Pwu taft wing
Hi Spookify. I just wanna share my story about my dearest school. (Pwu main campus).
So here it goes.
Noong first year college ako 1st sem madami pang students. Madaming kwento haka-haka na dati daw ospital at may namatay na sa school etc etc. Pero syempre di ako naniniwala dahil common na yang sinasabe hindi lang sa school namin kundi sa lahat ng schools. May mga naririnig kaming kwento na galing sa aming mga professors na meron talagang gumagala sa school namin lalo na sa hall way. Dahil di naman ako takot nung mga time na yun madalas 7:30 am class ko 6:15 pa lang nasa room na ko. Ako nagbubukas ng ilaw ng aircon ng room. Ang room namin malapit sa c.r ang sa hagdan. Yung hagdan na yun pababa entrance na ng school namin. So syempre freshmen ang class namin madalas nasa 5th floor at yun originally ang room namin. Our room is located sa tinatawag naming taft wing. Ang hall way sa taft wing kasya lang ang 2 tao. So eskinita style sya. Kwento ng mga prof namin may nanghahabol daw sa hall way ng school namin every morning. Ako syempre matatakutin ayokong paniwalaan. To the point na napapansin namin hanggang 6pm ang class namin pero 5:30 palang dinidismiss na kami. Basta pag papalubog na ang araw dinidismiss na kami agad. Syempre kaming mga student bumababa na. Ang dahilan ng mga prof namin ayaw nilang magpagabi sa 5th floor. So kaming mga student bumababa na din agad.
Then suddenly nagkwento itong aming classmate na may sinapian daw sa part ng malvar wing. Malvar wing is yung part ng school namin which is karamihan ng classroom doon is for hrm students ang nagkaclass. Sa 4th an 5th floor neto andun ang orchestra hall and science laboratories. Yung orchestra hall that time never pa namin nakitang ginamit ng students or ng kahit anung faculty. Nalaman naming totoong may sinaniban nung nagkwento na ang prof namin. Nagtawag na ng guards and yung priest ng school dahil hindi na makontrol. Dun pa sya sa part ng science laboratory which is bihirang may tao nung nangyari yun. Nagkwento pa itong classmate ko na nakita pa daw nya yung girl na yun na naglalakad sa hall way sa 5th floor taft wing na parang balisa at wala sa ulirat. So after nung incident na yun wala na kong naging balita.
Nung 2nd sem na pansin kong parang umonti na ang studyante. Actually onti lang naman ang student ng school namin that time. May mga part nga na classroom ng school namin na hindi nagagamit. Pagpumapasok ako ng school namin hindi ako dumadaan sa may hagdanan malapit sa entrance paakyat sa 5th floor taft wing. Palagi akong dumadaan sa may nakpil na stairs paakyat sa 5th floor. Mas marami kasi ang dumadaan dun. And ayoko din dumadaan sa part ng hagdan malapit sa room namin dahil malapit lang dun ang orchestra hall. We had this professor sa english subject namin. Nakalimutan ko na ang oras ng pasok namin sakanya pero i think its between 10am to 12nn. Alam nya din ang tungkol sa mga nababalitang gumagalang entity sa school namin. It was during our class at hinding hindi ko makakalimutan ang sinabi nyang yun. She never meant to scare us. So ugali ng studyante naman talaga na pumwesto sa likuran. So ang tendency wala kasing nakaupo sa likuran. Ako nakaupo ako sa may right side ng room sa likod. Sa likod ko may dalawang bakanteng upuan. I was so curious kung bakit ganon ang tingin ng prof ko sa pwesto namin na parang may tinitignan at nagaalala sya. Tinanong ko yung katabi ko sabi ko ""tignan mo bakit kaya ganun si ma'am."" After that bigla syang nagsalita.. ""guys lipat kayo sa unahan. Move forward please. Please occupy the front seats. Marami pang upuan ohh."" So kami nacurious. Di naman kasi nya kami pinakekelaman usually sa kung saan namin gusto umupo. Yun lang yung time na nagsalita sya. So tinanong namin sya ""bakit ma'am ano pong meron?"" Ang sagot nya lang ""please sige na umupo na kayo dito sa unahan."" Eh talagang curious kami kung bakit so kinulit namin sya ulit. I was shock sa sagot nya!!! ""May bata sa likod nakaupo"" so ako nagtanong kung asan banda?. Sabi nya ""sa likod mo sa dulong upuan."" Dali dali akong lumipat sa unahan lahat kami nung time na yun nagsigawan. All girls kami sa section namin. 2 lang ang lalake sa section namin. Ang sagot pa ng prof namin after that ""wag kayong matakot mukha naman syang hindi nananakit, wag niyo na lang intindihin."" Hindi kame nakapagklase ng matino that time. Dun namin nalaman nakakakita pala si ma'am at kaya pala pag magdidismiss ng class gusto nya sabay sabay kaming bababa ng hagdan dahil natatakot din sya. Bihira kasi talaga ang may nagkaklase sa 5th floor taft wing. Pati janitor takot. Kaya nga bago magdilim pinapatay na nila yung ilaw para di na sila aakyat para magpatay pa.
BINABASA MO ANG
[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
TerrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.