Hardworking Employee

18 1 0
                                    

Hardworking Employee

Bali nagwork ako nuon sa isang Ice cream chain na pasara na now.

Sa Marketing ako nun then ang opisina namin ay sa bandang Pasig, sa may Mercedes Avenue.

Group of companies yun, bali madami sila negosyo lahat yun employees is duon na. Nagkakahiwalay lang dahil sa abot dibdib na mga harang then puro tables at lahat yun tables namin kanya kanyang phones gawa ng may kanya kanya kaming extensions.

Then , dahil sa taga Qc ako that time, nag apartment ako sa Pasig Rosario so that was like 30 mins ride lang isama mo na traffic kaya aabot ng ganun.

One day, dahil sa dami kong pending, pumasok ako ng maaga. Alam mo yung may gabi pa? Ganun! Kako eh tapusin ko talaga lahat.

Pagdating ko, nag good morning na si Tatay Guard, stay in sya dun. Then umakyat na ako. Binuksan ko yung mga ilaw at Ako lang ang tao!! Pero di ako nagpatinag sa kaba ko kasi yung deadlines kako mas yari ako sa Manager ko. Binaba ko si Laptop at bag.

Afterwards, yung office phone ko nag ring sya. Hindi ko nasagot. Kasi inaayos ko set up ng laptop. Biglang medyo naka ramdam ako, sabi ko something was off na. . Lalabas na muna ako.

Edi ito na, bago ako makalabas, yung table na dadaanan ko may phone din, nag ring sya. eh papalabas na ako, edi ako ito na nga sinagot ko!!!! 
Pag angat ko ng phone, walang boses, wala as in parang nasa kabilang table lang din yung tumawag.

Kinabahan na ako, mag-a-alas sais ng umaga palang kako, sinong supplier ang tatawag ng ganun kaaga? at bakit dalawang phone kako ang nag ring sa magkaibang lamesa pa.

Napalakad ako ng mabilis at yung tuhod ko nanghina na nanglamig ako.

Edi pagbaba ko, tumambay na lang ako sa guard house. Sabi niya namumutla ako, sabi ko lang  Tay penge kape. Hindi ko naikwento kasi natatakot ako. ..

Tapos after a week nun, napatambay ako sa HR. alam nyo naman chismian moments then usapang dating katrabaho sila. Tahimik lang ako, nakikinig lang kasi di ako makarelate gawa ng bago pa lang ako, pa six months palang. Biglang naiopen nung isang HR na may isa silang dating katrabaho sobrang sipag na accounting, laging OT para magkapera, tapos bigla daw nangayayat, yun pala may sakit daw yun, tapos nahospital then dahil sya badly needed nya ng pera pinipilit nya gumaling para makapasok kaso terminally-ill na talaga.

Mula ng nahospital yun, walang araw na di siya tumatawag sabi ng HR. Umiiyak kasi ayaw mawalang ng work.

Nung araw na matetegibells na daw yun, ang pinakahuling ginawa daw nun ay tumawag sa opisina para kausapin yung pinaka Boss namin... at sabi nya ay. . BOSS PAPASOK PA AKO tapos after daw nun sumakabilang buhay na.

Then napatayo ako sa kwentuhan. Hindi ako nagshare ng naexperience ko baka tawanan lang ako.

Naisip ko, baka kaya sya tumatawag dahil may unfinished work pa sya.

Nanglambot tuhod ko talaga nung narinig ko yung kwento ni HR. at nagresign ako after ng ilang buwan.

📜Let's Takutan, Pare
▪︎2022▪︎

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon