The Killer And The Rape Victim

37 0 0
                                    

The Killer And The Rape Victim

Malaking tulong tong google form para makapag kwento yung mga katulad ko. Gusto ko lang mailabas lahat ng hinanakit ko. Nabasa ko kasing una yung kay M. Nag alangan akong magconfess kasi wala namang multo sa kwento ko. More on sa real life horror ng isang rape victim na katulad ko. And my weird dreams and the so called visions. Then came alibaba. Yung nagkwento ng brief. Tingin ko ang kwento ko ay di nalalayo sakanya. Yun nga lang atleast sya may ynez agad na dumating. Ako? Naghintay ako ng sampong taon bago may mag ahon sakin sa impyernong buhay ko. 9 years old ako nung una akong marape ng kuya ni mama. Sinabi ko sakanya, kasi ang nasa isip ko non, mama ko sya pagtatanggol nya ko. Oh god i was wrong. Binatukan nya ko at sinampal. Pagkatapos ay minura. Sinabihan akong sinungaling. Nagtuloy tuloy yun hanggang sa mag15 ako. 3rd year highschool. Dito ako napariwara ng todo. Kung dati si uncle henry lang gumagamit sakin, nung mag15 ako pinagamit na nya ko sa apat pa nyang mga kaibigan. Kung may isa akong pinagpapasalamat sa diyos? Yun ay kahit gabi-gabi akong nirerape ni uncle at mga kaibigan nya, hindi ako nabuntis. Hindi ako makapag focus sa school. Pagod ako, walang tulog, wala ng ganang mabuhay. Robotic na galaw ko at kumikilos lang ako out of routine. At isa pa kung magstay ako sa bahay mas lalo akong lalaspagin ni uncle. Hindi ako pinagcollege ni uncle. Sabi nya tama na highschool. Naging tindera nya ko sa hardware nya. Realization hit me that very day, kung bakit hindi ako pinagtanggol ni mama. Kung bakit nagbulag bulagan sya. Si uncle nga pala ang bumubuhay samin. Mula rin ng galawin ako ni uncle, hindi na nya ginalaw si mama. Hinayaan nyang ako ang babuyin ng kuya nya. Nung mag18 ako, akala ko makakaalis na ko. Nakapag ipon na rin ako ng konti. Balak ko kasing lumayas at makipagsapalaran sa manila. Kaya lang ang demonyo kong uncle pinagangrape na naman ako. Sa lahat ng barkada nya. Welcome to adulthood diba. Hindi ako makatayo ng higaan ng halos dalawang araw. Doon ako umiihi at sumusuka, dalawang araw.
Tandang tanda ko pagdating nya. Nang lalaking nag ahon sakin sa impyerno. Nagtatanong sya kung taga saan so cynthia velasco. Si mama yun. Nung sinabi ko sakanya napatitig sya sakin. Sabi nya, celine ikaw na yan? Aba ang laki mo na. Si ninong mike mo ako. Mike. Mike. Ninong mike. Huli ko syang nakita nung libing ni papa. 8 pa ako nun. Isang beses sa isang linggo ay bumibisita sya sa bahay. Hanggang sa mag away sila ni uncle. Gusto ni mike na mag aral ako. Professor sya sa isang university sa kabisera. Ayaw ni uncle. Nakikita ko yung takot sa mga mata nya. Yung takot na magkaboses ako at maisuplong ko sya sa otoridad. Natatakot syang mabitay. Pati si mama ayaw. Tinaboy nila ni si mike. Sinulatan ko sya agad. Pinasuyo kong ihulog sa isang tauhan ni uncle na nanliligaw sakin. Sinabi ko kay mike lahat. Sinabi ko rin na gusto kong mag aral. Pero natatakot akong umalis at baka masundan ako ni uncle. Ayoko syang madamay. Sumagot sya sa sulat din pero imbes na kartero ang magbigay sakin, isang babae, kaedad ko lang. Estudyante nya. Sa sulat nya sinabi ang plano nya. Sabi nya magtiis muna ako, kumapit muna ako. Finally. Nagkaroon ako ng pangarap. Nagkaroon ako ng goal. Tiniis ko yung gabi gabi. Inuulit ulit ko sa isip ko, matatapos din lahat ng kademonyohan ni uncle. Kaya lang isang buwan ang nakalipas, pagkauwi kong bahay may dalawang lalaki, pulis sila sa bayan. Pinagamit ako ni uncle sakanila. Kung baboy si uncle, kung demonyo sya, mas doble yung dalawa. Yung dalawa nadagdagan. Di na ko makapasok sa tindahan kasi ang sakit sakit. Lahat masakit. Lalo puso ko. Sinisi ko diyos. Sabi ko bakit hinayaan nyang si mama ang nabuhay. Sana si papa na lang. Bakit nya ko binigyan ng isang inang katulad ni mama. Kitang kita ko si mama, nagsisilbi ng inumin ng mga rapist ko. Tinanong nya pa kung nag eenjoy sila. Sumuko na ko. Umaga kung kailan ako lang naiiwan sa bahay, gumapang ako palabas ng kwarto. Kinuha ko yung kutsilyo. Naglaslas ako ng pulso ko. Kaya lang yung taranta ko nung magising ako sa ospital. Iyak ako nang iyak. Bakit hindi pa ko mamatay? Kulang pa ba? Ang plastik ni mama. Kaso niyakap nya ko. Sabi nya, anak wag. Wag mo kong iiwan. Nung mapagsarili kami ni uncle may nilabas sya mula sa satchel nya. Baril, bentedos. Subukan ko raw magsumbong. Nilagyan nyang isang bala. Pinaikot yung bilog sabay tutok ng gatilyo sa sentido ko. Click. Hindi sumabog bungo ko. Sabi nya, wag ko na raw uulitin magpakamatay. Wag ko raw sisirain yung negosyo nila ni mama. Marami raw kasing nagbayad sa huling live show ko. So you see. Double purpose pala lahat. Nakavideo lahat. Inaupload nila ni mama lahat ng videos sa isang kilalang pornsite. Gabi, habang pinipilit akong pakainin ni mama, dumating isang tauhan ni uncle. Nasusunog daw yung tindahan pati bahay. Nasa magkaibang lugar ang dalawa kaya alam ko ma agad na sadya yun. Sinuntok ako ni uncle nung tumawa ako nang tumawa. Masaya kasi ako dahil sa karma nya. Sabi ko pa kahit dumudugo bibig ko, kung sino man ang nagsunog ng tindahan at bahay, papakasalan ko. Bubuka ako ng walang pag aalinlangan. Sinuntok nya ko ulit bago sya umalis. Masamang tingin ang pinukol sakin ni mama bago sya sumunod sa katulad nyang demonyong kapatid. Mga kalahating oras dumating ang dalawang babae. Tinanong nila ko kung kaya ko na bang tumayo. Pinadala raw sila ni mike. Mga estudyante nya sila. Kahit nahihilo kinaya ko. Nagpalit akong damit. Sabi nila dapat kaswal lang kaming maglakad. Umiyak ako pag andar ng sasakyan. Si mike ang nagdrive. Sa loob ng 9 years nakatulog ako ng maayos. Matalino si mike. Di nya ko inuwi sa bahay nya. Mag isa lang ako sa kwartong inupahan nya. Mag isa lang ako dun mula lunes hanggang sabado. Linggo nya ko binibisita. Ika isang buwan kong makawala sa gapos ni uncle at mama, narinig ko si mama sa tv. Pinalabas nyang kinidnap ako. Yun pala naka paskil na mukha ko sa lahat ng poste ng kuryente. Missing person. Nagsimula akong bangungutin. Nahanap daw ako ni uncle. Nakulong na naman ako sa pangbababoy nya. Nagigising akong umiiyak. And then nakita ko si stella. Sya yung estudyante ni mike na nag abot ng sulat nya sakin. Nasa kwarto ko raw sya. Nakakadena ang isang paa. May arinola sa gilid nya. May naaamag ng tinapay sa harap nya. Suot nya yung tshirt ko. Marami syang pasa. Laman sya ng mga panaginip ko. Lahat ng panaginip ko, kahit kalunos lunos ang itsura nya, wala syang ibang ginawa kundi magdasal. Sinabi ko yun mike. Tapos nahintakutan ako sa sinabi nya sakin. Mag aanim na buwan ng nawawala si stella. That night sabi ko, wag nya kong iiwan. Ayokong mag isa. Natatakot ako. That very night nanaginip akong muli. Si stella ulit. But this time wala na sya sa kwarto ko. Pamilyar pa rin sakin yung lugar. Doon ako nirape nung dalawang pulis, imbakan yun ng mga gamit ni uncle at hindi nag iisa si stella. May tatlo syang kasama. Magang maga mukha nila. Si stella ang pinakamalala. Nagulat ako nung nahawakan nya ko. Nahila nya ko. Bumulong sya, tulungan mo sila nadia.
Nagising ako sa tapik ni mike sa pisngi ko. Liham ng luha mata ko. Dahil sa pagwawala ko, napilitan si mike na doon na mag uwian. Natatakot syang magsuicide ako ulit. Inaya nya rin akong magpatingin sa psychologist. Una ayaw ko, alam ko kasing intact pa rin katinuan ko. Hindi lahat ng nagpapatingin sa psychologist baliw, sabi ni mike. Guidance, enlightenment ang habol nya para sakin. I obliged. Sinabi ko sa doktor lahat. Sabi naman ng doktor trauma. Dahil sa naranasan ko, gusto ng utak kong makatakas ako kahit tapos na yung part na yun creating someone as a victim and me as a hero. Kaya lang hindi natanggal ang mga panaginip ko kahit anong inom ko ng gamot. Every night, pahina na nang pahina si stella. I made the dumbest decision, nung gabing sa panaginip ko, namatay sa panaginip ko si stella. Kaya lang pagkakita ko pa lang kay uncle sa malayo, natakot ako  umuwi akong umiiyak. Pag uwi ni mike tulala sya. Then he cried. Mas nahalata edad nya. Down na down sya. Sya naman ang yumakap sakin. Tinanong ko sya kung bakit? Nakita na si stella nadia. Nirape sya. Sa lahat orifice nya. Namatay sya sa abortion. Tinapon na lang syang parang basura sa bukid. Mga hayop sila, sagot ni mike. Para akong nabingi. Sinabi ko lahat kay mike. Sabi ko maniwala sya sakin. Kailangan naming mailigtas yung tatlo pang mga bata. Bago ako makatulog dahil sa pagod kaiiyak hinalikan nya ko sa noo. Sabi nya matulog na ko. At darating ang araw pagbabayaran nila lahat. Lahat lahat. Hindi natutulog ang diyos. Hindi nagtagal dumating ang araw na yun. Two months to be exact. Hindi sya umuwi ng halos dalawang buwan din. Kaya nagulat ako nung may marinig na naglalakad sa may salas. Paglabas ko, likod na lang ni mike nakita ko, papasok ng banyo. Kinabukasan, sinabi nyang bakit di ako magcollege? Sagot ko sakanya, nahihibang na ba sya? Maraming mata si uncle sa university. Maraming kapwa prof si mike ang nangrape sakin. Hindi dito. Lalayo tayo, sa luzon. Malayo sa lugar na to sagot nya. Yung pakiramdam na may nagbago sakanya, yun ang naramdaman ko nung titigan ko sya sa mata. Kaya lang sobrang saya ko na makakapag aral at makakapamuhay na ko ng hindi patago, hindi ko pinansin. Sa isang probinsya sa norteng parte ng luzon kami napadpad. Nakapagturo sya ulit. Ako naman nag aral. 2nd year college ako nung una kaming mag away. Mula kasi ng dumating kami, lagi na syang umiinom. At nung mag away kami, ang taas ng lagnat nya pero umiinom sya. Sabi nya, hindi ako makatulog nadia. Nakikita ko sila. Parang awa mo na. Parang awa mo na hayaan mo na lang akong uminom. Umiiyak sya. Hindi ko sya kayang tiisin. Sya na nagligtas sakin. Hinayaan ko sya. Pero sa tabi nya ko natulog. Nagkalat mga gamit nya sa kwarto nya. Bumangon ako para ayusin. Then may nakita akong abre lata sa silong ng kama. Pagkahawak ko, para akong hinigop sa kawalan. Sa pagmulat ko ng mata, nasa bahay na ko. Bahay ni uncle. Paglabas ko ng kwarto, nanlalaki mata ko nung makitang nag iinuman si uncle at mike. Si mama naman nanonood. Hinihimas ni mike hita nya, si mama naman nakahawak sa private part ni mike na gising na gising. Yung abrelata nasa tapat ni mike. Gusto ko ng umalis pero kusang kumilos mga paa ko. Nasa tabi na ko ni uncle. Hinihilot nya noo nya. Then kinuha ni mike yung abrelata, binuksan nya gamit yun yung pineapple chuncks. Nagsalita si mike, pinatay nyo si stella dahil nabuntis. Si mama akmang tatayo pero bigla na lang hinampas sya ni mike ng abrelata sa mukha. Paulit ulit. Si uncle tumayo pero agad ding natumba. Sumisigaw sya pero walang salitang mabuo. Paulit ulit lang si mike hinahampas kay mama yung abrelata kahit luwa na mata nya. Binangon pa nya si mama at sinigawa. BAKIT NORMIE! BAKIT MO NAGAWA KAY NADIA YUN! BAKIT? KUNG HINDI MO SYA MAHAL SANA BINIGAY MO NA LANG SYA SAKIN. BAKIT? Sigaw nya. Pero hindi na makakasagot si mama. Sinunod nya si uncle. Hiniga nya sa sahig. Hinubaran nya. Hinampas nya si uncle sa potpot. Paralisado ka pero mararamdaman mo sakit, sabi nya kay uncle. Then nung akala ko tapos na sya, hinampas nya rin nang hinampas si uncle sa mukha. Puro na dugo mukha nya. Umiiyak syang tumayo. Lumabas ng bahay. Sinundan ko sya. Naglakad sya sa bukid. Kung nasaan ang imbakan. Sinira nya yung pinto. Inilabas nya yung mga bata. Dinala nya sila sa bahay ni uncle. Pinaglinis nya sila ng katawan, sya namang nagluto. Normal lang syang kumilos na animo walang patay sa salas. Yung mga bata natakot pero sabi nya lang wag nilang pansinin. Pasok syang kwarto ni uncle. Paglabas may dala na syang lata. Alam kong maraming pera yun. Sumakay sila sa jeep ni uncle. Ibinaba nya sila sa simbahan. Hinati nya yung pera sa tatlong bata. Sya naman naglakad na. Iniwan yung jeep sa tapat din ng simbahan. May humaplos sa pisngi ko kaya ako nagising. Si mike. Nadia, nadia, malaya ka na, bulong nya. Hinalikan ko sya sa noo at lumabas ng kwarto dala ang abrelata. Lumabas akong bahay, nagpunta sa ilog. Tinapon yun doon. Tumigil ako sa pag aaral. Inasikaso ko si mike. Pag gabi, hindi ko sya hinahayaang uminom. Una mahirap, naging dependent kasi sya sa alak. Pero niyayakap ko na lang sya. Alam kong mabuti syang tao at dahil sa nagawa nya, kinakain sya ng konsensya nya. Di nagtagal sinabi ko sakanya na alam ko na at kung paano ko nalaman. Lumayo sya sakin. Lagi na lang syang nagkukuolong. Nasaktan ako. Mahal ko na sya eh. Akala ko dati wala na kong kakayahang magmahal. Akala ko walang lalaking magpapatibok ng puso ko. Pero binago nya yun. Oo nga at parang tatay ko na sya. Oo nga at ninong ko sya pero wala akong paki dun. Ako pa nga ang parang nanligaw sakanya. Na ang ironic kasi nalaman laman ko, sya pala ang may gawa ng sunog sa tindahan at bahay ni uncle. We were both broken. Pero inayos namin ang isa't isa. Lagi pa rin nyang napapanaginipan sila mama. Pero lagi akong nasa tabi nya. Nag aral ako ulit after namin magpakasal. Then i met a man on my last year in college. Alas siete na kasi at wala pa ko sa bahay. Sigurado ako alak na naman ang kakapitan ni mike. Nabangga ko yung lalaki. Nagsorry ako. Diresto ako sa terminal pero walang sasakyan. Ate may checkpoint kaya wala ng namamasada. Saan ka ba ihahatid na kita, tanong nung lalaking nabangga ko. Nasabi ko ng malakas na wala kong tiwala sa mukha nya. Though may itsura naman sya. Tumawa sya at inilabas yung i.d nya. Professor sya sa university. Mas lalo kong sinabi na wala kong tiwala. Kay mike lang. Tumawa lang sya ulit then yung mga sumunod nyang sinabi (habang tinatype ko ito kinikilabutan pa rin ako). Bumili na sya ang alak ate. Kung hindi ka papayag yung pinaghirapan nyo ng isang taon mawawala. Hindi kita type. Hindi lahat ng lalaki katulad ng uncle mo. Namalayan ko na lang na nasa bahay na kami. Kalmado nyang kinuha yung bote ng alak kay mike. Tinimplahan nya ng kape. Magkakilala pala sila. Mula nun lagi na si miel sa bahay. Hanggang sa magpaalam sya samin. Mahal ko pagtuturo pero malakas ang tawag sakin ng diyos nadia, sabi nya. Magpapastor na sya. Iiwanan nya yung maayos nyang trabaho para magsalita sa pulpito kaharap ang mga taong malamang karamihan inaantok. Naglakas loob akong magtanong sakanya kung bakit nya alam tungkol sa uncle ko. Sabi naman ni mike sakin, hindi nya sinabi kay miel. Ngumiti si miel samin at hinawakan kamay namin ni mike.

May mga salita akong naririnig sa isip ko minsan. Minsan naman imahe. Mike mortal na kasalanan ang pumatay. Totoo yun. Pero tandaan mo kung hindi mo yun ginawa, yung tatlong bata maaring maging katulad ni nadia o mas masakit tulad kay stella. Kung nabubuhay pa rin sila mike, hindi lang sila nila nadia ang sisirain nila ang buhay. Mapagpatawad ang diyos. Hindi mo dapat lunurin ang sarili mo sa alak. Marami sa mga estudyante mo ang dumaranas ng abuso. Pero hindi mo ito nakikita dahil sa alak. May dahilan bakit hindi ka sinipot sa kasal ng dapat mapapangasawa mo hindi ba? Tanggapin mo sa buhay mo ang diyos mike, sabi ni miel. Umiyak nang umiyak si mike.

Sinunod nya ko. Dalawang kamay ko na hawak nya. Wala pa man syang sinasabi umiiyak na ko. Nadia, sinubukan mo ng kitlin ang sarili mong buhay hindi ba? Pero hindi sya pumayag. Gusto nyang mabuhay ka pa dahil may misyon ka pa. At ikaw ang makakatuklas sa puso mo kung ano yun. Tanggapin mo sa buhay mo ang diyos at isuko sakanya ang lahat. Makikita at mararamdaman mo ang pagbabago. Yang mga nakikita mo, yung dahilan bakit alam mo ang ginawa ni mike, kaya hinayaan nyang magkaroon ka dahil magagamit mo yan sa kung anoman ang nakaatang sayo. Pagka ingatan mo lamang na wag kang malinlang ng kalaban. Sabi pa nya, darating ang susubok sa mga paniniwala ko. Dumating nga yun. Nung muli kaming magkita ni miel.

Yumabong nga ang mga nakikita ko. Kaya lang sa mga katulad kong rape victim lang. Minsan kahit makasalubong ko lang yung tao, nakikita ko yung pang aabuso sakanya. At opo may narerape na lalaki. Tandaan nyo matatawag na rape pag ayaw ng isang tao pero pwinersa sya.  Minsan naman pag nahahawakan ko. Sobrang laking frustration sa part ko yung hindi ko maipakulong lahat ng rapist. In fact aapat pa lang. Tanong nyo bakit? Yung mga biktima nahihiya na malaman ng mga tao na narape sila. Bakit? Syempre maraming judgemental sa pilipinas. Sa totoo lang, lahat ng naencounter kong rape victim, disente manamit. Mahiyain. Para sabihin ko sainyo, kahit balot na balot ka, kung rapist ang kaharap, kasalubong o nakasunod sayo, marerape at marerape ka. Sa mga babae naman na halos maghubad na para sa likes and ang idadahilan is modern age na tapos sasabihin irespeto naman sila, respect is earned.

Nadia



📜Sigaw
▪︎2019▪︎

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon