piraso na ang Gem ay gumagana pa rin yun lalo na kapag ibinigay sa tunay na nagmamay-ari non."
Siniko ni Imaru ang kaibigan dahil gulat na gulat na ang anyo ng dalawang Diyosa. Nahihindik at hindi makapaniwala.
"Komento ko lang yun. Hindi naman sigurado eh." Mabilis na wika nito. Naalangan na rin kasi sila sa itsura ng dalawang Diyosa.
"Pero paano pala kung tama ka?" tanong ni Takari.
"Takari!" asik ni Imaru.
Tiningnan ito ng dalawang Diyosa.
"Paano pala kung, ginagamit ng mga Ulome ang mga tao para sumunod sa kanila ang Diyosa ng Tubig? Diyosa yun eh, hindi non matitiis ang nasasakupan non. Lalo na ang mga taong wala namang kasalanan. At least hindi lahat."
Nagsigawan na lang silang lahat ng biglang magliyab ng malakas si Iminako. Agad silang lumayo dito dahil napapaso silasa dala ng init nito.
"Mga lapastangan! Mga walang utang na loob! Uubusin ko silang lahat!" galit na sigaw nito.
"Iminako! Kumalma ka nga!" sigaw ni Kazumi dito.
Umaabot na kasi hanggang kisami ang apoy nito.
"Sisirain ko ang Dome na yun! Paparusahan ko silang lahat!"
"Iminako!"
"Nababaliw na siya. Sinabi ko lang na Komento eh. Ikaw kasi Takari eh!" asik pa ni Naru sa babae habang nagtatago sila. Sobrang init kasi ng paligid.
"Sinabi ko lang din naman yun eh." Sagot nito.
Napansin na lang nilang unti-unti ng nawala ang init. Ng silipin nila si Iminako ay nawala na rin ang apoy nito at malungkot na naupo na lang ito sa upuan.
"Tingnan niyo, natuyo na ang damit ko!"
Tiningnan nila ng masama si Takari.
Bumuntong-hinga na lang si Kazumi saka nilapitan ang kaibigan. "Wag kang mag-alala, Iminako. Sinisimulan na nating gawan ng paraan ito. Mas matutuwa pa akong malaman na naroon ang Diyosa ng Tubig kesa ang malamang wala na talaga siya. Diba?" hinawakan niya ang balikat nito.
Tumango lang ito. "Pero hindi ko pa rin matanggap na alila sa kagustuhan nila ang isang Diyosa. Alam mo bang nakakainsulto yun?"
"Alam ko yun, Diyosa rin naman ako eh. Pero hindi naman tayo sigurado kung naroon nga siya."
"Hoy kayo!" tawag nito sa kanila na nagtatago pa. Baka bigla na lang ulit itong magalit eh. Baka masunog pa sila. "Dadalhin niyo kami sa loob ng Dome na yun."
Nagkatinginan lang silang lima.
"Gagawin natin yun?" tanong ni Sasu.
"Hindi rin naman nila maibabalik sa dati ang mundo ng wala ang Gem nila diba? Mas mabuti na rin yun ng maturuan ng leksyon ang mga lintik na puting tao na yun." excited pang sagot ni Takari. "Hindi na ako makapaghintay na makita ang mukha ng prensepeng yun kapag nalamang nahanap natin ang mga Diyosa."
"Hindi nila pwedeng malaman na mga Diyosa sila. Baka magkagulo pa eh." Si Sain.
Tiningnan ni Imaru ang mga Diyosa. Nag-uusap ang dalawa.
Hindi niya inasahan na higit pa pala sa simpleng pagkawala lang ang mga Diyosa ang problema ng mundo. Kahit sinabi sa kanila ng mga ito ang lahat ng mga nangyari, may misteryo pa rin.
"Tika," tumingin sa kaniya ang dalawang Diyosa ng lumapit siya. Lumapit na rin ang mga kasama. "Binanggit niyo ang tungkol sa Diyosa ng Tubig pero ni minsan hindi niyo sinabi ang pangalan niya."
Nagkatinginan muna ang dalawa saka muling tumingin sa kanilang dalawa.
"Dahil sa pagkawala niya, unti-unti na rin naming nakakalimutan ang tungkol sa kaniya. Ang mga alaala na kasama siya. Natatakot nga kaming baka tuluyan na namin siyang makalimutan. Mas nag-aalala kami dahil baka palatandaan na yun, na unti-unti na siyang nabubura sa mundong ito." sagot ni Kazumi.
"Hindi na namin matandaan ang pangalan niya eh." Wika ni Iminako. "O ng itsura niya. Baka nga hindi na namin matandaan na may Diyosa ng Tubig pala." May lungkot sa anyo ng dalawang Diyosa.
Tiningnan niya ang mga kasama na may lungkot rin sa anyo.
Higit ano man, pinakamasakit pa rin na makalimutan mo ang mga mahal mo sa buhay.
~
ILANG oras pa silang nag-hintay bago tuluyang huminto ang bagyo. Wala na rin silang sinayang at umalis na agad. Napag-usapan nilang isama ang iba pang Diyosa. Sigurado naman kasing hindi na rin mag-hihintay sa wala ang mga ito.
Una nilang pupuntahan ang palasyo ng Diyosa ng Lupa.
Sinabi ni Iminako na may isang bahagi doon na puno ng mga puno at prutas. Sa lahat ng lugar, ang lugar na yun na lang ang natatanging merong malusog na puno.
Kumbakit, dahil sagradong lupa ang kinapapatungan ng palasyo nito.
Kaya kahit na anong mangyari, hindi natutuyo ang batis doon, at hindi nalalanta ang mga halaman.
Siguro yun ang oasis sa puro buhangin na mundong yun.
Sinakyan ulit nila ang mga Horus papunta doon. Sumabay sa kanila si Iminako. Inaasahan nilang sasakay rin ito pero hindi pala.
Kaya naman kasi nitong lumipad. Tulad ngayon.
Para itong Geni na ang kalahating katawan lang ang nakalitaw at ang babang bahagi naman ay apoy. Siguro ganoon ito kapag lumilipad.
Deretso lang ang paningin ni Iminako sa nililiparan nila ng mapatingin siya sa tabing ibon. Nakatitig sa kaniya ang taong nakasakay doon.
Puno ng pagkamangha ang anyo nito.
Naikunot na lang niya ang noo. "Anong tinitingin-tingin mo, Mortal?" tanong niya dito. "May problema ka ba sa akin?"
Umiling lang si Naru. "Wala. Sa totoo lang namamangha ako eh. Noong sabihin ni Imaru sa amin ang tungkol sa mga Diyosa ay ang lakas ng tawa ko. Ngayon, hindi ako makapaniwala na totoo nga kayo. At talagang lumilipad ka. Nagliliyab din ang buong katawan mo. Hindi ko maiwasang wag isipin kung ano rin ang kayang gawin ng ibang Diyosa." Ngimiti.
"Totoo talaga kami."
"Hindi mo naman kami masisisi dahil sa Dome na kami nabuhay. Wala naman kaming alam ng tungkol sa inyo eh. Wala ring sinasabi sa amin ang mga Ulome ng tungkol sa inyong mga Diyosa."
Natawa na lang ng maiksi si Iminako. "Syempre hindi nila sasabihin yun. Kinokontrol nga nila kayo diba? Mabuti at pinalabas kayo ng Dome?" bahagya siyang lumapit dito pero nakalipad pa rin siya.
"Nahuli nila kami nong gusto naming lumabas, pero hinamon ni Takari ang prinsepe eh. Kaya ito, lumabas kami. At hindi ako nagsisising sumama dahil worth it na makakita ako ng Diyosa. Grabe, ang ganda mo."
Nagtaas lang ng kilay si Iminako saka napangiti. "Syempre naman."
Tumingin ito sa babang bahagi niya na ngayon ay apoy na. "Mapapaso ba ako kapag hinawakan kita?"
"Hindi naman. Depende kung gusto kong magpahawak."
Nagpatango-tango lang ito saka tumingin na lang sa kalangitan.
Unti-unti ng kumakalat ang gabi. Maliwanag pa sa kanlungan at hindi man lang nila makita ang papalubog na araw.
BINABASA MO ANG
7 Elements (On-going)
FantasyIsang siglo na ang nakaraan ng tuluyang masira ang mundo. Dahil doon ay nanirahan ang mga natirang tao at mga Ulome sa loob ng Dome. Tuyo na ang karagatan, kalbo na ang mga lupain at nakakalason na rin ang hangin sa labas ng Dome. Dahilan para walan...