Chapter 67

11 0 0
                                    

"YES! Buhay ako! Buhay ako!"

Naalimpungatan si Imaru sa malakas na sigaw na yun ni Naru na parang sira. Isa pa, nilalamig rin siya. Pakiramdam niya kasi ay nakalubog siya sa tubig.

Tubig?

Mabilis siyang bumangon at agad tiningnan ang paligid. Totoo ngang nakalubog siya sa tubig. Tumayo siya saka tiningnan ang paligid. Nasa mistulang dalampasigan siya ng isang napakalawak na tubig doon.

Nakatuntong na sa lupa si Naru na panay pa rin ang sigaw. Katulad niya ay basang-basa rin ito.

"Naru." Tawag niya sa lalaki.

Napatingin ito sa kaniya. "Imaru." Masayang agad itong sumugod sa kaniya at dumamba. "Buhay ka rin."

Umiwas siya kaya deretso itong bumagsak sa tubig. "Oo na. Buhay ako."

Umahon ito na may ngiti sa mga labi pero agad itong napasimangot. "Pambihira ka. Talagang tinulak mo ako dito ha? Paano pala kung namatay tayong pareho?"

"Pero hindi naman." Tiningnan niya ang paligid. "Hindi ka ba nagtataka kumbakit napakaliwanag ng lugar?"

"Malay ko. Baka dahil sa mga krystal na yun doon. Isa pa, ang lawak ng tubig dito. Hindi nga ako makapaniwalang sa nangyayari sa mundo ay may tubig pa pala dito sa ilalim ng trench." Tinikman nito ang tubig. "Maalat pa."

Nagmistulang lake ang tubig pero hindi naman nila makita ang kabilang dulo. Sigurado rin siyang nasa ilalim sila ng trench dahil napakadilim sa itaas. Hindi na marahil maabot ng liwanag sa taas ang bahaging yun ng mundo. Sobrang lalim nga siguro.

Nagtataka lang siya kumbakit meron pang tubig dagat doon.

"Si Takari. Nakita mo ba si Takari?" mabilis niyang tanong kay Naru.

"Hindi eh. Hindi ko siya nakita dito."

Tumingin siya sa paligid. Nagbabakasakaling makitang nakalutang ito sa tubig pero kalmado lang naman ang tubig. Wala ni isang ripples. Siguro dahil walang hangin ang lugar pero nakakahinga naman sila. Sapat lang para hindi sila mahirapan.

"Ang mabuti pa ay hanapin natin si Takari. Siguradong naririto lang siya sa paligid." Nagsimula siyang maglakad. Hindi siya lumayo sa gilid ng tubig. Magbabakasakali siyang nasa gilid rin si Takari, tulad nila.

"Kung sakali namang makita natin siya, paano naman tayo aalis dito?" sumunod agad sa kaniya si Naru.

"Hahanapin natin sina Kazumi."

"Ah, oo nga pala. Kaya lang ang lawak pala sa dulo nitong bangin. Siguradong mahihirapan tayong makita sila. Baka nga habang nahuhulog tayo ay papaalis naman sila."

Tiningnan ni Imaru ang kaibigan. May punto rin naman kasi ito eh. "Umasa na lang tayong nandito pa sila."

Itinuon na lang niya ang paningin sa dinadaanan nila. Di pa sila katagalan sa paglalakad ng biglang may mahulog sa tubig.

Napakislot sila sa gulat na agad natigilan. Hindi nila nakita kung ano yun eh. Lumikha pa yun ng malaki-laking alon. Sa taas ba naman ng hinulugan nito.

"May tumalon rin ba?" bulalas ni Naru.

Hindi siya sumagot. Hinintay niyang may lumutang. Sa lakas ng pagkakabagsak nito, kahit tubig pa yun ay siguradong mawawalan ng malay.

Dapat nga patay eh.

Pero bakit buhay sila ni Naru? Wala pa silang gasgas sa katawan na likha ng pagkakatama nila sa gilid ng bangin para kahit papaano ay humina ang bilis ng paglaglag nila pero wala.

O baka naman sadyang sagrado lang ang lugar na yun dahil naroroon ang palasyo ng Leader ng mga Diyosa.

"Tingnan mo. May umaahon!" sigaw ni Naru na tinuro pa yun.

7 Elements (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon