Reflection

11 1 0
                                    

REFLECTION

Gusto ko lang ishare dito yung nangyari sa akin before ako mag positive for covid - 19, na hindi ko pa nashashare sa kahit na kanino. Ngayon lang ako nagkaron ng lakas ng loob dahil may kasama na ulit ako sa bahay.

March 20, 2021

Umuwi ako ng Pampanga para iuwi ang mga gamit ko galing sa dormitory. Ang bahay namin sa Pampanga ay halos katulad ng nasa picture, same lay out pero mas konti ang ilaw. At yung mirror ay hindi honeycomb kundi Full body mirror na malaki. Usually kasama ko ang parents ko sa bahay pero nung umuwi ako ay ako lang mag isa dahil nasa bahay sila ng kapatid ko sa Malolos.

Ang kwarto ko sa bahay namin ay malapit sa living room at sa CR. Itong experience na to ay hindi ko makakalimutan, dahil buong katawan ko ang parang tumigas nung nakita ko ito.

Unang araw ng stay ko sa Pampanga, nagising ako ng 2:00-3:00 am (hindi ko na masyadong tanda anong oras) para umihi. Ang CR namin ay dadaan ka sa maliit na hallway gaya ng nasa picture pa kaliwa (living room). Ang tanging ilaw ay ang puting ilaw sa living room na konti lang ang nasasakupan na liwanag. Noong pabalik na ako ng kwarto ko, sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay napatingin ako sa reflection ko sa salamin ppalakad pabalik ng kwarto ko. May sinag pa sa labas hindi ko alam kung dahil ba sa poste ng ilaw o sa buwan. Nakita ko ang sarili ko, normal na itsura ko pero ngiting ngiti. Yung ngiti na malaki na hindi ko maipaliwanag, ngiti na hindi dahil sa saya ang itsura. Tinitigan ko p mabuti ang sarili ko dahil hindi naman ako nakangiti pero bakit ganoon ang rehistro ko sa salamin. Nung ma realize ko na hindi distorted ang salamin, parang umakyat sa ulo ko yung kilabot. Hanggang ngayon kinikilabutan pdin ako. Hindi ako agad nakalakad, pinipilit ko tumakbo hindi ako makatakbo, parang mas pinili ng katawan ko na maglakad ng mabagal, para hindi lalong matakot.

Sa ngayon, iniisip ko kung totoo ba ang nakita ko, dala ba yon ng antok? Dala ba yon ng pagod? Kinabukasan, nilagnat ako ng malala. Kinailangan ko magpa RTPCR sa baranggay at nag test ako ng positive sa covid kaya naka isolate ako ng matagal. Grabe ang takot ko, mas nakakatakot na kapag dumadaan ako na kita yung salamin. Madalas ay iniiwasan ko nalang ito ng tingin.



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon