Personal Story 1: Yapos
Wala akong third eye, nor have I had any dealings with the supernatural myself (well, nagkaroon pala a few months after this story, pero maybe for another time when I retrieve the proof. I made it a point to delete the photo I had after showing it to some colleagues because the entity that showed itself looked too malicious. Nakatitig sakin, nakangiti).
I decided to post this story since December is the month I lost my dad due to cancer. Mahal na mahal ko siya. Ako ang youngest of 4 siblings at ang only boy. Even though I turned out gay, at umilap ako sa kanya dahil sa hiya / ilang, tinanggap niya parin ako na parang walang nag-iba.
Fast forward to 7 months since his death, I was working in brand management. Natira nalang sa office noon ay ako, at isang very close officemate ko (tawagin nalang nating Nats). Around 8:00 PM na noon. Fortunately, susunduin si Nats ng husband niya, at nag-offer siya na idaan ako pauwi sa EDSA Guadalupe since on the way naman daw. Hindi na ako tumanggi.
First time ko ma-memeet yung asawa ni Nats na si Jason. Well-known na sa opisina na may third eye ang asawa niya, pero ni-hindi ko yun naisip nung gabing iyon.
Hinintay namin si Jason. Pinagbuksan ko ng pinto si Nats sa passenger's seat, at pumasok ako sa backseat.
Bilang nakikisakay lang ako, I made it a point to strike up conversation especially kay Jason. Courtesy nalang syempre. Panay ang kwento ko at biro, tumatawa naman si Nats. Pero napansin ko yung asawa niya, hindi ako kinikibo. Panay tingin rin sakin through the rear-view mirror.
"Nako", napaisip ako. "Baka naman 'di talaga on the way yung pagbababaan ko. Badtrip siguro si Jason napahaba pa biyahe nila."
Nakibagay nalang ako. Nung napansin ko na pa isa-isa lang sagot sakin nung asawa ni Nats, tumahimik na ako hanggang mababa nila ako sa MRT station.
Naka-akyat na ako ng hagdan at andoon na ako sa walkway, biglang nag-ring ang phone ko. Si Nats. Sinagot ko. Bago pa ako makapagsalita, naunahan na ako ni Nats.
"Wag ka mabibigla ha."
"Mmm, ano ganaps?", sumagot naman ako. Sa isip-isip ko, baka nabastusan sakin yung asawa. Baka naman nadaldalan masyado.
"Nung pagbaba mo, tarantang-taranta si Jason. Ano kase, pagsakay mo palang ng kotse, may kasama ka na raw."
Napatigil ako sa paglalakad.
"May lalaking matanda raw, hinihimas pisngi mo. Payat na payat yung mukha at braso, parang nilalambing ka, ang higpit din daw ng yapos sayo."
Mediyo matagal rin bago ako nakapagsalita. Lumipat ang conversation namin sa messenger. Putol-putol na ang screencaps kase may ibang personal information sa chat na 'di ko na sinama.
Pero, ang naging usapan lang namin ay kung tatay ko ba iyon, o hindi.
Problema kase, the night before was Father's day at dinalaw namin si dad sa Heritage. Kaso, negative ang energy ko nung araw na iyon dahil namatayan kami ng battery ng kotse. Nagka-aberya pa nung papunta kami. Baka may nabitbit ako pauwi dahil di ko na naalis yung inis ko that whole day. Plus, the stress of work pa the next day. Di ko lang masasabi.
Dinagdag pa ni Nats, nung nasa opisina kami at tumawag na si Jason para sabihan kaming tumawid nalang kami pa-gas station, may nariring daw siyang lalaking matanda na sumisigaw. Galit daw. Akala niya galing sa TV sa opisina. Patay na yung TV that time.
Agad akong nagdasal habang tinuloy ko yung paglalakad ko pauwi. Sana lang talaga, si daddy yung katabi ko nung gabing iyon.
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2022▪︎
BINABASA MO ANG
[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.