PECULIAR
Hi spookify! Sana mapost to.
Naaastigan tlaga ako kpag nakakabasa ako ng mga story na may kinalaman sa precognition or yung nakikita mo yung events sa future. Cool eh. Parang sa mga movie.
Then one day, narealized ko na meron din ako ng ganun.
Pero di tulad ng iba, images ang nakikita ko. Literal na scenario na nakatigil na nagfaflash sa harap ng mata ko. Sobrang sandali lang niya. Then after that sasakit yung ulo ko na parang binabarena.First time kong naransan yung ganito when I was 18, a week before ako magbirthday. Nasa classroom lang ako at nagsusulat ng bigla nlang akong may nakitang image ng isang conversation sa chat (Yung image na nakita ko is parang literal na picture na nasa tapat ng mata ko pero see through). Nabasa ko yung message and it was a long message for my upcoming birthday. Nakita ko din kung kanino galing.
Akala ko imagination ko lang kaya binalewala ko.Then after that incident, sa mismong araw ng birthday ko, I received the exact message from that exact person sa nakita ko. Hindi na nga ako nagulat nung nabasa ko yun eh.
2nd is tungkol sa kachurch ko. Nasa bahay lang ako nun nagsosoundtrip tas bgla ulit may nagappear na image sa utak/mata ko. Image ng kachurch ko na nakasuot ng longsleeves na polo na sky blue and maong pants. Ganun lang. Again, akala ko imagination ko lang kasi ang random niya.
Then, ilang days lang after that, Sunday nun ng pumunta akong church and nagulat ako to see my same churchmate wearing the same outfit base dun sa image. As in eksaktong eksakto. Dun medyo naloka nko. Coincidence lang ba?3rd is nitong September lang. Nasa bahay ako and mananalamin sana para ayusin ko yung buhok ko pero isang hawi ko plang sa buhok ko may nakita ulit akong image. Isang babae na nakaupo sa harap ng isang malaking salamin. Yung parang pag inaayusan ka? Ganun. Pero medyo antique yung design. Nakasuot siya ng medyo khaki color na dress. Nakita ko yung reflection ng mata niya sa salamin and I can say na hindi siya masaya. Halata sa mata niya yung lungkot. Sa ilang segundo na yun, sumakit yung ulo ko ng sobra na first time mangyari. Yung parang binabarena. Tas pag pipikit ako, I can see distorted image. Magulo.
May ibang pagkakataon din na nagagawa kong talasan yung pandinig ko lalo na pag gabi.
Hanggang ngayon hindi ko alam kung ano/sino yung babae. Hindi ko alam kung nagkatotoo ba yun kse hindi ko pa nakikita yung girl kaya hindi ko masabi kung may ganung scenario na mageexist.
I really don't know kung under na ba to ng seer, or kung ano mang tawag dun. Oo, astig pero hindi rin nakakatuwa. May maniniwala, meron ding hindi.
- Ava
📜Spookify
▪︎2017▪︎
BINABASA MO ANG
[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.