Weird things actully exist: Reincarnated

13 1 0
                                    

Weird things actully exist: Reincarnated

Hello fersons (admins and readers). Time check, 11:12 PM na. Habang naghahanap ako ng pwede basahin at napadpad ako sa mga old stories from 2016-2019. Naka caught ng atensyon ko yung stories about sa "reincarnation". So nabasa ako whole compilation about dito. Kaya eto di ako mapakali kahit antok na me, nag type ako para mag kwento. Mga beshy, di ko kayo pipilitin maniwala dahil hindi lahat maniniwala. Pero malamang sa alamang, yung mga nakaka experience tiyak makaka-relate din. I hope ma post ito. Pag hindi, di na kayo krasssh ng mga crush niyo ganurn. Hahaha

Mga ka-shout out tawagin niyo na lang ako sa pangalang Huntress (nmrn ofkorz, madami akong kakilala na followers at readers dito). I am from Visayas po, simple, tahimik (except sa mga ka close ko na talaga). Based sa nabasa ko, mostly sa kanila nanaginip mula bata pa ng ilang mga detalye like lugar, names or events. Mine is different. Pero ever since elementary, meron akong nararamdaman na parang binabalik ako sa nakaraan. Ang alam ko lang malungkot ako na nasasaktan. Ganun ang pakiramdam at tuwing aatake yun, nanghihina ako at nanlalambot. Kaya sobrang ayaw ko maramdaman yun. Wala akong napapanaginipan like details or a little hints about it sa past life. Basta consistent lang na ganun till year 2021 kasi this year (2022) ko nalaman at naintindihan. Kaya please bear with me para maintindihan niyo. I'll provide the details the best that I can.
Two (2) years ago nagsimula akong maka experience ng mga weird things. May mga pagbabagong nag took place ( saka ko na detalye yung about dito pag na post to). Year 2020, I met someone sa fb particularly sa paranormal group. Let's call her Hiraya. She came from Central Visayas. Si Hiraya mas bata sakin, teenager pa. Let me just describe her nung makilala ko siya sa fb. Makulit, maliit tas tuwid ang mahabang buhok, bungisngis. Ganun siya, she sounded happy pero di ko alam bakit may sadness sa mga mata niya. We get along and we became close to the point na nag she-share na kami ng problems sa isa't isa. Alam ko na she has gift or ability, pero for da humbleness ang ferson mga beshy. Ayaw niya umamin but I know siya'y empath, nagkaka visions siya ( na sadly alam kong na trauma siya of what she saw na mismo sa loved one nya nakita ang mangyayare. Nangyare at wala siya nagawa to change it or save that mahal sa buhay). Kaya naiintindihan ko na natrauma siya dahil dun. Alam naman natin na di  pwede baguhin kung ano nakatakdang mangyari. Pero syempre knowing na mahal mo sa buhay sobrang sakit nun. Mas masakit pa sa break up niyo, literal! By the way si Hiraya, gising siya pag nagkaka vision. Hindi niya lahat sinasabi sakin but may mga lil hints siyang nababanggit. Nung minsan akong mag browse sa fb account niya ( stalker yern?), napansin ko ang laki ng pinagbago sa itsura niya. Don't get me wrong mga beshies, may itsura siya. What I mean,matured siya compared sa age niya. Nawala yung kislap ng mga mata niya at sadness/anger ang nandun. Days went by so fast. Siya ang bumubuhay sa gc dahil sa kakulitan niya at kadaldalan. Nag level up ang closeness namin ng di inaasahan. Gets niyo ba? Hahahaha. One time habang magka chat kami nabanggit ko sa kanya na pakiramdam ko familiar siya at parang kilalang kilala ko na siya dati pa. Reply niya, "(kaka-kilala lang natin pero ganun din pakiramdam ko. Sino ka ba sa buhay ko Huntress).
Ako: Baka may past life tayo? Feeling ko pinagkait ka na din sakin dati pa.
Hiraya: Sino ka ba sa buhay ko bakit ang deep ng impact mo?

Nanatili kaming may question mark. Ewan ko ba pero ganun pakiramdam ko. Di ko ma gets at ma explain. Gusto ko masagot pero paano? Na cut ang communication namin ni Hiraya for some reason. Almost 2 years na kaming di nag uusap as of today. Pero still, nandun yung longing ko to know the reason behind. Bakit ang deep ng impact at familiar siya saken though we never met in person. Not until this  year exactly June 12th (sakto day off to). Swakto araw ng kalayaan. Nadinig ang aking pagsumamo para sa kasagutan ng isang bagsakan. Like I've said hindi ito thru dreams though hiningi ko na sana sa dreams. Before I went to bed kasi nag ask ako kay God to know the reason why ganun.  Gaya nga be careful with what you wish for. Sobra akong nawindang at parang nagsisi akong malaman. Mga fersons, bahala kayo choice niyo maniwala or hindi. This is what I saw habang nakapikit. Para akong nanonood sa sinehan.  Clear as crystals yung mga detalye (guys this isn't the first na may nakita ako pero this time it's from the past, our past rather).
Saglit lang ako nakapikit pero feeling ko ang haba na ng oras. Una kong nakita:

1700 /17th Century
Kabilang tayo sa mga angels  who fell inlove with each other. We did stop it and na itatama natin so nag iwasan tayo nun (diba angels are genderless? Pero dun masculine tayo ganun based sa nakita ko). Next na scene, we were in a battle with our golden swords. Nag uusap tayo sa isip. Nag uusap tayo sa isip lang (ibang lenggwahe pero ganyan pagkakaintindi ko). You saved me from an attack while naka poker face pero you look so gwapo love. Na till now dala dala mo pa rin naman mahilig forda poker face ang ferzon. Pinababa tayo sa earth as humans (eto lang yung tanda kong familiar na dream na akala ko literal na plain dream lang). Mga beshy dumilat agad ako. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, kinabahan ako literal. Pero di pa pala tapos. Nung pumikit ako ulit nagpatuloy pero sa ibang panahon na. After 1 century muli tayong nagtagpo. Dito ako mas nadurog dahil ramdam na ramdam ko yung sakit at emotions mula sa scene na yun kahit more than 2 centuries ago.

18th Century
1808 (Andros,Greece)

We came from an elite family (babae na po kami). We became bestfriends and into lovers. Nandun yung alinlangan at the same time yung pakiramdam ng contentment. We're both scared na ma discover nila ang about us. Pero still, palihim tayong nagkikita under that tree. Mahilig kang mag pinta at gumuhit gamit ang ancient pencil. For da artist ang ferzon. Ang saya² natin dun sa lilim ng puno. Nagbago ang scene at nangyari yung kinatatakutan natin, may nakakita at nalaman nila.Temporarily pinaglayo tayong dalawa. Pero guess what? Still, palihim tayong nagtatagpo para makapiling ang isa't isa sa lilim ng punong yun. That day same pa din ginuguhit mo ung puno na paborito nating tagpuan. Habang naka-dapa ka napunta usapan natin panu kung mahuli tayo muli? Tuluyang paglalayuin?! Ang sabi mo "we will promise each other na sa susunod na buhay magkikita tayo muli. At itong puno ang ating magiging palatandaan pra makilala ang isa't isa". Forda 2nd time nahuli tayo.Dumating ang mga guardia kasama ang iyong pamilya para kunin ka. (Sh*t yung scene na to ramdam na ramdam ko till now yung sakit (tagos kaluluwa ata, hahaha at naiyak pa ko habang binibigkas ang mga katagang binitawan mo habang papalayo ka sa akin. Pain reliever kasama kaluluwa please!). Nagmakaawa ako sa kanila pero hindi nila ako pinakinggan.
Me: Mahal wag kang lumayo, sambit ko habang luhaan pilit na inaabot ang iyong mga kamay".
Hiraya: Ang pangako nating dalawa tandaan mo. Magkikita tayong muli sa susunod na buhay dito sa punong ito".

Iniwan mo ang papel kung saan ginuhit mo ang puno at nilipad ito papunta sakin. Habilin mo pa " itago mo yan mahal, yan ang ating palatandaan".
Hindi lumaon ay kinuha din ako ng aking mga magulang habang luhaan. Matapos ang tagpong iyon ay hindi na tayo muli pang nagkita. Naputol at wala na kasunod ang ipinakita sakin

Hindi eksaktong language (malamang sa Greek yun) pero  ganyan pagkakaintindi ko. Kaya naman pala sabi ko sayo ih. Ganyan pala sinapit natin sa nakaraang buhay. Nagtagpo man tayong muli sa panahong ito at bagong katauhan, pero tulad ng dati pilit tayong pinaglalayo. After  214 years, muli tayong nagtagpo. Sa tagal ang dami na pagbabago at naging high tech na kasalukuyan. Hindi man personal pero nandoon pa rin yung alam mong familiar ang isang tao. Ang utak nakakalimot pero ang puso hindi. It is our 3rd life, pangatlong pagkakataon that we're trying to fulfill our promise with each other. Nagtagpo man tayo mahal, pero katulad ng mga nakaraan hindi pabor ang panahon at pagkakataon. Marahil ay hindi talaga tayo magkakaroon pa ng pagkakataong matupad pa iyon. Sa kabila at ilan pang buhay hindi ka nakakalimutan ng puso ko. Nagawa kang ma iwaglit sa alaala ko pero ganun pa man kilalang kilala ka ng puso ko kahit sa bagong pagkatao at ibang panahon dito sa mundo.  Pangatlong buhay at pagkakataon kong pilit tinutupad ang ating pangako, katulad ng lyrics sa kantang TOTGA. Its the 3rd life na "in another life I would be your girl. We'll keep all our promises. Be us against the world".

Hindi kaya ng isang bagsakan po. Kaya hahatiin ko sa dalawa to. Hindi na rin kaya ng mata ko, suko na rin siya.
Again hindi ko kayo pinipilit maniwala sakin mga ferzons.Pero bahala kayo choice niyo yan. Kung ayaw maniwala edi don't. Pag wala masabi maganda, shut up please.

Hiraya, alam ko reader ka at follower rito. Your heart can tell that its me. Wave ka nga.

Namimiss ko na ang dating mga true to life horror stories dito. Sana bumalik na ang masisipag na senders. Para
hyper na rin ang sigaw ulet at madami na mababasa. Yun lamang.
Salamat sa mga bumasa. Adios!

Huntress✍️🦋
Visayas❤️‍🩹


📜Sigaw
▪︎2022▪︎

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon