TRI-BIKE

15 1 0
                                    

TRI-BIKE

Hello, guys!
It's me, Faith again from Pampanga and thank y'all!

Shout out kay Lalay Garabiles-- hello, girl! Natawa naman ako sa comment mo, wala namang English doon sa kwento ko last night (June 22, 2020), HAHAHAHA. Thanks, Admin. Hello kay Hazel Balais Cabreros, thanks to you 😘. At sa aking mga CABALEN, dakal salamat kekayu!

Ang kuwento ko naman ngayon ay tungkol kay Sarah, ang ate ni Ruth. Anak sila ng ate kong panganay na si Ate Rose. Si Ruth 'yung sa kwento kong may anak na kinalmot at sinakmal ng halimaw na nagmula sa libro. Tulad nang sinabi ko, sabay kaming lumaki. Pero nu'ng time na mangyari ito ay may asawa na ako at nakatira na kami sa Maynila.

So, here's Sarah's POV:

"Tita pumasyal kami kina Tita Aubrey nu'ng isang araw (sa kabilang barangay), akala ko mamamatay na ako sa takot. First time kong nakakita nang multo.

Nagka-yayaan kami ni Jomz (kaibigan na beki), kasi wala kaming magawa sa bahay. Mga after lunch pa lang kami nagpunta sa Saug, naka tri-bike lang kami. Ang Saug ay isa sa mga barangay ng Lubao, Pampanga. Looban ito at maraming mga bukid at puno.

So 'yun na nga, may kalayuan din 'yon at dahil nga tri-bike lang ang gamit namin ay inabot kami ng 30-45 mins sa biyahe. Dahil matagal kaming hindi nagkita ni Lole at ng mga anak niya, matagal kaming nag-kuwentuhan. Si Tita Aubrey ay wala nu'n. Si Lole ay manugang ni Tita Aubrey. Nanguha rin kami ng mga mangga at sampalok habang nagku-kuwentuhan at nag-enjoy naman kami ng mga pamangkin kong makukulit. Umakyat pa sa puno itong si Jomz para makuha niya yung isang kumpol ng mangga. Nalibang kami sa pagku-kwentuhan at 6PM na nang maalala namin ang oras kaya nagma-madali kaming gumayak na at inihanda na ni Jomar ang tri-bike para umuwi.

Paalis na sana kami nang tawagin ako ni Lole, may inaabot siya sa akin. Nagtaka ako ng makita ko ang asin na nasa supot ng yelo at isang buko ng bawang.

"Para saan 'to?" Sabi ko.

Sabi niya na kailangan daw namin 'yun dahil may mga nagpa-paramdam sa labas. 'Di na lang ako kumibo at sumakay na kami sa tri-bike at kumaway kay Lole at sa mga pamangkin ko.

Mabato ang daan dahil hindi sementado. Masakit sa puwet dahil lubak-lubak ang daan. Kaya medyo hirap si Jomz sa pag-padyak. Nang paakyat na sa isang kanto ay may nadaanan kaming puno ng mangga na naka-tumba sa gilid ng daan pero buhay naman ito. Marahil ay gano'n ang pagka-katubo nito.

Papalapit na kami sa puno ng mangga nang may makita kaming isang babaeng naka-puti. Nakatingin sa amin. Natawa pa ako kasi bakit gano'n ang damit niya: mahaba ang manggas. E, ang init-init ng panahon tapos puti pa!

Kaya sinabi ko kay Jomz, "Tignan mo 'yung babae, bakit naka-puting damit tapos mahaba?"

"Aga namang matulog nyan!" Biro ko pa.

Tinitigan ko ang mukha ng babae at ito ay hindi malinaw. Biglang lumamig ang paligid at naramdaman ko ang ihip ng hangin. At pumasok ang lamig sa kaibuturan ng aking mga kalamnan. Napatingin ako sa babae. Sa amin siya naka-harap. Hindi sumagot si Jomz kaya tumingin ako sa kaniya. Pagtingin ko sa kaniya ay tumutulo na ang luha niya. Bigla kong naalala ang kwento sa amin ni Jomz.

Noong nasa high school kami ay na-kwento niya sa amin  na 'pag nakaka-kita raw siya ng multo ay lumuluha na lang bigla ang kaniyang mga mata, at kahit gusto niyang sumigaw ay di niya magawa. Siyempre ang laki na nya para sumigaw sa takot. Oo, bukas ang third-eye ni Jomz.

Kinilabutan ako nang makumpirma kong multo ang aking nakikita.  Nararamdaman ko ang pag-tayo ng mga buhok ko sa aking batok at nanginginig ang aking mga kamay at binti sa sobrang takot na nararamdaman ko. Hanggang nalampasan na namin siya naramdaman ko ang mabilis na pag-padyak ni Jomz sa pedal. Tapos sinabihan ako ni Jomz na huwag na akong lilingon sa likod.

Ang sabi ko kay Jomar, "Paano siya nakaka-lakad, 'di naman naka-tapak  ang mga paa niya sa lupa?"

Sa hangin daw. Sa paglampas namin sa kaniya ay ramdam ko pa rin ang pananayo ng buhok sa batok ko at lalong lumakas ang ihip ng hangin na tila may paparating na bagyo. Nagsalita ulit si Jomz na huwag akong lilingon.

"Basta huwag kang lilingon," ulit pa niya.

Yumuko ako at hinawakan ko ang dibdib ko, ang lakas kasi ng pintig ng puso ko.

Sabi ni Jomz, "Kantahin mo ang mga Praise Songs sa Church ninyo, kumanta ka. Dali!"

Kumanta naman ako, inulit-ulit ko ang chorus ng: BECAUSE HE LIVES

"Because He lives, I can face tomorrow. Because He lives, all fear is gone. Because I know, I know, He holds the future. And life is worth living, just because He lives!"

PAULIT-ULIT.

Patuloy sa pag-padyak sa tri-bike si Jomz. Ako naman ay patuloy sa pag-kanta. Huwag daw akong titigil, sabi niya at diretso lang daw ang tingin ko.

Hanggang sa nakarating kami sa arko ng Saug (dulo ng barangay) at nawala ang malakas na ihip ng hangin at unti-unti na naging kalmante na ang tibok ng puso ko.

Hanggang sa malapit na  kami sa kanto ng barangay namin na sinasabi rin nilang may multo. Kumanta uli ako para walang mag-pakita sa amin. Ilang saglit lang ay naka-uwi naman kami ng safe.

Pagbaba ko sa tri-bike si Jomz ay halo-halo na ang sipon, luha at pawis, HAHAHA. Sinabi sa akin ni Jomz nu'ng lumingon siya ay hinahabol kami ng white lady. At malapit na siya sa amin ng kinanta ko ang Because He lives. Tapos bigla daw itong naglaho.

Mula noon ay ayaw ko ng magpa-gabi kapag nagpupunta ako kina Tita Aubrey."

*Hanggang diyan ang kwento ni Sarah*

Ako naman ay kahit umaga, ayokong magpunta roon kasi ang layo sa amin at kahit daw umaga ay may nagpaparamdam do'n. Kaya pag nagkikita kami ng ate Aubrey ko dun nalang sa bahay ng parents namin.

Always remember this:
THERE IS POWER IN THE NAME OF JESUS!

Hugs & Prayers,

Faith ❤
PAMPANGA



📜Spookify
▪︎2020▪︎

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon