Time / Dimension Portal?
Story ito Ng Lolo ko na nakwento sa akin ng mother ko.
Tubong ilocos Ang pamilya Ng Mama ko, isa sa mga trabaho doon ay Ang pagsasaka at pagaalaga Ng hayop,Isang umaga nagpastol Yung Lolo ko sa bukid dala Yung mga alaga nyang kambing, madalas Yung mother ko hahatiran sya Ng tanghalian sa bukid, pagdating nya sa bukid di nya nakita Lolo ko so ipinaalam nya sa Lola ko, naghanap sila at nagtanong Tanong narin sa mga kapitbahay pero di nila nakita.
Ipinaalam narin sa Kapitan Ng barangay Yung pagkawala Ng Lolo ko.2days later umuwi sa bahay Yung Lolo ko pagod at gutom na gutom.
Nagtanong Ang Lola ko Kung saan sya galing? Hindi kagad nakapagsalita Ang Lolo ko at nagpahinga saglit,
At noong nagsimula na syang magkwento, nanahimik silang lahat." May mestisong batang lalaki sa bukid na naglalaro at inaya akong maglakad may ibibigay daw sa akin, sinundan ko sya, nakarating kami sa dalampasigan, nadaanan din namin Yung sementeryo sa bayan ( 3kilometer Ang layo sa bahay ) Hanggang doon sa " maliwanag na Lugar puro puti Ang kabahayan" madami ako nakita at nakakausap ko Yung mga tao na kalugar nung bata, normal Ang pisikal na itsura nila pero, kapag tumatagal parang Hindi sila Tao at kauri natin?
"Makalipas ang ilang sandali,Lumapit ulit ako sa batang kausap ko kanina, sabi ko ay uuwi na ako"
Sumagot daw Yung Bata
"Hindi ka ba masaya dito? "
Sumagot Lolo ko
"Hinhintay na ako Ng mga anak ko, Walang magluluto sa knila Ng hapunan"Ang huling naalala Ng Lolo ko pumasok daw sya sa isang pinto, paglabas nya nsa tapat na sya Ng bahay namin sa probinsya
( Dalawang Araw sya nawawala , ngunit ilang Oras lang Ang lumipas Kung saan man na dimension sya napunta ) 😳😳
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2022▪︎
BINABASA MO ANG
[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HororAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.