ANG PITONG PINTO
Hello po good eve sating lahat. Tawagin nyo na lang po akong linda. Ito pong ikukwento ko sa inyo ay kwento lang din sa amin ni lola nung maliit pa po kami.
Sa parteng palawan po kami pero hindi ko na babangitin kung ang eksaktong lugar, sa isla po kami. Nung time na yun hindi pa uso ang tv at cp. Radio lang ang aming libangan. Yung radio namin, medyu luma na battery kaya pinatay na lang ni lola.
After kumain kailangan sa bahay na kme tas napakwento na si lola, kasama ko nakikinig pinsan ko dodoy, at kapatid na si roque. Ayon kay lola sa pinakatuktok ng bundok sa aming isla ay may 7 doors. Dahil sa bata pa kme napatanung kame na anong 7 doors? Pintuan daw lagusan un daanan yun ng mga engkanto, papunta kung saan nila gusto.
Isang araw daw ang klasmate nyang si sonia nag paalam kay nanay nya na magbabawas sya, eh di pa uso cr. Basta tago ka sa madahong puno pag magbabawas ka ganun. Pero gumabi na daw di pa nakakabalik. Lahat ng tao sa isla nagkagulo na, kalahanap kay sonia. May dalang sulo, at sibat or kingki ang mga tao at sigaw nang sigaw ng sonia sonia.
Umiiyak na ang pamilya ni sonia. 3days na hinahanap pero di pa matukoy kung nasaan na si sonia. Hangang may albulario na pumunta sa isla ang sabi naligaw daw si sonia sa 7doors napunta sya doon at pasamantalang andun sa mga engkanto. Eh di iyakan na naman ang pamilya nya.
Sabi ng albulario mag alay ng manok at baboy. Yun nga nag-alay doon sa pitong pinto na un inakyat pa tlga kasi malau din ung tuktok. Ang sabi sa kwento pag andoon ka na hindi mo mamalayan na may 7 pinto kasi natatakpan ng mga damo na palamuti.
Nang hawiin ng albulario ang mga damo, may 7 pinto nga na kumikinang sa ganda. Ayon pa sa kwento bawal sila pumasok doon hangang pinto lang sila. Sa pangatlong pinto napunta si sonia. Nulung na nakapag alay na nakita na si sonia, naglalakad palabas ng pinto.
Maganda ang kasuotan at ang daming palamuti, pero nang makalabas na sya bumalik na tunay na damit ni sonia at madungis na po sya at nahimatay sya. Maya-maya lang din ay sumara ang pinto napakalakas at sabi daw ng isang boses sa loob wag na wag n daw maliligaw si sonia, kung hindi, hindi na makakabalik ulit sa mundo natin..
kinabukasan, tanghali na nagising si sonia. maraming kamaganak, kakilala bsta lahat ng tao isla nakibalita nga nangyari. Ang kwento ni sonia pagkatapos nyang magbawas, pabalik na sana sya sakanila kaso nakita nya bigla ang nanay nya at ang sabi nito, sonia sumunod ka sa akin at sumunod nga si sonia. Pagkapasok nya sa pinto mala palasyu ganda ng bahay, daming pagkain sa mesa, daming tao na ang kasuotan ay pang mayaman, wala daw mahirap doon. Puro masaya ang mga nakatira doon, walang problema sa pera.
Kaso gutom na si sonia, nung akmang kakain na sya nakita nya ang mga itim na uod sa plato, kaya hindi na sya kumain at hindi din sya pinilit. Sabi ng mga engkanto doon sa pintong yun, mababait sila, hindi sila nanakit pero kung nakapasok daw sya ibang pinto iwan lang..
jan na muna ka sigaw gabi na at ako'y antok na bukas ko po sent part2 . sorry agad d aq marunung mg kwento,uulitn ko po kwnto ito ng lola ko na ikwento sa min ..slamat po
LINDA
📜Sigaw
▪︎2022▪︎
BINABASA MO ANG
[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.