"NADINIG niyo ba yun?" gulat na tanong ni Kazumi sa mga kasama na nahinto rin. Pinakinggan niyang maigi ang paligid.
"Sorry, Kazumi. Masama kasi ang tiyan ko ngayon eh." Natatawang sagot ni Takari sa kaniya.
"Hindi yun. Parang may nadinig akong pag-guho eh."
"Guguho ang kweba?" Tarantang sigaw ni Naru.
"Baka naman naging disperado na ang mga halimaw na mahuli tayo kaya wawasakin na lang nila ang kweba at ililibing tayo ng buhay dito." Komento ni Imaru.
"Gagawin talaga nila yun? Ano naman tayo? Dead or Alive Category Wanted Criminals?" si Takari.
"Hindi natin sila masisisi. Hindi naman sila makapasok dito sa takot na makita ang bangungut nila eh. At tama nga naman sila." Sagot ni Sain.
Natawa lang ng maiksi si Hikari doon kaya bahagya niya itong siniko.
"Kayong dalawa? Nagsisikuhan na kayo diyan." At nagawa pang manukso ni Naru ng makita ang dalawa. "Anong hindi namin alam?"
Tumawa lang si Hikari saka umangkla sa braso ng nagulat na si Sain. "Secret." Sagot pa nito.
"Iba na yan ha?" bulalas ni Miyakira.
Pinakinggan lang ni Kazumi ang paligid na may madinig ulit siyang pag-guhong tunog.
"Meron nga." Wika ni Sasu.
"Bilisan na natin." Mabilis na nauna si Kazumi.
Agad naman silang sumunod. Sa pagkakataong yun ay tumatakbo na sila. Hindi naman nila nararamdaman ang pagyanig sa paligid pero ayaw na nilang hintayin na habulin sila ng papaguhong kweba.
Ilang saglit pa silang tumatakbo saka naman may nagsalita na rin.
"Tika, tigil muna." Humihingal na bulalas ni Miyakira. "Magpahinga muna tayo. Ayaw ko munang mag-diet eh." Palibhasa medyo chubby eh.
Huminto na rin sila pero pareho ring hinihingal.
"Hindi naman gumuguho ang lugar eh." Si Naru.
"Hihintayin mo pa ba?" tanong naman ni Sasu dito.
Tiningnan na lang ni Kazumi ang daan pero humihingal din siya. Naikunot na lang niya ang noo dahil may tumatanglaw na pulang ilaw sa malayo.
Para bang may taong palapit na may dalang torch.
Pinanlakihan siya ng mga mata. "Tika, mukhang may papalapit dito."
Nagulat rin ang mga ito ng makita yun.
"Pumasok rin sila dito?" bulalas ni Hikari.
"Balik. Balik sa daan." Sigaw ni Kazumi.
"Hindi pwede, baka gumuho na rin ang bahaging yun. Isa pa, sobrang layo na non eh. Kalabanin na lang natin kung sino ang nandiyan." Bulalas ni Takari.
"Parang kaya mo naman." Sagot ni Imaru.
"Kapag kaya ko, kakalbuhin ba kita?"
Hindi ito umimik.
"Takbo!" sigaw ni Kazumi ng makitang papalapit na yun.
"Kazumi?"
Natigilan sila ng madinig ang boses na yun. Saka naman nila nakitang si Iminako lang pala ang may gawa ng pulang ilaw na yun.
Nagulat rin ito pero natuwa.
"Tama nga. Pumasok kayo dito." Mabilis itong lumipad at lumapit sa kanila. "Anong nangyari? Hindi ba kayo kinain ng ilusyon o ano?" agad nitong tanong sa kanila.
"Tapos na. At hindi mo alam kung ano ang nakita kong bangungut." Si Naru ang sumagot.
"Nakapag-asawa ka ng pangit na babae?"
Patda si Naru na nagulat pa.
"Wunesa." Masayang tawag ni Hikari sa babaeng balot na balot ng panlamig.
Masayang agad itong lumapit saka niyakap ang mga kaibigan. "Ang tagal ko na kayong hindi nakita." Inisa-isa nitong yakapin ang mga Diyosa.
Nabigla pa si Takari ng yakapin din siya nito pero ng lumayo ito ay nagtaka ito.
"Sino ka?"
"Iwan ko sayo. Ikaw ang yumakap sa akin eh."
Kumunot lang ang noo nito saka tiningnan ang kabuuan niya. saka tumingin sa iba pa niyang mga kasama. "Ah, kayo ang mga taong hinahanap ng mga halimaw."
Tumango na lang si Takari.
"Wunesa, kailangan nating bumalik. Nakabantay sa labas ang mga Snow Yeti. Ano bang nangyayari sa kanila? Ba't sila nagkaganoon?" tanong ni Miyakira sa babae.
"Naapektuhan rin sila eh, at ngayon ay hindi na nila ako kilala."
"Hindi rin tayo pwedeng bumalik doon." Agaw pansin ni Iminako. "Nahuli nga kami doon eh. Inaabangan na nilang naroroon tayo. Mabuti nga at nakatakas kami ni Wunesa."
"Kung may nagbabantay sa tanging lagusan ng kwebang ito, eh anong gagawin natin?" naguguluhang tanong ni Naru.
Tinapik ni Sasu ang dingding ng kweba. "Gumawa ng sariling lagusan."
Nagkatinginan lang ang mga Diyosa.
"Imposible. Nasa ilalim tayo ng bundok. Guguho muna ang bundok bago tayo makalabas dito." Sagot ni Wunesa.
"Hindi kung hindi natin ito pasasabugin."
"Ang ibig mong sabihin, maghuhukay tayo?" si Imaru.
Tumango na lang si Sasu. "Mas mabuti kung maghanap tayo ng bahagi na hindi malayo sa gilid ng bundok."
"Wala tayong palakol at pala eh." Si Naru.
"Ako na." Agaw pansin ni Iminako. "Kaya ko namang gawin ito eh." Saka niya pinaliyab ang kamay pero sa pagkakataong yun ay mas malakas yun na parang laser.
Itinapat nito yun sa dingding at gumuhit ng pinto saka niya yun marahang tinulak. Nabiyak ang bahaging yun ng dingding sa kanila.
Natuwa sila dahil pwede yun.
Wala rin naman silang magagawa kundi ang umasa kay Iminako dahil ito lang ang may kapangyarihan sa kanila eh.
"Ayos. Maghahanap lang tayo ng malapit sa gilid saka tayo maghuhukay." Si Kazumi. "Miyakira?"
"Okay," dumikit ito sa dingding saka may pinakiramdaman hangang sa magsimula itong maglakad pero nanatiling nakadikit. Naghahanap ito ng malapit sa gilid eh.
Kahit wala na itong kapangyarihan ay kaya naman nitong maramdaman ang lupa kahit kaunti lang.
Sinundan na lang nila ito at pabalik ito sa dinadaanan nila.
"Uhm, hindi ba't nandiyan galing ang gumuguhong tunog?" tanong ni Naru.
"May tyansa na malapit lang sa gilid ang kweba sa bahaging ito. Hindi tayo pwedeng bumalik sa palasyo. Kapag dito tayo maghuhukay, baka nyebe lang ang sasalubong sa atin. Nasisiguro kong si Iminako lang ang mabubuhay kapag nagkataon." Sagot ni Wunesa.
Wala na lang nagsalita. Ito naman ang may mas alam sa lugar na yun eh.
BINABASA MO ANG
7 Elements (On-going)
FantasyIsang siglo na ang nakaraan ng tuluyang masira ang mundo. Dahil doon ay nanirahan ang mga natirang tao at mga Ulome sa loob ng Dome. Tuyo na ang karagatan, kalbo na ang mga lupain at nakakalason na rin ang hangin sa labas ng Dome. Dahilan para walan...