"SINABI sa amin ni Takari ang na-pridiktahan niyang mangyayari sa buong mundo." Pagsisimula ni Aero.
Kumalma na rin si Sasu.
Nakaupo lang sila habang nakikinig sa kwento ng maliit na Dragon.
"Hinuli niya ako at pinilit na ikulong sa statwa kahit hindi ko gusto." Napamura ito ng mahina ng maalala ulit yun. "Kainis talaga ang babaeng yun."
"Nahuli ka niya?" tanong ni Kazumi. "Pero hindi ba't ikaw ang Elemento ng Hangin?"
"Pumayag ka rin sa plano niya, baliw!"asik nito. Napasimangot na lang si Kazumi. "Gumawa kayo ng plano na labag sa akin. Pinagkaisahan niyo akong ikulong sa statwang yun. Ginawa akong ganito ni Takari dahil hindi pa rin ako pumayag sa gagawin niyo. Sa huli ay ako rin ang natalo. Pwede naman niya akong pabayaan ng hindi nakakulong dito eh. Sasakalin ko talaga ang babaeng yun."
"Hindi ko matandaan ang plano dahil binura ni Noburi ang ilan sa alaala namin."
"Kaya ako nakulong dito ng mahabang panahon!" sigaw nito.
Natawa ng mahina si Sasu dahilan para mainis na naman ang pikon na Dragon.
"Pasensiya na Aero. Hindi lang siguro na-pridiktahan ni Takari ang mga nangyari pagkatapos non. Hindi rin naman kasi naging madali sa aming lahat ang mga panahon na yun eh. Nawalan rin si Takari ng alaala tungkol sa sarili niyang pagkatao kaya nagkaganoon." Paliwanag ni Kazumi sa Dragon. "Pero magiging maayos na rin naman ang lahat ngayon eh."
Hindi umimik ang maliit na Dragon.
"Nasaan nga ba ang ilang mga Elementong Dragon?"
"Nasa Gem sila." Mahinang sagot nito. "Hindi ko nga alam kumbakit ako at si Hydro lang ang hinayaan niyang makalabas sa Gem eh."
"Nakalabas rin si Pyro nong mahati ang Gem." Wika ni Sasu. "Sinundo na siya ni Iminako ngayon."
Hindi ito sumagot na parang nag-isip pa. Maya-maya ay tumingala ito kay Kazumi. "Ano ang plano niyo ngayon?"
"Sa ngayon ay bihag ng mga Ulome at Halimaw ang ibang Diyosa sa Dome. Kailangan nating pigilan ang kung ano mang gustong gawin ni Noburi."
"Ano nga ba ang gustong gawin ni Noburi sa mga Diyosa?" si Sasu.
"Gustong maging Diyosa ni Noburi ng lahat ng mga Elemento." Nagulat silang dalawa sa sagot na yun ni Aero. "May gagawin siyang ritwal para makuha at ma-kontrol ang lahat ng Elemento, kami. Para maging ganap siyang Diyosa ng lahat ng Elemento." Pumiksi pa ito. "Baliw ang babaeng yun."
"Pwede yun?"
"Hindi ko alam kung paano niya gagawin yun. Pero siguro ire-reset niya ang buong mundo at susubukan kaming hulihin at kontrolin."
"Reset?" patda si Kazumi. "Reset, ang ibig mo bang sabihin, ibabalik niya sa dati ang mundo. Ang mundo kung saan wala pang kahit na anong nilalang?"
Tumango ang Dragon kaya nagkatinginan lang dalawa. Parehong may mangha sa anyo nila.
"Kami ang pinakaunang naging likha ng mundo kaya kami tinawag na Elemento. Hindi kami magkasundo kaya niluwa ng mundo ang mga Diyosang tulad niyo para paamuhin at kontrolin kami. Doon na nagsimula ang pagiging Diyosa niyo. Hindi imposibling ibalik ang panahon pero kung si Noburi ang gagawa non, hindi niya makakaya. Kaya gagamitin niya ang mga Diyosa para ma-reset ang mundo. Ang mundong walang Tao, Ulome, halimaw at mga Hayop. Ang mundong tanging pitong Dragon lang ang nakatira at nag-aaway. Ang mundong, nasa bingit ng pagkasira. Siguro, sisirain niya sa ritwal na yun ang ano mang naging tali ng mga Diyosa para makontrol kami. Kapag nawala yun, babalik kami sa dati naming katauhan bago ang mga Diyosa." Mahabang salaysay nito.
BINABASA MO ANG
7 Elements (On-going)
FantasyIsang siglo na ang nakaraan ng tuluyang masira ang mundo. Dahil doon ay nanirahan ang mga natirang tao at mga Ulome sa loob ng Dome. Tuyo na ang karagatan, kalbo na ang mga lupain at nakakalason na rin ang hangin sa labas ng Dome. Dahilan para walan...