Carrier
Mahaba 'to and feeling ko hindi ko masyadong maikukwento ng maganda. Ewan ko, sa tuwing binabalikan ko kasi 'to at nababanggit sa iba, naninikip pa din ang dibdib ko and hindi ko pa din maikwento ng maayos. Pero susubukan ko, sana lang maintindihan niyo.
Its been a year simula nung mangyari sa'kin 'to. Grade 11 ako no'n, 2017. Sa probinsya ako nag-aaral. May possibility na may makakilaka sa'kin dito dahil nangyari 'to sa classroom namin. Ilan sa mga kaklase ko, naistorbo ko dahil dito. Kaya tiyak akong maaalala nila dahil kapag wala kaming ginagawa no'n every lunch break, hobby namin ang pumunta sa page na 'to at magbasa.
Wayback January 2017, sobrang depressed ako noon. Kapapasok pa lang ng taon pero sunod-sunod na din ang pasok ng problema sa buhay ko. Hiwalay ang parents ko, pinipigilan kaming makipagkita sa Mama ko, nag-away kami ng Lola ko and nagalit sa'kin ang buong family side ng Papa ko to the point na halos itakwil ako ng side ni Papa, and madami pang problema. 'Wag niyo akong husgahan dahil nagaway kami ng Lola ko, alam kong mali, pero hindi ko naman sinasadya 'yun, hindi ko gusto. Sadyang mali lang ang pagkakakwento niya sa mga anak niya kaya naman nagalit sila sa'kin ng todo, hindi ko naman sila masisisi na kay Lola sila kumampi dahil nanay nila 'yun, pero hindi 'yun about dito.
Naalala ko no'n, sabi ng Mommy ko (lola ko, mother's side) habang nanonood kami ng Exorcism, madalas daw na ma-possess ang mga taong may dinadalang problema, 'yung mga depressed, 'yung mga taong mahina dahil 'yun daw ang nagpapalakas sa bad spirits, and 'yun din ang nakikita nilang way para mapasok ang katawan mo.
Hindi na 'ko natakot, dahil madalas naman akong makakita, makakausap at makaramdam ng mga unusual na bagay na tanging may mga third eye lang daw ang nakaka-experience. Hanggang sa mangyari sa'kin 'to.
Transferee student ako sa school na 'to. Wala akong ibang alam na history ng school bukod sa isa, ang kinatatayuan ng building ng classroom namin ay medyo haunted. Nabanggit 'yun ng kaklase ko nang minsang nagsabi ako na may nararamdaman ako.
Hindi na bago sa'kin, simula bata pa lang ako, nakakakita na 'ko. Nakakaramdam, madalas nakakakausap. Nakakatakot, oo. Pero hindi naman palagi. Thank God na lang talaga dahil since nung nangyari itong ikukwento ko, medyo nabawasan na ang mga nararanasan ko.
Eto na. Alas tres ng hapon, bumaba kami sa classroom namin galing sa Science Laboratory dahil wala naman 'yung teacher na magtuturo sa'min. Sa bandang dulo ng classroom kami nakaupo, pagkadating namin do'n ay binaba ko na ang bag ko. Umupo ako sa upuan ng katabi ko, tapos 'yung bestfriend ko naman ay sa upuan ko umupo, then tumabi sa kanya 'yung isa ko pang bestfriend. Bale ako, si Ulan at Ikang (hindi nila mga totoong pangalan) ang magkakatabi.
Naglalaro no'n ng isang mobile app game si Ulan kaya naman pinagmamasdan ko lang siya. 'Yun kasi ang libangan naming tatlo, nagpapagalingan kami sa paglalaro no'n. Nagsasalitan at nagtatawanan pa kami ng mga time na 'yun nang biglang tumayo 'yung mga balahibo ko.
Nakaramdam ako ng lamig, pero hindi ko pinansin. Hindi naman kasi masyadong malakas, kaya binalewala ko. Pero ilang minuto pa, halos hindi na tumigil sa pagtayo ang mga balahibo ko kaya naman nagreact na 'ko.
""Tangina, ano ba 'yan. Bakit parang kinikilabutan ako sa nilalaro mo, Ulan?""
Unang tumingin si Ikang sa mga braso ko, natawa pa nga siya no'n, ""Baka napagti-tripan ka ni Bes."" sabi niya, pero ang sinabi ni Ulan eh baka daw natatae lang ako. Ipinagsawalang bahala ko 'yun pero tangina hindi pa din tumitigil pagtaas ng balahibo ko, and nilalamig na 'ko.
""Gago, hindi na biro 'to."" Nagpalinga-linga ako sa buong classroom namin, pero wala akong nakikita. Nakapatay pa ang mga ilaw no'n, pero wala talaga. Naalala ko na sinasabi nilang may nagpaparamdam sa CR no'n kaya do'n ako dumiretso.
BINABASA MO ANG
[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorreurAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.