HINDI na naalis ang ngiti ni Sasu habang nagpalakad-lakad siya sa paligid ng Dome. Kitang-kita niya kung paano pagsilbihan ng mga Ulome ang mga tao.
Ang buong akala niya, mga tao ang naninilbihan sa mga Ulome pero baligtad pala.
Ang mga tao ang gumawa ng Dome at ang mga Ulome ang alipin. Hindi niya alam kumbakit may panaginip siya na baligtad ang nangyayari.
Ang maganda pa dahil siya ang namamahala sa lugar na yun. Siya ang leader ng mga tao at sa kaniya naninilbihan ang akala niya ay Reyna at Prensepe ng mga Ulome.
May nakasunod ring mga tauhan niya sa likuran niya.
"Sasu!"
Nadinig niya ang pamilyar na boses na yun ni Naru.
Nasundan niya yun ng tingin. Napangiti siya ng makitang palapit ito.
"Naru," salubong niya agad dito.
"Gusto mo bang sumama sa amin? Inaasahan nina Sain at Imaru na sasama ka ngayon. Palagi ka kasing abala eh." Masayang sagot nito.
"Saan?" gusto rin niyang malaman kung ano ang gagawin eh.
"Well, may party si Takari."
"Bakit? Ano ang okasyon?"
"Hindi niya sinabi eh. Pero umaasa siyang makakapunta ka ngayon."
Naalis ang ngiti niya. "Hindi ako palaging sumasama sa inyo?"
"Syempre naman. Ikaw ang namamahala sa buong Dome eh. Palagi kang abala. Hindi ka na nga namin halos nakikita eh. Hindi ka na rin sumasama sa mga kasayahan namin. Kapag Leader nga naman o. Pero hindi kita pipilitin kung hindi ka pa rin makakapunta ngayon."
"Wag mong sabihin yan. Syempre pupunta ako. Marami naman akong oras ngayon eh."
"Talaga?"
"Mawalang galang na Leader." Agaw pansin ng lalaking tauhan niya. Nasundan nila ito ng tingin. "Pero may dadaluhan pa po kayong meeting. May mga papeles din po kayong kailangang tingnan. Pasensiya na po pero wala po kayong oras ngayon."
Naalis ang ngiti ni Naru na halatang nadismaya.
"Ano? Pero ako ang Leader? Hindi ko ba pwedeng gawin ang kahit ano? Isa pa, mga kaibigan ko sila. Hindi ko sila pwedeng ignorahin." Giit niya.
"Pasensiya na po pero mas mahalaga ang pamamalakad sa buong Dome. Sa pagkasira ng mundo, tanging ang Dome na lang na ito ang inaasahan ng lahat."
"Pero---"
"Ayos lang Sasu. Sa susunod na lang siguro. Sasabihin ko na lang sa kanila na hindi ka makakapunta." Matabang na sagot nito.
"Naru, hindi. Pupunta ako."
"Hindi po kayo pwedeng umalis, Leader." Anang lalaki.
"Pero bakit? Aalis ako. Ako ang leader dito kaya hindi niyo ako pwedeng pigilan." Bahagya na ring tumaas ang boses niya.
"Hawakan ang Leader."
Ganoon na lang ang gulat niya ng hawakan siya ng mga tauhan niya. Nagpumiglas siya saka niya tiningnan si Naru. May lungkot sa anyo nito saka ito nagpaalam at umalis.
"Hindi. Naru, sandali lang. Sasama ako."
"Dalhin ang Leader sa opisina."
Kinaladkad siya ng mga ito papasok sa gusali. Napuno ng pagkalito ang isip niya. Hindi niya maintindihan kumbakit ganoon ang trato ng mga ito sa kaniya sa kabila ng pagiging leader niya.
BINABASA MO ANG
7 Elements (On-going)
FantasíaIsang siglo na ang nakaraan ng tuluyang masira ang mundo. Dahil doon ay nanirahan ang mga natirang tao at mga Ulome sa loob ng Dome. Tuyo na ang karagatan, kalbo na ang mga lupain at nakakalason na rin ang hangin sa labas ng Dome. Dahilan para walan...