Building 5

70 3 0
                                    

Building 5      

Malamang alam na to ng mga estudyante ng T.I.P na merong bali-balita na may nagpakita na multong nurse sa building five. At sa mga di maka-relate, sa T.I.P. Quezon City kasi, yung building five dating hospital. In my case, nagkaroon na din ako ng “sightings” sa multong nurse, and not just nurse. Ayun nga yung worst part eh, “di lang multong nurse.”

        Medyo matagal-tagal na din tong nangyari. Malayo pa sa exam ng finals. Malapit na mag nine-thirty ng gabing yun. As scheduled, karamihan ng mga ilaw doon nakapatay na. Tapos itong dalawang kaibigan ko medyo siraulo pa. Nagkwento about sa lady nurse na nagpakita nga daw nung summer. Then biniro-biro nila sakin “huntingin natin, Allen.” Tapos kung anu-ano pang pinagsasabi. May dati daw na multong guwardiya na nagpaparamdam ng mga gantong oras, tapos morgue daw yung canteen. Oo, totoo naman, pero di kasi talaga ako naniniwala sa supernatural. Pero that night, may nagpatunay sakin na totoo pala yun.

        Galing kami sa fifth floor nun, tapos doon kami dumaan sa dulong hagdanan. Nung nakakababa kami ng fourth floor, dumaan muna kami sa CR. Wala ng tao doon sa part na yun, so ayun nga nag-CR kami. Sa may pinakagilid dun sa may toilet seat, may naririnig kaming umiiyak. Malumanay yung boses, tapos boses ng babae. Kinakabahan na kami nun, kasi Male CR yun eh, tapos gabi pa. Pero t*ngin@ talaga tong kaibigan ko, ang lakas ng loob, siguro kasi alam niyang may kasama siya. Binuksan ba naman yung pinto, pero wala namang tao. Ang masaklap nun, tuloy pa din na may umiiyak, mas lumakas pa nga ata. So, shit, ayun kinilabutan na kami, then madaling lumabas ng CR tapos baba na.

        Pag baba naman namin sa third floor, grabe mapapa-holy sh@t ka kung makita mo yun. Sa gitna ng hall na yun (medyo mailaw pa nun ah), may babaeng nakasuot ng hospital gown ng pasyente. Kulay-abo na nga yung kulay ng balat eh. Yung tipong nakatalikod yung katawan pero sa amin nakatingin yung ulo. Alam mo yung pakiramdam na shinotgun ka sa dibdib mo? Di ka kaagad makakagalaw nun. Nakangiti pa sa amin, ngiting wagas. Yung isa kong kaibigan si Pete binulungan nako “baba na, baba na!”

        Doon talaga tumakbo na kami pababa second floor. Naalala namin naka-chained pala yung hagdanan pa-first floor, pang private na kasi, dun ata yung lutuan. Doon sa part na yun, medyo madilim. Lumingon pa kasi kami dun, ayun tuloy may kumaway dun sa part na yun (f@ck), di masyadong kita, pero puti yung gown, so assumed na, yun yung nurse. Pero saglitan lang din, tumatakbo na kasi kami papunta dun sa gitnang hall ng second floor kasi dun pa yung hagdanan. Dadaan pa kami sa may CR ulit. Sarado na yung CR sa second floor, pero pagdaan namin maririnig mo may tumatawa pa-high pitch. Nakaka-kiliti yung boses nila, parang mamamatay na kami sa takot.  Tapos habang padaan sa mga may mga room, wala naman nang nangyayari, maliban sa may humampas ng bintana sa isang room, pero walang tao.

        Then yun nakababa na kami sa first floor, ang pangit talaga ng experience. Palabas na kami nun tapos may nakita kaming guard paakyat sa second floor sa kabilang hagdan. Nakatalikod samin. Kakausapin sana ng mga kaibigan ko, then may naalala ako, kaya hinawakan ko sila sa balikat ng mahigpit. “Natandaan niyo, may kinwento pa kayo na guwardiya kanina? Ayoko na. Uwi na tayo.”

        Kahit nung nakalabas nako ng building five, medyo di parin magaan pakiramdam ko. Kailangan ko na munang makalabas ng T.I.P. bago mapanatag. So kahit matagal na nangyari yun, di ko parin makalimutan. Ayoko nang kumaha ng pang 9:30 bes."

Allen
Quezon City



📜Spookify
▪︎2016▪︎

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon