HAMBURGER 🍔
Warning:(crime)
Part 1Faith po. Samahan nyo ako ngayon sa aking kwento. Tungkol ito sa pamangkin ko. Lahat ng pangalan dito ay pinalitan ko at ayoko din magbanggit ng eksaktong place. Malalaman nyo sa last part kung bakit.
OCTOBER 5, 2018
6AM, Habang ginagayak ko ang dalawa kong anak papasok sa school nakatanggap ako ng text.Tinignan ko ang nagtext habang pina-pasuot ko ang sapatos ni Sam. Ang text ay galing kay Sarah (yung pamangkin ko na ka-age ko).1 message received, from Sarah. Pagkabasa ko sa text ay unti-unti akong nanlambot at napaupo sa sofa kasabay ang pagtulo ng aking mga luha, sabi ng text "Tita, patay na si Joseph. Kaninang mga 3am daw."
Sobra akong natigagal at naalala ko kailan lang ay umuwi ako sa Parental Home namin at nagsama-sama ang buong angkan. July and August yun dahil may mga okasyon nun sa pamilya. At ng uuwi na ako ay hinatid pa ako ni Joseph sa kanto ng San Jose, nag-abang ako ng jeep na pang-Porac. Yung magmumula sa Dinalupihan or Florida. Parang kailan lang yun talaga.Hangang narinig ko ang anak ko aalis na daw kami. Ayaw ng mga itong nali-late. Nanginginig pa rin ako pero kailangan kong maging kalmate at baka ma-aksidente kami ng mga anak ko. Sumandali akong nanalangin. Kasi nanginginig ang aking mga kamay. Napansin pa ng anak ko ang mga kamay ko ng ipasok ko ang susi sa ignition. Ng makalmante ako ay inihatid ko na sila at di ko na hinintay na mag-flag ceremony pa sila at makapasok sa room, umuwi na ako agad.
Si Joseph ay bunso sa tatlong anak ng Kuya Lyndon ko. Yung Kuya ko na nanalo ng 1st sa Ameteur Contest na kwento ko kagabi. Puro lalaki ang mga anak nya. 5 pa lang sya ay napansin na naming mahilig syang maglaro ng kutsilyo kahit marami syang laruan baril, robot o de remote na sasakyan, kutsilyo pa rin ang paborito nyang nakasuksok sa kanyang shorts. Kaya binilhan nalang ng espa espadahan ng mommy nya. Pero ng mag-binatilyo ay nawala na din ang hilig nya dun.
Hangang sya ay makatapos ng high school at nagsimulang magka-gf. Guwapo siya, matangkad at maganda ang katawan. Mabait siyang anak. Hanggang nagsimula na rin siyang magtrabaho. Libangan nya ay mag-gitara at kumanta. Mahilig din siyang mag-katikot ng mga electronics, naaayos nya naman.
FF: 22 na sya nung 2018 at ang gf nya ay nasa Paris. Nag-iipon na rin sila para sa kasal, yun nalang ang kulang sa kanila. At kailan lang nakabili sya ng motor na pang-serbis sa work nya at ng nasa Pinas ang gf nya palagi nya itong pinapasyal. Madalas silang mag-out of town, mahilig sila sa mga beaches at adventure. Masaya naman sila sa mahigit isang tatlong taong relasyon. Gaya ng sabi ko, kasal na lang ang kulang. Nakilala ko na rin yung fiancee nya, si Candice. Maganda at magalang.
Balik tayo sa October 4 @ 7pm. Kwento ni Sarah, ng hipag ko na si Ate Chit at ni Kuya Lyndon na pinagsama-sama ko. Kasama na rin ang ilang kuha sa CCTV sa mga brgys.
May mass sa katoliko noon at nagsabi siya sa magulang na magsisimba. Pumayag naman ang mommy nya (hipag ko) basta uuwi daw siya agad. Kasi may work pa siya kinabukasan. Natapos ang misa pagkatapos magbatian ng peace be with you ay lumabas na siya at sumakay sa nakaparadang motor nya sa gilid ng simbahan. Sa harap ng simbahan ay ang terminal ng jeep at trike, marami ding nagtitinda ng mga sari-sari. Dahil dun ang sentro ng lugar ay dun ang maraming shops. Naisipan nyang bumili ng 🍔 hamburger. Buy 1 take 1. So umorder sya ng 2 bale apat kasi yun. Dalawa sa kanya, tig-isa ang mommy at papa nya.
Maganda at magiliw sa mamimili ang crew sa minute burger na yun kaya marami ang bumibili. Sa kanang banda ay may tindahan na may umiinom. Mukhang may tama na sila. Tumatawa si Joseph na napatingin sa kanila dahil palabiro si ate girl. Sabi daw ni Joseph wala bang discount, yun bumungisngis si ate girl na parang kini-kiliti. Ang gwapo naman kasi ni Joseph at ang tikas ng katawan. Malakas ang dating nya. Ngiti pa lang nya ay ulam na daw... May dimples pa sa magkabioang pisngi.
BINABASA MO ANG
[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.