K I N U L A M (my bestfriend) 1

51 0 0
                                    

* K I N U L A M (my bestfriend) 1

Hello po admins, handa na po akong i share yung nangyari sa bestfriend ko. Hopefully gaya ng ibang stories/confessions ko, ay mapost din po itong story na to. I dont care kung may maniniwala o wala sakin, the reason why nagconfess ako dito sa page na to, ay para mabawasan yung bigat na nararamdaman ko, kasi until now my mga bagay na hirap parin akong tanggapin, hindi ko din alam kung kanino ako magsasabi, matagal ko ng kinikimkim lahat ng ito, kahit yung mga nakakaalam about sa mga nangyari ay ibinaon na nila sa limot,sa kadahilanang ayaw daw nilang madamay.

I met Jay nung First yr college ako sa isang public school na well known dito sa province namin, sa lahat ng subjects namin ay magkaclassmate kami, magmula umaga hanggang hapon. Seat mate din kami 😅. Tapos yung boarding house na tinutuluyan nya eh sa my likuran lang ng boarding house namin, pathway lang yung pagitan.

We became close friend, yung tipong lahat nalang ng bagay tungkol sa isat isa samin ay alam namin, madalas nga pag magkasama kami pinagkakamalang mag jowa kami. Yung wallpaper sa phone nya picture naming dalawa and dumating din yung time na pinagseselosan na sya ng bf ko, and nung time na pinapili nya ako between them, syempre i chose my bestfriend, my tol. Saming dalawa wala talagang malisya, yung mga tao lang talaga sa paligid namin ang nagbbgay ng malisya samin.

My gf si jay, kaya di nya ako mapansin pansin kasi loyal sya sa gf nya 🤣 charot lang guys. One time ko lang sya na meet, kasi yung gf nya ay taga run din sa town nila Jay. So mga 4-5 hrs ang byahe nya.

Sunday nun, yun lang yung araw na wala kaming klase at free time namin, mga 9am ata nun nakarecieved ako ng text galing kay Jay."yatot wake up, pupunta si Ana dito, papasyal daw, i need ur help, di sya pwede dito sa boarding" text nya, nakahiga pa ako nun , diko sya nireplyan kasi inaantok pa ako nun, tas matutulog na sana ako nung my kumatok sa my pintuan ng kwarto namin, e ako nalang nandun, no choice need ko talagang bumangon. pag open ko, si kuya zar bumungad sakin "hoy pekeng hapon, nasa baba yung jowa mo!" sabi nya sakin tsaka sya pumunta sa kwarto nya, sa isip isip ko Imposible namang si Ar yun kasi hiwalay na kami tsaka hindi naman nya alam address dun sa boarding namin. bumalik akong bed ko tsaka kumuha ng twalya tsaka damit na pamalit  tsaka ako bumaba, tas diretso agad sa cr, ligo ako agad. Tas pumunta akong sala, nakita ko si Jay, nakaupo. Naka busangot, natawa ako, nakatayo na ko sa harap nya non "tawa mo !?" angas nya sakin. Lalo kong nilakasan tawa ko. "bakit nga kasi andito ka tas pormadong pormado ka? " tanong ko sakanya na natatawa pa din ako "tinext kita db? ".  "oo.ok sige, dun na lang tayo sa mall tas sa my food court na lang, di pwd dito eh" kako saknya.

Nung nandon na kami sa food court nung mall, my lumapit kay Jay na Lalake, sabay sapok sa ulo ni tol, akala ko kakilala nya, at ganon talaga batian nila, kasi ganon naman talga yung magtrotropa minsan .  Tas si Jay yung expression ng mukha e gulat tas nasaktan , tas dinuro sya nung lalake. "gago ka ! Pag di mo pa nilayuan jowa ko, hindi lang yan aabutin mo!" sabi nung lalaki na galit na galit tsaka umalis, hindi ako makapagsalita that time, tas tinignan ko si tol. nakatingin sa akin "tang ina dimo man lang inawat yung jowa mo !!" galit na sabi nya sakin , kumunot noo ko, "eh gago ka pala eh ! Akala ko tropa mo!" sagot ko sakanya. pinagtitinginan na kami ng mga taong nandun non. binalewala na lang namin. pagkatapos ng SAMPUNG DEKADANG pag aantay, dumating din yung impakta, hahaha joke lang. Dumating din si ana, pagkalapit nya samin, parang nawala ako dun, parang naging invisible ako dun, kasi sila nalang nag uusap, di narin ako ipinakilala ni Jay kung di pa nagtanong si Ane "sya ba yung chin?". tas tingin sakin sabay PEYk ng ngiti, "oh,yes. Hi,im chin" kako sabay tayo para makipag shakehands. Habang nag kukuwentuhan kami (sila lang pala), dumaan sa part namin yung lalake kanina na ng sapok kay Jay, di yun napansin ni tol kasi sa likod nya dumaan, nung sasabhn ko sana kay Jay , nung makita ko yung expression nung ana, parang aligaga, tensed ganon. Habang hawak yung cp na parang my binabasa,basta ganon. Tinext ko si Jay kahit magkaharap lang kami. "dumaan sa likod mo yung nanapok sayo, ang sama ng tingin sainyo lang dalawa" text ko kay tol, tas ang kupal di man lang tinignan phone nya. Hanggang sa umuwi kami, di nya hinawakan phone nya, diko nalang sinabi.

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon