Elevator

154 5 0
                                    

Elevator

September 19, 2014
CEU-Manila

Third year ako nun. HRM ang course ko. Since 6am ang klase ko maaga akong umalis ng bahay so nakarating ako sa ceu around 5:15. As usual, early bird ako kaya ako ang unang una nakakarating sa klase. Sa pinakataas ng building namin ang class ko, and since masyado akong tamad, nagelevator ako. Yung classroom kasi namin, pagbukas ng elevator, yun na. So ayon, binuksan ko yung ilaw at yung aircon dumungaw ako ng saglit sa bintana tapos umupo ako dun sa malapit sa elevator at natulog muna dahil wala pa naman akong kasama. Maya maya naalimpungatan ako kasi narinig kong tumunog yung elevator *ting ting ting* which is very unusual kasi diba isang *ting* lang yun. So di ko nalang pinansin at tinuloy ko nalang tulog ko. Minutes later, tumunog ulit sya this time isa lang, i heard footsteps so nag-inat inat na ako. Sabi ko pa sa sarili ko ""hay salamat may kasama na ko"". I checked my watch, it's 5:32am. Tumabi sakin yung friend ko na early bird din, nagtanungan kami ng assignments and all that. Nalaman ko kailangan pala ng index cards, eh wala ako so sabi ko sa friend ko bibili lng ako sa bookstore namin, kumuha ako ng pera. Nagpapasama ako sakanya pero she insist staying there. Pumasok na ko sa elevator, hinihintay ko sumara yung elev ng biglang may npansin akong babaeng nasilip sa bintana. Tinititigan nyang mabuti yung kaibigan ko, ang sama ng tingin nya parang galit na galit sya. Pasara na yung elevator di ako makakilos nung konti nalang nakikita ko, pinindot ko ng pinindot yung open button ng elevator, bumukas naman sya, andun padin yung nakasilip na babae pero this time sakin na sya nakatingin. I started crying kasi parang may binubulong sya habang nakatitig sakin. Tinawag ko na yung friend ko habang nakapress sa open button ng elev, pero nakaearphones sya tapos nakayuko parang natutulog so wala akong choice kundi puntahan sya sa kinauupuan nya, hinatak ko nlang basta yung braso nya at pumasok sa elevator, wala na kong pake sa bag namin. Nung nasa elevator na kami, tinatanong nya ko bakit ako iyak ng iyak, sinabi ko lahat yung nakita ko tapos sumagot sya sabi nya,

"Nagkamali ka ng hinila"

Paglingon ko ako lang magisa dun sa elevator, nagdilim na paningin ko.

Paggising ko nasa clinic na ako, andun yung friend ko natakot ako pagkakita ko sakanya, umiiyak na ulit ako sa takot. Nandun na din parents ko. Pinaexplain nila saken kung anong nangyari, kwinento ko lahat. Napansin ko nakakunot noo nung friend ko kaya tinanong ko kung bakit tapos sabi nya

"Eh be nung pumasok ka na sa elevator, nagcr na ako agad"

Joanna
Caloocan



📜Spookify
▪︎2016▪︎

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon