AKALA KO ASO

23 2 0
                                    

AKALA KO ASO

https://youtu.be/3AQMFnpmu7s

16 years old ako nang iwan kami ni mama. Yun ang naging dahilan kung bakit nalulong sa alak si papa, matanggal sya sa trabaho at ako ang tumayong matanda sa buhay naming dalawa sa loob ng isang taon. Hanggang sa malaman yun ni lolo. Lumuwas kasi sya kasi akala nya graduation ko na. Well graduation na talaga pero hindi ako kasama. 

Tumigil kasi ako sa pag-aaral sa takot kong iwanan si papa, na baka pag-uwi ko isang araw, bangkay na syang daratnan ko dahil sa pag-iinom nya. Hindi ko naman naging problema ang pang gastos namin. Kung nasaan man kasi si mama, pinapadalhan pa rin nya ako ng pera, buwan buwan syang nagtetext sa akin na magwithdraw, gamit yung atm card nyang iniwan.

May pinapaupahan din kaming dalawang kwarto ng bahay. Kaya nakakasurvived kami ni papa. Wala rin akong reklamo o sama ng loob kay papa kahit nahihirapan ako sa pag-aalaga sakanya lalo na pag nagsusuka sya. E syempre mahal ko sya.

Kaya pinagtanggol ko pa sya kay lolo nung pinapagalitan sya at kulang na lang sinturonin sya nito. Para hindi na mahighblood si lolo, pumayag na ako sa gusto nyang umuwi na kaming probinsya kasama sya. Habang maiiwan ang tita maricel sa maynila para asikasuhin ang pagbebenta noong bahay at lupa.

Pagdating dito, mejo umayos na si papa. Natauhan sya siguro nung umiyak si lola sakanya. Kaya tumigil sya sa pag-inom at nag-apply ng trabaho. Ako naman, sinubukan ko rin mag-apply. Ayaw sana nila lolo, pero ikako, habang nag-aantay lang sa susunod na school year, kaya sa huli tumango na lang sila.

Natanggap naman ako sa pinagretuhan sa akin ng pinsan ko. Sa isang sari-sari store na katabi ng bus terminal. Ang pasok ko ay ala sais ng hapon hanggang ala una ng madaling araw. Sa unang dalawang buwan, nasusundo ako ni papa. Kaya lang nung napansin kong napupuyat sya at dahil ayokong maapektuhan ang bagong trabaho nya, sinabi kong okay na akong umuwing mag-isa. Wala namang sampong minuto yung layo nung trabaho ko sa bahay.

Hindi rin naman ako natatakot kahit sobrang late na yun para sa katulad ko, kasi wala lang. Wala pa naman akong naeencounter na matatawag kong threat sa kaligtasan ko. At ang pinakamahalaga para sa akin maging okay si papa. Ayokong maapektuhan ang trabaho nya sa pagkapuyat sa pagsundo sa akin at matanggal sya tapos malululong na naman sya sa alak.

Kaso sa unang madaling araw na ako lang mag-isang naglalakad pauwi, nacatcall ako nung sakay ng tricycle. Sa takot kong balikan nila ako dahil pinakyu ko sila, yung pang model na lakad ay ginawa kong takbo na. Hingal na hingal ako pagdating sa bahay pero hindi ko yun pinaalam kahit kanino lalo na kay lolo. Warfreak kasi tong matandang to hahahahaha!

Sa mga sumunod namang madaling araw walang ganap, walang epal, walang pumito o sumitsit. Ganoon ng siguro mga dalawang linggo? Pero eto, sa ikalawang madaling araw na hindi na ako sinundo ni papa, bago ako umuwi, pinabaunan ako ni ate loraine ng ginawa nyang burger.

Homemade yung tinapay, pati yung patties. Ambango bango talaga. So pagkalabas ko sa tindahan, sinimulan ko ng kainin yun. Nung nasa parte na ako na puro kabahayan na pero ang ilaw na lang sa paligid ay mga streetlights na parang 5 watts lang ata, may sumabay sa akin, hindi tao pero aso, akala ko talaga aso. Asong mabaho.

Dahil mabait ako at ang una kong napansin sa asong yun eh ang payat nya, hinati ko yung burger at inilapag sa tabi nya. Sabi ko pa kainin na nya baka may makakita pang tropa nya at mahati pa yung kanya. Nagtaka ako sa totoo lang kasi titig na titig yun sa akin na parang nagtataka? Kaya lang dahil gusto ko ng makauwi, hindi ko na pinansin pa at para talaga sa akin ordinaryong payat na aso lang sya. Nung mejo nakalayo na ako sa kinapupwestuhan nung aso, lumingon ako at nakita kong kinakain nya. Nangiti ako sa nakita tapos naglakad na ulit.

Sa sumunod na madaling araw, yung meryenda ko na na tinapay, hindi ko kinain agad. Saka ko lang nilantakan nung pauwi na ako. Deep inside kasi umaasa ako na makita ko yung aso, yung bang abangan nya ako ulit o sabayang maglakad kahit sandali. Hindi naman nya ako binigo. Kasi nung mapatapat na naman ako sa mga kabahayan, mula sa isang bakuran, lumabas yung asong yun. Para nga akong timang nung makita sya, tawa ako nang tawa kasi paatras syang maglakad. Pero hindi mabilis dahan dahan. Natawag ko syang moonwalk. Nung maubos tuwa ko, hinati ko na naman yung tinapay at inalok sakanya, kinain naman nya agad.

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon