Love, Friendship, God part 2

29 2 0
                                    

Love, Friendship, God part 2

Unang taon ko sa Italy, syempre homesickness, lagi akong umiiyak kasi namimiss ko si nanay at tatay sila ate at kuya. Buti na lang may ym na si kuya rey nun at nakakamusta ko sila pati si cecil. Sya nagbabalita sakin ng mga ganap sa tropa.
2008. nagbalikbayan ako. Nagkita kami ni cecil, na hanggang nung mga panahong yun eh hindi pa rin makaamin na babae rin ang gusto nya, napagkwentuhan namin yung sa admirer ko. akala ko okay na, na kung sino man yun naka move on na sya sakin. That time po hindi pa ko ulit nakikipagkita sa iba naming tropa. Andun pa rin kasi yung takot ko. lalo po at nung bumisita kami ni cecil sa dati naming bahay, may nakita akong kakilala, nagkwento na may nanubok manunog nung dati naming bahay. Binisita din namin si coach na retired na, tapos binigay nya sakin yahoomail ni Almira sabay sabing single pa kapatid nya hanggang ngayon at nasa abu dhabi, caregiver na. Pag-uwi kong pangasinan, sinama ko si cecil, tapos kantsawan ulit kasi bakit hindi ko pa raw ligawan eh hindi na kami bumabatang pareho. Picture picture kami. Grainy pa yung mga kuha ng camera ng phone noon pero tuwang tuwa kami kasi pwede ng iprint agad hintay lang ng konti. Tapos pagbalik namin ng manila, nalaman ko na yung ka officemate nya, may crush din sakanya, babae, kaso nga natatakot sya na baka pag sabihin nyang the feeling is mutual gurl mahusgahan sila ng todo. Kaya ang ginawa ko, nakipagkita ako ng sikreto sa crush nya at sinabi ko yung nararamdaman ng bestfriend ko. nahampas ako ni cecil, nakalmot, namura pero all worth iit kasi for the first time nakita kong masaya sya ng totoo. Nagsama na sila agad pero yun nga sikreto pa rin na sila pero masaya talaga sila. Kahit ako masaya.
Pagbalik kong Italy, nagbukas agad akong ym ko, sinabi ko kay cecil na nakarating na ko tapos sabi ko si Almira eh kokontakin ko. nagulat lang ako kasi nagreply sakin si Almira nay un nagsosorry kasi ganun ginawa nya. ilang linggo bago magreply sakin si cecil pero ginawa ko syang journal ko kasi lahat ng progreso sa naudlot na love story namin ni Almira sakanya ko kwinekwento. Sabi nya masaya sya para sakin at madedevirginized na ko na sungaban ko agad si Almira oras na magkita kami. Sinagot ako ulit ni Almira, dalawang taon hinintay bago kami ulit nagkita at sa dubai kami nagkita. Doon na rin ako nagproposed sakanya, nung nagyes sya sa sobrang tuwa ko, sinabi ko kay cecil tapos sabi ko uuwi kami ng pilipinas. Nagulat ako sa sagot nya. wag Richard. Kung bestfriend pa rin turing mo sakin, wag na wag kang uuwi ng pilipinas hangga’t hindi ko pa nahuhuli kung sino yung admirer mo. hindi ko sya mapilit na magsabi sakin sa ym. Nag-aalala ako sakanya kaya sinabi ko kay Almira na next year na kami papakasal kasi gusto ko talaga sa pilipinas ikasal. Pumayag naman sya natatakot din sya kasi ang omninous daw ng message ni cecil. Kaya mula dubai, nagpapilipinas kami  na hindi alam ni cecil. Tinawagan ko sya nung nasa naia na kami. sobrang pagmumura nya sakin pero sinundo pa rin nya kami, si coach sya sumundo kay almira. namayat sya na nangalumata. Hindi na sya sa apartment nya dati nakatira, sa condo na, na kailangan kong mag iwan i.d sa lobby para papasukin ng guard, pinicturean pa ko sa opisina. naabutan ko si venice, yung partner nya. binilin nya ko kay venice dahil nga may trabaho sya at sa field sya that time. Pag alis nya kinausap ako ni venice kung nasabi na ba sakin ni cecil kaya ako umuwi. Sinabi ko sakanya na kaya ako umuwi dahil ayaw magsabi ni cecil sakin.  may pinakita sakin si venice, yung mga pictures namin nila cecil at nila nanay sa pangasinan. Sabi ni venice alam na nya yung tungkol sa admirer ko. nalaman nya sa mahirap na paraan. Doon daw sa dati nilang tinitirhan, pagkatapos ng undas, na kaalis ko lang nun, nung dumalaw yung mga tropa namin ni cecil. Yung mga picture na yun naka collage sa iisang frame na nakasabit sa ibabaw ng cabinet ng tv. Sabi ni venice masaya sobra tapos nung makita yung picture collage na yun, naglabasan na ng sama loob kasi parang nakalimot na raw ako. November 4, sya umuwi sya sa probinsya nya sa samar. Si cecil din daw dapat uuwi sa probinsya namin kaso hindi natuloy at daddy pa nya ang dumayo sa manila para may magbantay sa ospital. Pagkahatid sakanya ni cecil sa barko, umuwi si cecil sa apartment nila at dun may sumaksak sakanya. Napaupo ako nun kasi nahilo ako sa gulat. Naisip ko kaya pala ang tagal bago sya makapagreply sa mga emails ko. kasi nasa ospital sya. May kinakalkal pa si venice tapos para akong mahihimatay, kasi pink na envelope. Ang nakasulat sa loob, mang aagaw. Lumipat sila ng tirahan nay un nga condo na. walang ibang pwedeng bumisita sakanila bukod sa pamilya ni venice at daddy ni cecil. Naging goal na ni cecil na malaman kung sino yung hayop na admirer ko. umiyak ako sa harap ni venice kasi sa lahat si cecil yung nakakawa ng hayop nay un at naiinis ako sa sarili ko kasi ako nagsasaya tapos bestfriend ko ginagawa lahat para maging ligtas ako at madevirginized na. Kaya pagbalik ni cecil nag usap kami. Sabi ko hindi ako magpapakasal hangga’t hindi namin nalalaman kung sino yung hayop na yun. Akala ko maiintindihan ako ni Almira pero for the 2nd time around ayun nakipagbreak sya. Masakit. Pero tinanggap ko kasi ang gago ko rin naman talaga. Pero sabi ko ipupursue ko sya ulit kung pupwede pa oras na malaman ko kung sino yun. Sinabi namin plano namin kay kuya rey. Tapos sya yung nakaisip kung papaano ang gagawin. Dahil lalaki ang alam nila cecil na admirer ko, sila alen, Julius, owen, marlon, Bernard at zach yung pinuntirya namin. nag-email ako sakanila na nagsosorry ako. Isa isa ko silang kinita sa magkakaibang bahay, yung mga bahay, si cecil ang bahala dahil nasa linya yun ng trabaho nya. si owen, julius at marlon ang inuna namin kasi sila katulad ko nasa ibang bansa na, umuuwi lang yearly sa pilipinas. Tinaon ni cecil na nasa bansa sila. Magkakaibang linggo ko sila kinita kasama si cecil. Sa loob ng dalawang buwan, walang dumating na na pink envelope sa mga bahay na yun. Nung mapatunayan naming hindi sila, sinama na namin sila sa plano syempre pagkatapos humupa ng init ng ulo nila sakin kasi bakit daw sila eh hindi naman sila bakla. Kaya lang, nung itutuloy na namin yung plano kila alen, nag-away si cecil at venice. Buntis si venice tapos hindi nya sabihin kung sino yung ama at nakikipaghiwalay sya kay cecil. Sabi ko nun kay cecil na sobrang depressed na, sama na lang sya sakin sa Italy kakausapin ko si ate. Hayaan na lang namin yung admirer ko, kami na lang lalayo. Bago ako bumalik ng Italy hinatid ko sya sa daddy nya tapos nung nasa Italy ako kinulit ko sya nang kinulit na doon sa Italy marami akong kilalang chikababes na chikababes din ang gusto kaya mag ayos na sya ng papeles nya. eventually nag ayos din sya ng papers nya tapos nakasunod sya. tapos nafall na sya. Sakin at ganoon din ako sakanya. 2015, nagbabalak kaming umuwi ng pilipinas nung makatanggap ako ng message sa fb galing kay marlon. May sinend syang picture. Picture ng relo. Yung relo na katulad na katulad ng relo na bigay sakin ng admirer ko. nung isinama na kasi namin sila sa plano, kwinento ko lahat lahat.   nag effort pa ko talaga na ipakita kung anong itsura nung font na sinasabi ko. sabi nya pare hulaan mo kanino ko nakita ito. Pabitin pa ang gago si cecil na nagtanong sakanya.

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon