Chapter 85

11 1 0
                                    

NAHINTO sa di kalayuan sina Iminako ng makita ang hindi inaasahang eksina. Nagkakarambula sa di kalayuan ang mga Dragon. Kitang-kita niya si Hydro, at marahil ang puting Dragon ay si Aero. Ang ibang dragon naman ay parehong itim.

Yun marahil ang ibig sabihin ni Pyro kanina.

Wasak na rin ang Dome. Bitak-bitak na ang mga lupa at nagisisimula ng tumagas ang maiinit na lava mula doon. Dumidilim na ang paligid kahit umaga pa.

May mga bubbles rin siyang nakikitang palayo sa dereksyon ng Dome at sa loob non ay ang mga nilalang. May mga Horus rin silang nakikita na tinutulak palayo ang mga tao paalis sa lugar na yun. Siguradong naroroon na rin si Kazumi.

"Ang sama nito!" bulalas ni Naru.

"Naru, tulungan mo ang mga Horus." Utos niya sa lalaki.

"Paano ka?"

"Pipigilan ko si Noburi. Bilis na!" utos niya dito.

"Mag-iingat ka." Mabilis na pinalipad ni Naru ang ibon palayo. Nasundan na lang niya ng tingin si Iminako na agad lumipad sa dereksyon ng wasak na Dome.

"Pyro?" tawag ni Iminako sa Dragon na nasa balikat niya. nararamdaman pa rin niya ang panghihina nito.

"Ilaglag mo ako sa Lava."

"Ano?"

"Yun lang ang paraan para bumalik ang lakas ko. Kailangan kong mag-recharge." Sagot nito.

"Okay." Hinawakan niya ito saka walang pagdadalawang isip na hinagis niya ito sa lava.

Parang isda na lumangoy doon ng walang kahirap-hirap si Pyro.

Hindi niya alam kung gaano nito katagal kailangan na mag-recharge pero bahala na.

Lumipad siya ng matulin deretso sa maitim na usok. Naaaninag na niya ang nakalutang na si Noburi. Kakaiba ang itsura nito pero sigurado siyang si Noburi ito.

Binilisan pa niya ang pag-lipad pasugod dito.

Pero lumingon ito ng makita siya. Bago pa siya tuluyang makalapit ay pinalibutan na siya ng itim na usok dahilan para mawala ang pagliliyab ng katawan niya at hindi siya makakilos.

"Aba, aba! Gusto mo rin bang makisali, Iminako?" natatawang tanong nito ng dalhin siya ng mga usok nito palapit dito. "Hindi mo muna ba sila pagmamasdan?" hinawakan nito ang baba niya at iniharap sa ibaba.

Pinanlakihan siya ng mga mata ng makita sina Takari at Kazumi. Tinatambanan nina Hikari ang mga ito.

"Takari! Kazumi!" sigaw niya pero hindi siya madinig ng mga ito.

Ginugulpi na ng apat ang mga ito. Halatang ayaw lumaban dahil ayaw masaktan ang mga kaibigan.

Napatili ng malakas si Takari ng paulanan ito ng kidlat ni Hikari. Hindi naman makakilos si Kazumi dahil iniipit siya ng dalawang malaking bitak ng lupa.

"Ano bang ginawa mo sa kanila?" galit na sigaw niya kay Noburi. Sinubukan niyang makawala pero humigpit pa lalo ang mga usok sa katawan niya.

"Gusto kong maging pinakamalakas. At para magawa yun, kailangan ko kayong paamuhin." Sagot nito. "Syanga pala, nasaan ang Dragon mo?"

Napangisi siya ng makita ang dahan-dahang pag-angat ng ulo ni Pyro sa likuran nito. Bumalik na ito sa dati nitong laki. Hindi yata yun napansin ni Noburi dahil nakatuon ang tingin nito sa kaniya.

Fully charge na si Pyro. Wala na ang mga itim na marka sa katawan nito at umuusok ito sa sobrang init. Maya-maya lang ay nagliyab ang buong katawan nito at huli na para mapansin ito ni Noburi.

7 Elements (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon