BE CAREFUL WHAT YOU WISH FOR

43 1 0
                                    

Hi admins! I hope ma post to dahil sa ngayon alarming na kung papaanong magsalita ng masama yung mga tao sa kapwa nila.

BE CAREFUL WHAT YOU WISH FOR

Hi good afternoon. I am here for another confession. Minabuti ko pong i share to para kapulutan ng aral ng mga readers. This is intended for people who lacks patience and understanding sa kapwa nila and for you to understand how universe conspiracy works.

To start the story gusto ko sana kayo bigyan ng konting background about simulation theory. This is one of the theories na yung mundo ay parang isang malaking computer. Si God sya yung kaisa-isang Entity na kayang magpakawala ng data (Chemicals, Elements and vibrations) mula sa kawalan. In short kaya nya gawjn lahat sa isang salita or pitik ng kamay. Tayong mga tao naman kaga natin gumawa ng panibagong data sa pamamagitan lang ng pag combine or pag manipulate ng created na data. Lets just say for example yung pinaka basic, fire.Kailangan natin ng phosphorus(element) and friction para makagawa ng fire. Pero ang Diyos kaya nya makagawa ng fire out of nowhere. Sometimes people can make system glitches if you remember in the Book Genesis hiningahan tayo ng Diyos. There is a part of us which came from God. This is the reason why witch crafting and sorcery works. Kung ie explain mo sya sa pinaka maikling paraan, the definition of it is bypassing the law of physics. This is where system glitches occur. Walang perpektong sistema. Lahat mg loops.

To start my story meron akong ate na pregnant and nagkaroon kami ng di pagkakaunawaan. Nangyari to dahil nagkaroon ako ng sama ng loob sa kanya dahil nalaman ko na siniraan nya ko kay lolo na nagpapaaral sakin that time. Kinompronta ko sya through chat to the point na sinugod nya ko ng dis-oras ng gabi. (di na kami magkasama sa bahay dahil married na sya) Nakapagsalita na ko ng di maganda dahil hindi ito yung unang beses na ginawa nya yun sakin. Umabot pa sa punto na sinaktan nya ko mg pisikal, pinagsasampal para lang ilabas yung galit nya. Gusto ko man gumanti hindi ko magawa dahil inaalala ko pa din na buntis sya. That night was very emotional dahil sa sumbatan naming magkapatid. Iba pa din kapag kapatid mo kahit na magkasakitan kayo ng salita alam mong masasaktan ka din dahil kapatid mo pa din yon. Pero yung umalis na sya ng bahay dahil inawat na kami ng grandparents namin pero pagtalikod nya may salita na lumabas sa bibig ko na napakasama, "MAGIGING ABNORMAL YUNG ANAK MO! LALABAS YAN NG MAY DIPERENSYA. !"

4 months later, nanganak na yung ate ko. Nagulat ang lahat ng nalaman namin na may disability yung bata. Ito yung klase ng disability na walang facial expressions yung tao. Di sya makakapag express ng ang emotions through facial guestures. The moment I saw the natal, I instantly fell in love dahil napaka cute ng baby. Parang si snow white. Itim na buhok, mapula yung lips and and amputi ng baby. Imagine a very charming and adorable child without facial expression.  Pero may mali. May kasamang guilt yung pakiramdam ko. Bigla kong naalala lahat ng nasabi kong salita. I hope it was a fairytale na pwedeng bawiin ang curse pero reality to. Walang antidote. Walang bawian. That was my signature aura. Di ako pwedeng magkamali. Ni di ko mahawakan yung bata. I just uttered a prayer, "please lord take this back"

Umuwi ako sa bahay. Napasubsob nalang ako sa unan. Ang dami nang tumatakbo sa isip ko kung papaanong iinsultuhin ng mga kalaro nya yung baya. Kung papaanong mahihirapan yung mag ina sa pang araw araw nilang buhay.

I shared this story intendedly para sa mga asawa na walang pakundangan magsalita sa asawa nila, "mamatay ka na sana",  "sana di ka na umuwi" . Para mga magulang na sinasabihan ang anak na "gagapang ka sa hirap. Para to sa mga taong matabil ang dila. Sabi nga nila becareful what you wish for kaya para sa lahat bago pa mahuli ang lahat gaya ng nangyari samin..

PLEASE STOP!




📜Spookify
▪︎2019▪︎

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon