SUICIDE NOTE

35 0 0
                                    

"SUICIDE NOTE"

"Hi Babe, palangga ta gid ka. Indi mo gid pagpabay'an lawas mo haa. Biskan wala na ko sa tupad mo, always mo pinsaron nga palangga2 ta gd ka. Sorry kung hemuon ko ni. No choice ko eh, nahuya na ko mag atubang sa mga taho tungod sa natabo. Pray mo ko always haaa. Para mag peaceful man ang spirit ko kung diin man ko matupa. I will always love you , goodbye."
-Gen

(TAGALOG)
"Hi babe, mahal na mahal kita. Wag mong pababayaan sarili mo haa, kahit wala na ako dyan sa tabi mo. Palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Sorry kung gagawin ko to. No choice na kasi ako, nahihiya na akong humarap sa mga tao dahil sa nangyari. Pray mo ako always haa. Para naman maging peaceful yung spirit ko kung saan man ako mapunta. I will always love you. Goodbye. "

Yan ang isa sa limang suicide note na isinulat ni gen bago siya nagpatiwakal. Si gen po ay yung girlfriend ko noon 9 years ago. Si Gen po yung tipo ng babae na masasabi mong super ganda ngunit napaka simple nya. Siya yung tipo ng babae na masasabi kong perfect na sa aking mga mata, yung babaeng matalino, mabait, maganda, makinis na maputi, at dyosa kung tawagin sa aming skwelahan. Campus crush ika nga nila. Samantalang ako ay badboy, trouble maker (warfreak), at di kasing gwapo na ka level ng kagandahan niya. Niligawan ko siya noon pagkatapos ng aming retreat. Dahil nong nasa retreat kami, may isang session kami doon na mag shashare at susulat ang individual sa kanilang inspirasyon at gusto sa isang tao, at ibibigay mo ito sa kanila. Doon ko nalaman ng sabihin ni Gen ang gusto nya sa isang tao. Yung tipong Robin Padilla daw ang galawan at ang angas, yung tipong parang masamang tao pero ang bait pala kung iyung makilala, yung taong handang proteksyonan ka at damayan ka kung ikaw ay may problema, at yung tipong hindi boring kasama at hindi nauubusan ng mga jokes. Ang lahat ng yun ay ako ang dinidescribe nya. At ayun na nga, pangalan ko nga yung binanggit niya. Doon nag simula ang pagiging close namin at doon ko na siya niligawan. Noong nasagot nya na ako, sinabihan nya ako na wag mong baguhin ang istilo ng pag-uugali mo dahil lang naging tayo, wag mong palitan ang mga nakasanayan mo dahil naging tayo, at lalong-lalo na wag mo akung lolokohin haa dahil minahal kita kung ano ka, at mamahalin parin kita kahit sino kapa. Naging maganda ang aming relasyon, open ako sa pamilya nya at open din siya sa pamilya ko. Pumunta ako sa bahay nila at minsan sa bahay rin siya natutulog. Nag tagal kami ng isang taon at walong buwan bago nangyari ang lahat. Ang pangyayaring iyun ang nagpabagsak ng mundo ko ng ilang taon. Ang hirap maka pag move on nong mga panahong yun, para bang bula na naglaho bigla ang mga pangarap niyo sa isat-isa. Parang panaginip lang ang lahat na hindi mawala-wala sa isipan mo. Isang araw, nagpaalam si Gen sa akin na mag-aabsent raw siya bukas dahil susunduin daw nila ang tita at pinsan niya sa airport na galing canada. Tanong ko sa kanya, kaylan ka babalik? Sinagot nya lang ako na basta tatawagan nlng kita. So, nag agree na ako. Kinabuksan pagdating nila ng bahay nila galing airport, dumiretso siya agad sa bahay para bigyan ako ng mga chocolates, doon niya sinabi sa akin na baka 1week daw siyang aabsent dahil daw mag oouting sila. Sabi ko ang tagal naman noon 1week din kita di makakasabay sa school? Sabi niya, wag kang mag-alala mahal naman kita, parati kitang bibisitahin sa inyo. Kaya't nag agree na ako. Kinabukasan, tumawag siya sa akin na pupunta daw sila ng bora, 2 days 1night. So sabi ko mag-ingat ka jan, alam mo naman na mahal kta, wag masyadong magbabad sa dagat baka ma sunburn ka. Kinilig ako sa sinagot nya na opo boss, iingatan ko tong katawan ng mahal mo. Mahal din kita . Tatlong araw ang lumipas, ng nakatanggap ako ng tawag galing sa kanya. Pasado alas dos na yata yun ng madaling araw. Umiiyak siya at ang hina ng boses, na hinihingal, pisok ng pisok, di ko tuloy na intindihan ang mga sinasabi niya. Sinabi ko sa kanya na eh text na lang dahil di ko maintindihan, ang naintindihan ko lang sa mga sinabi nya na "palagi mong tatandaan boss, mahal na mahal kita. Alam mo yan, mag ingat ka palagi at saka naputol na ang tawag at yun na yung huling oras ng aming pag uusap, huling boses nya na aking napakinggan, huling salitang mahal kita na kumilig sa akin. Yun na pala ang huli ng lahat. Yun na pala ang kataposan. Nung umaga na, agad akung pumunta sa kanila, ngunit walang katao-tao, di ko rin ma contak ang cp nya. Wala din akung # ng mama niya kayat umuwi na lang ako. Lunes, nung pumasok na ako ng school. Marami ang nagtatanong sa akin kung bakit si parin daw pumapasok si gen. Sinagot ko lang na nag outing sila siguro ng family niya kasama ng tita nya na galing canada. Kinabukasan martes, nagulantang ang lahat sa iskwelahan ng sinabi ng principal namin pagkatapos ng flag ceremony na let us all pray for the soul of "Gen *********" . Agad akung natulala, nagulat ang lahat. Nataranta ako, at biglang tumakbo palabas ng campus patungo sa bahay nila. Pagdating ko sa bahay nila, nakita ko na ang daming tao, may mga pulis at nakita ko ang mama niya hinimatay. Sinubukan kong pumasok ngunit hindi ako pinapasok ng mga pulis, kayat nag tanong tanong ako sa mga taong nandon kung ano ang nangyari. Sinabi nilang si Gen daw nagpakamatay, napasigaw ako at para bang gusto kung magwala. Biglang nakita ko ang papa ni Gen, agad ko siyang nilapitan at lumuluhang tinanong. "Tito, ano po ang nangyari." Yumuko ito at niyakap ako. Umiiyak sabay sabi halika ka sa loob. Pagpasok namin dumiretso kami sa kwarto ni Gen at nandon ang mga pulis. Nakita ko ang tali na nasa kisame at may mga dugo sa kanyang kama. May inabot sa akin ang papa niya na isang papel at isang malaking box. At sinabi ng papa niya na, ibibigay ko daw sayo, paki ingatan mo na lang daw ang mga alaala na natira niya dito sa mundo. Nalungkot ako at di makapagsalita, napa upo ako sa gilid at humagolgol sa iyak. Nang nagising na ang mama ni gen, doon na rin sila nag umpisang mag kwento ng buong detalye ng pangyayari. Pinag pantasyahan daw ng pinsan nyang balikbayan ang katawan ni gen. Noong nasa boracay daw sila, ginahasa ng pinsan nya si Gen. Hindi daw agad nakapagsumbong si Gen dahil tinakot daw siya na papatayin ang buong pamilya niya kung magsusumbong siya. At naulit pa ang panggagahasa sa kanya pagbalik nila sa bahay nila. Sabi pa ng mama niya, ikaw ang huling kinausap nya sa phone nakita namin sa call logs ng phone nya, di nya pala sinabi sayo? Sumalita ako, tumuwag po siya tita kaso di ko maintindihan ang mga sinasabi nya dahil iyak lang siya ng iyak. (Lumuluhang sabi ko.) Umuwi ako na tulala, di makausap, di makakain, di lumabas ng kwarto buong gabi. Kinaumagahan, di ako pumasok sa school dahil namamarok yung mga mata ko sa kakaiyak at wala pang tulog. Pilit akong binibigyan ng lakas ng aking pamilya para lang malabanan ang problemang dinadala ko noon. Napakabigat sa damdamin para bang ayaw mo na rin mabuhay sa mundo. Nang biglang parang may bumulong sa akin na buksan ko raw yung box na binigay ng papa ni gen. Pag bukas ko, humagulhol ako sa kakaiyak habang binabasa ang huling sulat nya bago nya ginawa yun. Nakita ko rin ang lahat lahat ng mga bagay na memories namin. Humagolhol ako at nag wala sa loob ng kwarto ko, hanggang sa napagod ako sa kakaiyak at naka iglip. Nang biglang nagpakita siya sa panginip ko. Umiiyak, laslas ang pulso. May mga sinasabi siyang hindi ko maintindihan, may mga salita siyang di ko marinig. Tanging mga bigkas lang ng bunganga niya ang sinusundan ko para maintindihan ang mga salita nya. Ng biglang napasigaw ako at nagising. Ginigising na pala ako ni mama dahil daw binabangongot ako. Doon ulit ako umiyak ng umiyak. Sabay niyakap ako ni mama, at nag salita. Ayusin mo sarili mo, puntahan mo na si gen sa bahay nila nandoon na siya. Mag baon ka narin ng ibang damit na susuotin mo don, samahan mo muna doon si gen. Bilis, tahan na. Maligo kana. Nabuhayan ako ng loob sa sinabi ni mama. Dali dali akong pumunta sa bahay nila gen, ng hapon ding yun pumunta ang mga school techears at ibang students at mga classmates namin sa bahay nila gen. Noong gabi na, nag sabi ako sa papa ni gen na iidlip muna ako para mamaya ako naman ang magbabantay at sila naman ang iidlip, nagsabi ang papa ni gen na sa guest room katabi ng room ni gen na lang daw ako matulog kasabay ng ibang pinsan ni gen. Habang naka higa na ako doon at ang ibang kasama ko sa room na yun ay mahimbing na natutulog. Biglang may narinig akong umiiyak sa kabilang kwarto, ng biglang may parang may bumagsak. Dali dali akong bumangon at tiningnan ang loob ng kwarto ni gen. Pagbukas ko ng pinto biglang umihip ang malamig na hangin na siyang nagpatindi ng mga balahibo ko. Nagsalita ako, "Gen? Ikaw ba yan? Magparamdam ka kung ikaw yan. Gen?" Umupo ako sa kama niya at unti-unting bumagsak mga luha ko habang kinakausap ko siya. Ang sabi ko: gen, alam kung naririto ka, alam kung ikaw ang naririnig kung umiyak, gen, bakit mo naman to ginawa? Bakit mo sinarili ang problema, diba sabi mo pa dati, kung may problema tayong dalawa hindi tayo matutulog kung hindi pa ito naaayos. Diba sabi mo pa nga walang problemang walang solusyon? Gen? Bakit. Bakit gen?
Humagolhol na ako sa kakaiyak. Mayamaya pa, di ko namalayan naka tulog na ako sa kama niya. Pumasok na naman siya sa panaginip ko iyak siya ng iyak na nagsasabing sorry. Sorry talaga,. Lagi mong tandaan mahal kita, at akala ko nagising na ako at nagulat sa nakita. si gen nakasabit sa kisami tumutulo ang dugo sa kamay at umiiyak. Dilat ang mga mata na nakatitig sa akin. Gennnnnn?. Sigaw ko, At biglang nagising ako at napaupo sa kama. Bago inilibing si gen, walang gabi na hindi ko siya napapanaginipan. Walang araw na hindi ko siya iniiyakan sa harap ng kabaong nya, oras-oras kung sinisilayan ang mala dyosang mukha ng mahal niya, at minu-minuto siyang pumapasok sa isipan ko. Pagkatapos ng libing nya, umuwi na ako sa bahay. Ilang weeks din ako di nakapasok sa school, inilagay ko sa kokote ko na tutuparin ko lahat ng sinabi ni gen sa huling sulat nya.
Bawat taon. weeks bago mag death anivv. niya (August 2), nagpapakita siya sa panaginip ko at pinapaalala sa akin na bibisitahin ko siya. Lagi nyang sinasabi sa panaginip na mahal na mahal nya ako. Sa bawat monthsary namin lagi ko siyang binibisita sa puntod nya. Pinakilala ko rin sa bago kung girlfriend ang babaeng pinakamamahal ko noon. Kapag bumibisita ako sa puntod ni gen palagi ko siyang sinasama. Minsan kapag bibili ako ng bulaklak at kandila, bibili din siya ng sa kanya at ini-aalay din sa puntod ni gen. Hanggang dito na lang ang istorya ko, salamat sa pag basa ninyo at salamat din admin sa pag post nito.

*Ang pinsan pala ni gen na ng rape sa kanya nasa bilibid na, habang buhay napagkabilanggo ang hinatol sa kanya. Pati ang ina nya ay di pumanig sa kanya. Kaya't napabilis ang kaso.

-Billy


📜Spookify
▪︎2017▪︎

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon