SINE
Hello, once again, this is Faith at your service. I was in elementary, month of October ng mangyari ito. Isang pangyayari na nagbigay ng takot sa buong barangay lalo na sa mga magulang ko.
Diba sa panahon ngayon laging sinasabi na may van na puting nangunguha ng bata? Noong 80's din ganyan na. Nangyari ito taong 1988. May van daw na nangunguha ng bata, no'n black naman ang color ng van. Sila raw ay mga satanista na kakainin ang lamang loob ng mga bata. Kaya takot ang lahat pati mga magulang.
Isang araw, nagka-klase kami noon at katatapos lang ng quiz. Bandang 10:30 am pinag-lecture kami sa Science. Hanggang sa nabigla kami yung janitor nasa tapat ng pinto ng room namin, hinihingal at ang lakas ng boses pati katabing room ay sumilip din ang adviser nila. Hingal kabayo si mamang Janitor kasi tinakbo pala lahat ng room. Pina-pa-dismiss daw ng Principal ang klase kasi may mga satanistang uma aligid sa barangay.
Nagkagulo ang buong klase, di namin alam ang gagawin. Takot na takot kaming lahat, si Mam naman ay pina-pakalma kami. Pero dahil takot kami, parang wala na kaming narinig. Kanya-kanya kami ng tago, nataranta na rin si mam. Yung ibang kaklase ko nagtago sa lagayan ng walis😂 may harang kasing kurtina yun. Yung iba sa devider ng lagayan ng mga baso at pingan dun sa ilalim nun. Apat kaming magka-kaibigan na naisipang magtago sa ilalim ng mesa ni mam, siksikan kami. Yung iba sa desk at tinakip ang bag sa mukha at nahiga isip kasi nila di sila makikita doon HAHAHA!
Hanggang may narinig kaming mabibigat na yabag na paparating, tahimik kaming lahat. Parang pati paghinga namin ay gusto naming pigilan. Nagsalita ang dumating. Ang isang titser na lalaki pala ng grade 6, labas na daw kami, may mga Ina na daw sa gate na nalaman ang nangyari at nanundo. Takbuhan kasi kaming unahan sa pinto. Lahat ay gustong mauna, syempre ahh ayaw namin makuha ng satanista, may mga nagkasakitan na at yung mga maliliit kong kaklase natapakan na at nadapa. Iyakan kaming lahat. Ang ingay noon.Takbuhan ang mga bata palabas ng school premises. Wala akong sundo noon, ang Tatay koy inihatid ako bago pumasok sa work at ang Nanay ko naman ay Nagbantay ng mga nagtatanim ng palay. Sumama akong umuwi sa mga kaibigan kong malapit samin.
Nakauwi na ako at nagsusulat noon, may upuan sa harap namin, may umbrella tree kasi doon at gumawa ng mga upuang kahoy at mesa ang Kuya Norbert ko para dun kami mag-aral ng lesson ng mga ate ko. Saka doon din madalas mag-gitara si Kuya, lagi niyang tinutugtog ay Dust in the wind at Lover's moon. So doon ko ipinatong ang gamit ko at inalis ang uniporme ko, may suot akong panloob na sando at shorts. Kasi naka-lock ang bahay namin. High school na mga ate ko nun at di pa sila umuwi. Malayong-malayo ang high school samin.
Hangang tinawag ako ni ate Lily, anak sya ng may ari ng tindahan sa tapat namin, dapat ay 3rd yr high na ito pero pala absent kaya laging nahihinto. Kababata sya ng isa kong ate, (si ate Annie, pangapat na bunso, 15 yrs old na noon.) Si ate Lily lang ang anak ng nanay nya, maganda ito at may pagka-salbahe.
Binibigyan nya ako ng tinapay at pepsi lapit daw ako, una ayoko, pero tawag sya ng tawag sakin. Syempre ako naman lumapit na. Sabi nya sakin "Faith samahan mo naman ako".
'Saan?" sabi ko.
"Malapit lang" sabi ni ate Lily.
Sabi ko baka hanapin ako ng Nanay ko pag-uwi kasi uuwi yun ng lunch.
"Babalik tayo agad. Mabilis lang." sabi ni ate Lily.Habang iniinom ko ang soft drinks sinundan ko sya ng tingin, (nakaupo ako sa upuan sa harap ng tindahan nila) nakita ko dinistrungka nya ang pinto ng tindahan ng Nanay nya. Nakasara ang tindahan nila noon, marahil ay namalengke ang Nanay nya sa bayan. Kinuha nya ang bag nya. Ako naman sinisilip ko na sya sa may pinto itinulak nya kasi ito pagkapasok nya sa loob, sumilip ako at nakita kong tinanggal niya ang mga karton ng sigarilyo na naka-ayos sa istante. Yun ang displeyan ng sigarilyong binebenta ng Nanay nya. May mga lata pala ng alaska at sardinas nakatago sa likod at may lamang pera at karamihan ay barya. Tinaktak nya sa bag nya ang mga pera. Nagmamadali sya. Ako di ko na nainom yung pepsi sa tensyon. Baka dumating ang Nanay nya at pati ako ay madamay. Matapang ang nanay nya, minsan nya na akong kinurot ng nakita nyang binigyan ako ng santol ni ate Lily.. Aalis n sana ako ng lumabas syang bigla sa tindahan at hinawakan ang kamay ko sabay sabing "tara na."
BINABASA MO ANG
[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorreurAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.