WHO ARE YOU (LAST PART)

23 0 0
                                    

WHO ARE YOU (LAST PART)

I.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=575756543165953&id=218238752251069

II.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=587149792026628&id=218238752251069

Hi mga ka SIGAW, happy 2020 sa lahat. This is the last part ng story ko patungkol Kay Camille. Mahaba haba to guys so paki habaan ang pasensya sa pagbabasa.

Bago matapos ang taon sinikap Namin na matapos nadin ang publema Kay Camille. Dec.24 nasa duty ako, ospital is life Ika nga. Pero saktong 12midnight tinawag ako ng guard kasi daw may nagpapabigay sa akin ng pagkain. I asked him sino, sabi nya di nya natanong kasi nagmamadali pero sabi daw is pinsan ko sya. Yun ang pagpapakilala nung babae Kay manong guard.

So ako, di naman ako palakain talaga at isa pa di ako sure kung kanino galing kaya sabi ko itapon nalang un . Pero sila manong guard nanghinayang kaya sila nalang daw ang kakain.

Bumalik ako sa duty, in short ok naman ang pasko ko. Umuwi ako ng umaga para dumiretso sa bahay nila Luna para sa family gathering Namin. Pero sa Kamalas malasan nasiraan ako ng sasakyan. So iniwan ko muna sa facility nmin ung sasakyan at nag commute ako. Pagka dating ko sa bahay yung family gathering sana ay nauwi sa trahedya. 3 sa katulong ng pinsan ko ay sinugod sa ospital dahil sa pananakit ng tyan at pagkahilo. Nagtanong ako ano kinain, sabi Ni manang may nakalagay daw sa lamesa na ginataang tulingan. Yun daw ang huling alam nya na kinain ng mga yun. Kinuha ko ung lagayan inamoy ko, wala ko naamoy na kakaiba. Pero kumuha ako ng ilang sample sa ulam na yun. Kutob ko may hinalo doon, at masaklap di nila alam kanino galing yun. So we checked ung mga CCTV sa bahay, Nakita Namin dala un ng Tito ko. Pero may isang babae na lumapit doon ng matagal. Si Camille, ung babae. Paborito ko ang ginataang tulingan, kaya nagdala ang uncle ko. Pero na late ako ng dating kaya di ko nakain agad.

Lumabas result sa tatlo, at food poisoning nga. Chemical na walang Amoy pero nakakalason.

Kinompronta ko na sya agad agad dahil may mga nadamay na. Wala ko Paki alam na ano mangyari basta alam ko Sobra na. Sobra na ung pang unawa na binibigay sakanya ng lahat lahat lalo na ng pinsan ko. Sa galit ko hinila ko sya, pero kita ko ung panlilisik ng mata nya.

C: papatayin kita chum, papatayin kita.

A: do it if you can. Pero di ko hahayaan pa na Maka perwisyo ka.

Nag wala sya ng Sobra guys, nakakahiya man pero legit na nagwala sya. Hinawakan sya ng mga uncle ko at halos di nila kayanin sa lakas ni Camille. Tinali muna nila pansamantala, habang papunta na ung kaibigan Namin na pastor at sila cha.

Nang dumating sila cha, lalo syang nagwala. Tumingin sya ng matalim Kay cha, at Bigla sya nagsalita. Yung mga sinabi nya, patungkol Kay cha ay di Namin alam. Isang kwento sa buhay ni cha na masalimuot, raped victim pala sya. Sinariwa ni Camille sa alaala ni cha lahat un para maging mahina si cha. Pero si cha nanatiling emotionless , ng maramdaman nung walang epekto un nagwala sya. Winisikan sya ng holy water at umusok talaga sya. Totoo pala ung sa pelikula, as in nagwala sya. Nagdadasal kame ng hindi Namin napansin na natanggal nya ung tali sa kamay nya. Bigla syang natumba, tahimik walang galaw galaw. Kala namin ok na, pero ng lapitan ni cha Bigla nyang sinakal si cha. Hinila nmin sya, pero parang naka lock ang kamay nya sa leeg ni cha. Nag uube na labi ni cha at di na sya makahinga. Kinuha ko scalpel sa bag ko sinaksak ko kamay ni Camille. Dun lang sya nakabitaw kay cha. Pinagpatuloy ni pastor ang pag paalis sa kung ano man ang meron sakanya. Inabot kmi ng 8pm bago tuluyan mawala un. Sa tulong din ni cha bakit tuluyan pumayag si Camille. Habang ginagawa ni pastor ang tungkulin nya, hinanap ni cha si camille sa kaloob looban ng puso nito. Hanggang sa natagpuan nya. Niyakap ng pinsan ko si camille, hinawakan ni cha sa dibdib sentro sa puso si camille. Doon nagsimula si cha inaalala Kay Camille kung gaano sya kamahal ng Diyos. Pinaalala nya yung masasayang buhay ni camille. Ung camille na may pananampalataya ung camille na mabuting tao. Pinaalala nya kung paano sya minahal ng mga tao na nagtitiwala sakanya. Doon biglang lumuha si camille. Umiyak sya ng umiyak. Unti unti nagliwanag ang aura ng mukha nya. Ilan ang naalala nya the rest ay Hindi talaga. Huli nyang naalala ay noong napanaginipan nya ang pinsan ko at noong Nakita nya ito sa coffee shop. The rest is just a history.

Aminado si Camille na may disorder sya, nag sorry sya sa akin at sa lahat. Lalo na sa pinsan ko, pero may gusto talaga sya sa pinsan ko at legit un kahit wala syang sapi. Sakin daw di sya nagkagusto kasi Ewan nya. Haha di yata ako jowable guys.

Now, nag uundergo sya ng counseling at therapy si cha ang nag guide sakanya. Now, active sya sa pag simba. Sana tuloy tuloy na.

Buti nalang di ako na tegs hahaha

So sa next story ko ibang experience naman. Fresh pang salubong sakin ng 2020. Pero next time na. Di na nakwento ng pinsan ko lahat sa story nya kasi busy sya.thanks sigaw.

-chum


📜Sigaw
▪︎2020▪︎

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon