KINAIN ANG SARILING LAMAN
FAITH po. Salamat po sa lahat ng bumati sa akin kahit na bukas pa ang birthday ko.
Warning: Walang aswang dito o multo na nakakatakot, pero nakakatakot ang kwento dahil may tao palang magaling umaswang sa sariling laman.
Mahaba po ito.
Ang kwento ko ngayon ay tungkol sa closest cousin ko. First cousin ko siya, si Fiona. They live in Lubao, Pampanga. Magkapatid ang aming mga ina. Bunso ang Nanay ko at ikatlo naman ang Nanay nya. Si Fiona ay masayahing bata at mabait. Magka-age kami at may dalawa pa siyang ate. 12 ang edad namin noon at ang age ng mga ate nya ay 14 si ate Joan at 17 si ate Georgia.May sakit ang Tiya Ester ko nun, cancer at stage 3. Binigyan na ng taning ng doktor ang kanyang buhay. Sa mga panahon na yun ay laging nasa tabi ng Nanay nya si Fiona. Hanggang dumating ang araw na iniwan na sila nito. Ang lahat ay nalungkot dahil napakabuting ina at asawa nito. Saksi ang pamilya ko dun. Iyak ng iyak ang mga pinsan ko nun, hindi sila umaalis sa kabaong ng Tiya ko.
Ng araw
ng libing ay tila ba pati langit ay nakikidalamhati sa kanila. Umulan ng malakas pagkatapos mailibing. Pero ang mga pinsan ko ay nandoon pa rin, ayaw tuminag sa kinatatayuan nila. Tila ba ayaw nilang umuwi. Hanggang pilit nalang silang inaya ng Nanay ko. At sabay-sabay kaming umalis.Year 2010- di sinasadya ay nagkita kami ni Fiona sa SM Pampanga. May kasama siyang dalagita at dalawa pang bata na lalaki. Pinaglaro muna nya ang mga bata at nagkwentuhan kaming dalawa. Sabi ko sa kanya ang aga naman nyang nag-asawa, e ako panganay ko nun 5 yrs old palang.Umiling siya at tumulo ang luha. Hinawakan ko ang kanyang mga kamay. Eto ang kanyang kwento.
Lumipas ang mga araw nun ng mamatay si Nanay ay naging malungkot pa rin kami ng mga kapatid ko. Ang Tatay naman ay patuloy sa trabaho para mai-provide ang kailangan namin. Madalas siyang nagla-lasing nun sa gabi. Siguro nami-miss si Nanay.
May mga gabi na naririnig ko ang mga ate ko na umiiyak kaya naman pati ako lalo kong namimis ang Nanay.. Umiiyak rin ako pag naririnig ko silang umiiyak sa gabi. Basta ganun lagi, gabi-gabi may mga naririnig akong umiiyak sa mga ate ko.
Lumipas ang ilang buwan.
Isang hapon wala pa si Ate Georgia nun, hanggang sumapit ang gabi wala parin. At may nagpunta na kapitbahay sa amin na nagsabing nakita ang ate na kasama ngvlalaki marahil daw ay bf nya. Galit na galit ang Tatay ko nun. Gusto nyang bawiin si Ate pero di nya sila makita. Tila ba nagtatago talaga.
Matagal na kaming sinabihan na huwag kaming magpapaligaw. Wala daw dapat makinabang sa amin. Bata pa ako nu'n.
Dahil sa ginawa ni Ate Georgia ay pinagbantaan nya kaming dalawa ni ate Joan na huwag naming gagayahin si Ate Fiona kundi malilintikan kami. Galit na galit siyang umalis, sigurado iinom na naman yun.
Malalin na ang gabi ng magising ako. Narinig ko nalang bigla ang mga impit na iyak ng Ate Joan ko. Naisip ko nu'n siguro nalulungkot si Ate Joan kasi sa kanya maiiwan ang mga gawain sa bahay. Tsaka baka namimis si Nanay.
Kaya ng magising kami kinabukasan ay sinabi ko kay ate na huwag siyang mag-alala. Magtu-tulungan kami. Nginitian lang ako ni ate Joan ng mapaklang ngiti at napansin kong magang -maga ang mga mata nya.
Ng papasok na kami sa school ay napansin kong matamlay pa rin si ate Joan ko at hindi siya kumikibo. Idinaan nya ako sa school ko, magkatabi kasing school namin. Grade six ako at high school si Ate Joan. Niyakap pa ako ni ate at sinabi nya ang mga salitang ingatan ko ang sarili ko. Ng papalayo na si ate ay napansin ko ang kanyang bag na maumbok. Nagtaka man ako ay binalewala ko nalang.
Hanggang sumapit ang uwian, nauna na akong umuwi nun. Takipsilim na wala pa rin siya kaya ako na ang nagluto. Kasi darating ang Tatay ko pagod at tiyak gutom yun. Ng pagdating nga nya ay tinanong agad ang ate Joan ko. Sabi ko ay di pa dumarating. Kaya pinaghanda ko na ng pagkain. Ako naman ay busog pa at naisipan kong magpunta sa kuwarto ni ate Joan. Doon ko nakita na wala ang iba nyang mga damit... Ahhh kaya pala maumbok ang bag nya. Ng umupo ako sa papag nya ay nakita ko ang sulat na nasa lamesita, para sa akin.
Dear Fiona,
Huwag ka sanang magalit sa amin ni Ate Georgia kung iniwan ka namin diyan. Hirap na hirap na kasi kami at hindi na namin makayanan ang lahat. Palagi ka sanang mag-ingat at magkandadu ng pintuan mo pag matutulog kana. Mahal na mahal ka namin ni Ate.
Sumama na ako sa manliligaw ko. Mahirap lang sila pero ang importante ay maka-alis ako dito.
Love,
Ate JoanIlang beses kong binasa ang sulat ni ate nun at paulit ulit kong inunawa sa abot ng aking makakaya. Na-guilty pa ako kasi baka pagod sa gawain ang mga ate ko kaya nila ako iniwan HUHU.
Si Tatay ay umalis nun para hanapin ang kapatid ko pero hindi ko sinabi sa kanya ang totoo na sumama si ate sa bf nya Kailangang malaman ko sa mga kapatid ko ang dahilan kung bakit kamamatay lang ng Nanay namin ay para silang nagpaligsahan sa pag-alis sa bahay. Nalulungkot akong lalo kasi wala na nga si Nanay, iniwan pa ako ng mga kapatid ko.
Yung mga kapitbahay rin namin ay nagpaparinig na ang mga kapatid ko daw ay ang agang lumandi. Mga salitang masakit pakinggan. Pero ako ayokong husgahan ang mga kapatid ko.
Mabilis na sumapit ang tatlong taon. 15 na ako nun, si Ate Joan ay 17 at 20 naman si Ate Georgia. Minsan nakita ko si Ate Georgia. Tuwang-tuwa siya ng makita ako at niyakap nya ako ng mahigpit. Napansin ko na buntis siya. Kumustahan kami. Ang saya ko kasi tita na ako. Pangalawa na palang anak nya ang nasa tiyan nya. Sabi ng ate ko ay masaya siya sa buhay nya ngayon, payapa ang kanyang kalooban. Tsaka nya ako kinumusta kung wala bang nangyayaring "di maganda" sa amin du'n sa bahay. Sabi ko sumama na rin si Ate Joan sa bf nya. Oo nga daw, nagkita daw sila minsan. Tsaka ako tinanong ni ate kung walang masakit ba sa akin. Kako wala. Nagtataka talaga ako kay ate. Natatawa nalang ako sa kanya. Sabi pa nya kung hindi lang daw sila nakikitira lang sa biyenan ay isasama nalang nya ako kahit huwag na daw akong umuwi. Nag-aalala siya sa akin ramdam ko yun. Hanggang sinabihan nya ako na ingatan ko ang sarili ko. Kasi dalaga na daw ako. Kako para kang si ate Joan na ganyan ang bukambibig sakin. Hanggang nag-hiwalay na kami.
Nag-iwan ng palaisipan sa kin si Ate Georgia.
Sa pag-alis ng mga ate ko ay sakin lahat naiwan ang mga resposibilidad. At ang ibang bagay.
Isang gabing malakas ang ulan, maginaw nu'n. Maaga akong natulog kasi maaga akong papasok bukas. Tinakpan ko nalang sa mesa ang pagkain ng Tatay ko. Grabe kahit tatlong taon ng wala ang Nanay ko miss na miss ko pa rin siya. Matagal ko ng hiniling kay Nanay na sana magparamdam siya sa akin. Kahit na di naman ako naniniwala na nagbabalik ang mga patay na. Namiss ko din ang mga ate ko. Nakaramdam ako ng emptiness. Napaiyak ako ng sobra hanggang sa makatulog ako.
Malalim na ang tulog ko ng maramdaman kong may nag-alis ng kumot ko. Hindi ko yun pinansin dahil ang akala ko ay panaginip lang. Hanggang naramdaman kong may mga kamay na dumampi sa akin. Hinahaplos ang bawat parte ng aking katawan. Pinigilan kong dumilat at ni huminga. Bigla ko nalang naramdaman na may mabigat na dumagan sa akin. Dun nako dumilat at pinipilit nyang hubarin ang aking damit pang-ibaba sa isa nyang kamay at ang isa naman ay nakatakip sa aking bibig. Gusto kong magsi-sigaw. Kinagat ko ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko pero sinampal nya ako magkabilang pisngi. Umapoy ang pakiramdam ng mukha ko. Gisto kong humingi ng saklolo pero wala akong nagawa. Napakalakas ni Tatay. At kahit siguro magsisigaw ako walang makakarinig sakin sa lakas ng ulan. Anong magagawa ng aking katawan? Tumulo nalang ang aking mga mata habang ginagawa nya sa akin ang makamundong pagnanasa. Ang sakit-sakit. Walang patid ang aking pagluha. Mas gugustuhin ko pang mamatay ng mga oras na yun dahil paulit-ulit nya itong ginawa. Hanggang sa lumabas siya ng akong kwarto. Lalo akong nag-iiyak. Pakiramdan ko ang dumi-dumi ko. Nangangatog ang buo kong katawan at magdamag akong umiyak. Gusto ko ng magpakamatay nung mga oras na yun.
Kinabukasan ay hindi ako makatayo sa sakit ng katawan ko. Hindi ako nakapasok sa school. Gabi-gabi nya akong ginagalaw. Tatlong araw akong nilagnat at nagising ako nun sa tawag sa labas. Inayos ko ang sarili ko para tignan kung sino ito. Ang kapitbahay namin may sulat na pina-paabot daw ang Ate Georgia.
Bunso,
Kumusta kana? Miss na miss na kita. Palagi mo sanang ingatan ang sarili mo.
Love,
Ate
Napaiyak ako sa "palagi mong ingatan ang sarili mo". Parang may laman ang salita nilang yun ni Ate Joan sakin. Nagbihis ako at pinuntahan ko si ate Georgia sa kanila. Tamang-tama siya lang ang nasa bahay nun at ang mga pamangkin ko. Pagkakita ko pa lang kay ate ay napaiyak na ako. Hagulgol. Sabay yakap. Sabi ni ate, "wag mong sabihing...."
Tumago lang ako at patuloy sa pag-iyak. Galit na galit si ate nun mura ng mura. "Putang ina naman, hindi pa ba sapat na binaboy nya na kami, bakit pati ikaw dinamay pa? Alam mo ba na kaya kami nag-asawa ng maaga dahil gabi-gabi halinhinan nya kaming pinapasok sa kwarto ni Joan. Hindi siya nagsasawa. Di kami pwedeng magkandado sinasaktan nya kami at nagagawan nya ng paraan."
Iyak kami ng iyak nun ni Ate, nakakasuka. Nakakadiri. Umalis si ate at iniwan muna ako sa bahay kasama ang mga pamangkin ko. Tinawag pala si Ate Joan. Iyakan kami ng mga ate ko nun. Hindi namin matanggap na sarili naming ama ay binaboy kami. Para siyang aso na kinain ang sariling laman. Kaya pala nu'n ay sinabi nyang huwag kaming paliligaw at wala daw dapat makinabang sa amin...ITUTULOY PO BUKAS, MAHABA NA.
📜Spookify
▪︎2020▪︎
BINABASA MO ANG
[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorreurAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.