KINULAM (my bestfriend) 3

30 1 0
                                    

KINULAM (my bestfriend) 3

Part 1
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=528450377896570&id=218238752251069

Part 2
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=528456214562653&id=218238752251069

Inalalayan nya kong tumayo, tapos naglakad na lang kami tutal malapit nalang naman na yung pupuntahan namin. Nung matapos na kaming kumain, nag commute na kami pabalik sa boarding kasi nilalamig na ako nun, pinag ayos ako ni kuya zar, yung dalawa sarap pa rin ng tulog tapos si Jay umuwi na sa boarding house nila para daw mag ayos na din, sasama daw sya sa hospital, papacheck up daw ako.
Naadmit ako sa hospital, dengue positive. Nung nasa room na ko, bumalik sa boarding si kuya zar para kumuha ng gamit, nagpakuha na rin si jay ng gamit nya, nasabihan na din nila sina mama, pero gabi pa daw sila makakapunta kasi hindi daw pwedeng mag undertime si mama sa trabaho nya tsaka si papa nasa byahe padaw, pauwi. Yung room na kinuha nila for me e private, so kami lang nandon, sa my wall sa paanan ng bed ko my tv set, tapos sa my baba non andon yung aircon, tas sa my right side ko bintana, pero hindi naoopen, my kurtina lang, tapos malapit sa my pintuan yung Cr, tapos sa my left side nung tv eh cabinet, dun yung mga gamit tapos sa tapat ng cr malapit din sa door, yung table tsaka dalawang upuan, tapos sa my side ng bed ko,sa my left side, isang sofa, yung mahaba,yung parang cleopatra ganon. Habang inaantay namin si kuya zar, pumasok yung taga dietary, nagbigay ng foods, para sakin tas isang bantay, ayokong kumain ng pagkain sa ospital,  kahit din si Jay ayaw nya din daw, pinatapon ko nalang tapos sabi nya antayin nalang daw namin si kuya zar kasi nagpabili daw s jay saknya. Actually ayaw nung guard sa ospital ang magpapasok ng may dalang foods, lalo sa mga inn patients, kasi daw baka macontaminate ng mga bad bacterias tapos pwede daw pagsimulan ng sakit yon, e di nakiusap sa kuya zar tutal sa private room naman daw kami, e d sige nalang yung guard. Di ko lang alam kung totoo pero umacting acting nalang daw si kuya zar sa my guard tapos nag iwan sya ng ID, tapos pina list nadin daw nya si Jay na isa sa mga bantay ko. Tapos naligo kami, salitan syempre. Pumwesto si kuya zar sa  my sofa tapos si Jay sa tabi ko. Kasi kasya naman kahit tatlong tao sa bed basta siksikan 😅. E d ayun nga natulog muna kami, tapos mga bandang 3 ng hapon, nagising ako kasi tinatapik ako ni Jay, kukuhaan pala ako ng dugo ulit para daw mamonitor yung blood platelets ko, yung feeling na ikaw yung tinuturukan ng injection pero iba yung umaaray!. 🤣 i still remember how kuya zar looked that time, natatawa yung nurse non sa ichura ni kuya zar,kasi nakangiwi sya na umaaray, nakahawak pa sya sa braso nya, tas nung natapos na yung nurse, hinarap si kuya zar tsaka sinabihang bakla tsaka lumabas, napaayos naman ng upo pati tindig si kuya zar non ,tsaka sinabing "mas gwapo kasi ako sa jowa non eh" sabi nya sa sarili nya. tapos tumawa lang kami ni Jay.
Mga 9pm na nakarating sila mama, nakakain na kami non, nakapag ayos na din tapos nabigyan nadin ako ng gamot, nasa my table kami non ni Jay, ginagawa namin yung sa 2nd at final page nung research paper namin, tapos si kuya zar sya nung nakahiga sa bed tas nanonood. Hindi naman nagtagal sila mama. nakiusap nalang kila Jay at kuya zar na daw muna ako don dahil si mama my seminar pa sa baguio kinaumagahan at si papa naman need alagaan si bunso namin, tsaka walang tatao sa bahay, nag iwan nalang sila ng panggastos namin.  Pagkaalis nina mama, nag ayos na din kami para matulog kasi bawal pa daw ako magpuyat, this time mas pinili ni Jay na mahiga sa my sofa, tapos si kuya zar sa tabi ko. Hindi rin ako nakatulog ng maayos dahil maya't maya kung kunin ang body temperature ko, tapos monitor sa Bp ko. Kinabukasan, pag gising ko wala sila Jay at kuya zar, si kim at nandro nakita ko, nakaupo sa my sofa tapos kumakain nung binili ni kuya zar na mga junk foods na ayaw din naman ipakain sakin. napansin ako ni nandro na gising, inabot nya sakin yung naka styro,  ilin daw ni Jay yon, itinabi ko muna yon, tapos nag cr, inalalayan ako ni kim. Tapos naligo na din, habang nagbabanlaw ako ng katawan ko, my napansin ako sa salamin, parang bata na nakaupo sa my kubeta, tingin ako sa kubeta wala naman, tapos nung tinignan ko ulit sa salamin, nawala. akala ko guni guni ko lang, so binilisan ko na lang magbanlaw, tapos nung lalabas na dapat ako, napatalon ako kasi my humawak sa my hita ko ,sobrang lamig. tas binitiwan din agad, tas ayaw pa mabuksan nung door, tinawag ko na sila nandro at kim, buti nalang nabuksan ni nandro yung pintuan, tapos inalalayan nya kong makaupo sa bed ko, tapos tinanong kung anong nangyari, e d inisip ko na baka pag sinabi ko yung nangyari, baka iwan nila ako. takot ko lang mag isa don, sabi ko nalang wala. Si kim nakihiga sa bed ko kasi inaantok daw sya, pinalipat ako sa sofa ,tas si nandro, sinaway ko kasi mauubus nya na yung binili ni kuya zar" san sila pumunta?" tanong ko. "si jay namili ng foods nyo, bayaran mo nalang daw pag dating nya tapos yung isa pupunta daw sa school, my practice daw sila ng sayaw" sagot naman ni nandro. Mga ilang oras din bago nakabalik si Jay sa ospital, dun na din sa ospital kumain yung dalawa.
Then after nilang kumain, nagpahinga sila saglit, kwentuhan then usap usap about sa research papers namin, umalis na sila kasi hapon na non. Gabi na nung makabalik si kuya zar sa ospital, sabay sabay kaming kumain. maagang nakatulog si kuya zar, sa my bed ko na sya pinatulog, tas sa my table kami ni Jay,kasi ipafinalize pa namin yung research paper namin, naka on lang yung tv the whole time, nasa ibabaw ng cabinet yung remote, tas nag cr si jay, then patakbo syang lumabas, tapos nagmumura sya. then balik sya sa upuan nya, sa my tabi ko, tinanong ko sya anyare, sabi nya, nung nagflush sya my humawak daw sa kamay nya, tas kaya ayun tumakbo daw sya palabas, di na daw nya nakita kung ano itchura, tas kinwento ko saknya yung nangyari nung naligo ako, tapos sabi nya, "si kuya sherwin nga, kasama ko kanina e, kaso pag akyat namin nung nasa nurse station na kami, bigla syang tumigil tapos nakayuko lang sya, tinatanong ko bakit, di sya nagsasalita, kinuha nya phone nya,tapos my tinype,tas nag ring yung phone ko,pagtingin ko,sya pala nagtxt, e d sabi ko, kabaliwan mo dmo pa sabihin nalang, tapos sabi nya, basta buksan mo!" eh di binasa ko, tapos tang ina halos umakyat yung dugo ko sa ulo sa tinext nya. parang na estatwa na dn ako, hindi na ako makakilos, sinitsitan nya ako, tas nagsenyas na uuwi nalang daw sya. pipigilan ko pa sana sya kaso kinilabutan na ako, e d yun tumakbo nako papasok dto. Juskooo chin, akala ko maiihian ko na shorts ko kanina" kwento nya sakin, natawa ako. "hala ka, baka sinundan ka tol!" pang aasar ko saknya, tas pinandilatan lang nya ako ng mata, tapos napatingin ako sa my bintana kasi nahawi pala yung kurtina, nung mapansin kong parang my gumagapang pababa sa labas ng bintana, nung marealize kong mga kamay yon, napaatras ako, tapos si Jay,tumingin sa bintana din, napatayo sya,tapos yung kalahati nung katawan nakikita ko na, kumapit ako sa braso ni Jay,nanginginig nako, tapos saktong my nag open sa pintuan e nasa my likuran ko yung pintuan, halos talunin ko na yung pagitan namin ni Jay, tas pati sya nagulat din pala, tapos yung nurse dipa pumasok agad, napatingin sya sa my bintana, dirediretso sya don tapos inayos nya yung kurtina, tapos napaupo si tol, imbes na ako ang asikasuhin nung nurse, si Jay na inasikaso namin kasi sabi nya, masakit daw yung ulo nya,tas nahihirapan daw sya huminga kasi bigla daw naninikip dibdib nya,
Tapos napansin ko,paghinahawakan ko sya,nalubog yung kung saan ko hinahawakan, hindi yung usual or normal sa isang tao,basta ganon, tapos si ate nurse naman, sinabi nya di daw nya maramdaman yung pulse nya, tas kinuha nya yung steth nya, inutusan nya si tol na humingang malalim, ginawa nya naman, tas sabi nya,yung rythm daw ng heart nya iba, so mejo nagpanic nako non, tas pinindot nya yung red button sa my ulunan ng bed ko, tas mayamaya dumating yung doctor na nagvivisit sakin everyday, tapos si Jay parang lupaypay na sya non,nakaupo lang sya pero nakapikit tapos yung tipong hinang hina sya, or wala sya ng lakas ,ganon na ichura non, nanginginig nako, tapos si kuya zar nagising na pala non dahil komosyon na.nangyayari, tumabi sya sakin tas ako parang natiklop yung tuhod ko, nanghihina tas namamanhid nadin katawan ko non, nanginginig na yung mga kamay ko,inalalayan ako ni kuya zar na.umupo sa bed,inaalo ako , "ano na.? Ano na ba nangyayari ? . ano nangyari sakanya ?" tanong ko nun na mejo naghihisterical tas iyak na din ako, inalalayan nung nurse at doctor si Jay papuntang sofa malapit sa bed ko, si kuya zar pinapatahan ako, tapos nung nailipat na nila si Jay, binuksan nung nurse yung oxygen sa tabi mismo ng bed ko tapos, kumuha nung ilalagay sa ilong para makapsok yung oxygen, ikinabit yun kay Jay, tas ako naman sobrang takot ko nun,sobrang nag aalala ako, sobrang iyak ko na non, tas yung doctor kinuha bp ni Jay, tapos sabi nya "for a meantime dito muna sya para my kasama sya, and under observation sya, i will get back here after a minute, does anyone of you kung sino pwedeng kontakin sa family nya?" tanong nung doctor, tapos sabi namin wala, kasi walang number sila sakin tas naalala ko yung pinsan ni Jay, "ahh doc my pinsan po sya malapit sa boarding house namin, ipapakisuyo ko nalang po sa kasamahan namin don" sabi, "ok, call her or him right away,i have to go now" sabi nya tsaka lumabas na, tapos yung nurse binigay sakin yung gamot ko tsaka kinuhaan ako ng dugo,tapos umalis nadin.
Lumapit ako kay Jay, nakahiga na sya sa sofa, sabi ko kay kuya zar lipat namin sya sa bed, sabi nya wag nalang daw muna namin sya galawin,hanggat walang signal yung doctor, pinatawagan ko kay kuya zar sila kuya Lad para puntahan yung pinsan ni Jay tsaka sabihan na din. Habang inaantay namin yung pinsan nya, pumasok yung nurse ulit, tapos my ipinahawak kay Jay, rosary daw yon, "alam ko nakita nyo yun kanina, at oo nakita ko din yon l, mahirap ipaliwanag pero sa tingin ko itong kaibigan mo ang sinusundan nya, kita mo yan?( tinuro yung pisngi nya) hindi yan taba,mga tubig yan, feeling ko kinukulam sya" sabi nung nurse, naiyak ako sa sinabing iyon ng nurse "ate tulungan mo kami, anong dapat naming gawin para maligtas yang bestfriend mo" pagsusumamo ko saknya,hinawakan nya ko sa kamay tas sabi nya na panalangin ang pinakamabisang paraan para masugpo ang mga demonyo, umiiyak talaga ako nun na parang bata,"pasensya kana pero ang paniniwala ko kasi, hindi makakatulong ang albularyo kasi karamihan sakanila ay galing sa masama, minsan yung iba hindi pag nila alam ,at nabubulag sila ng mga demonyo sakanilang paniniwala about don." dagdag pa nya, hindi ako nakapagsalita non, pagkaalis nung doctor sabi ni kuya zar matulog na lang daw muna ako at sya na mag aantay sa pinsan ni Jay,
Mga ilang minuto lang dumating na yung pinsan ni Jay, pagkapasok nya sa room namin,takbo agad sya kay Jay tas tinatanong anong nangyari, kinwento ko saknya lahat nung nangyari pati yung nakita namin sa my bintana,napamura sya "tang ina, di parin sya tinatantanan!. Mga hayop! Pinatay na nga nila si lolo ayaw pa rin tumigil ! Papatayin ko yung ane na yon ! Hayoop !" nanggigigil n sabi niya, naguguluhan ako sa mga sinabi nya, tinanong ko ano ba tlg nangyari sa lolo nila tas sabi nya,nung umuwi daw dun si Jay non, napansin daw sya ng lolo nila na matamlay tsaka iba daw yung aura nya, e.yung lolo daw nila ay my kakayahan, idk kung anong kakayahan basta magaling daw lolo nila about sa mga supernatural thingy, tapos tinawas nya daw si Jay,at ayun nga naconfirm nya daw na kinukulam.si.Jay, kinontra nya daw yung kulam,nagtagumpay naman daw lolo nya, tapos hndi daw tumigil yung nangkukulam kay Jay, my nangkulam daw sa lolo nila,ang sabi related daw yun sa kaso ni Jay, tapos hindi nakayanan ni lolo kasi malakas daw yung mangkukulam, kaya ayun namatay yung lolo nila ,akala daw nila matatapos na don kasi nga nakipaghiwalay naman na daw si Jay dun sa babae, "king ina, sila ane parin ba my kagagawan!?!" galit na tanong ko "hindi ,hindi pa.namin alam,.andami na naming pinuntahan na mga may dunong pero ayaw nila, sinasabi nila na malakas daw yon tapos yung iba naman ayaw daw nilang madamay kasi baka balikan daw sila" sagot naman nung pinsan ni jay "so nakulam nga?" tanong ni kuya zar," basta diko alam!" sagot.naman nung pinsan nya, tapos si Jay nagising tapos tinanggal nya yung nakakabit sa ilong nya tas bumnagon tas sumuka, puro tubig sa una tapos nung mejo ok na,yung tubig naging yung parang sa kanal, ganon,ang baho.
Tayo yung pinsan nya,pumuntang banyo tapos narinig ko nagsusuka nadin sya, di.nya nakayanan yung amoy, kumuha si kuya zar ng panlinis tas nagtawag ng janitor pati nurse kasi gising na si Jay, pagpasok nung isang nurse (kasama ata nung nurse kanina) lumabas ulit,tapos sinabihan si manong janitor na linisin ng mabuti,pagtapos ni manong linisin yun tsaka pumasok yung nurse,wala na yung amoy kanal na parang nabubulok, chineck nya vitals ni jay, tas sabi nya ok na daw, dina binalik yung oxygen , tapos sinabihan syang di na sya need iadmit pero need ng tests bukas sakanya, yun daw yung sabi ni doc,
Tabi sina Jay at pinsan nya sa sofa nakaupo , "anong nangyari Jay?" tanong nung pinsan nya sakanya "wala, bumalik kana sa boarding nyo, kaya ko na to" casual na sagot ni Jay sa pinsan nya "magsabi ka nga ng totoo !?,kayo pa ba !?!" galit na tanong nung pinsan nya, nakikinig.lang kami ni kuya zar ,syempre gusto kong malaman yung totoo, yumuko si Jay "tang ina naman ! Umalis kana nga dito!. Magpapahinga na kami , si chin kailangan na dn matulog! Si zar pagod yan sa practice nila" naiinis na sabi Jay , padabog na umalis pinsan nya, pero bumalik sya pero sa my pintuan nalang sya "sasabihin ko to kay anti !" sabi nya tas si Jay hinablot nya yung kamay nung pinsan nya "wag na wag mong gagawin yan!"nagbabanta na si Jay non, "bahala ka sa buhay mo Jay!! Ang tigas ng ulo mo!!!!" sigaw nung pinsan nya saknya tsaka umalis na, sinara ni Jay yung pintuan, humiga sa sofa, si.kuya za humiga na din sa tabi ko tas ako nahiga nadin, "yung kanina, di ko alam.kung panaginip yun o lakbay diwa, nakita ko si lolo, dinadasalan nya ako, nakita ko din kayo pati yung katawan.ko na inaakay nung nurse at doctor, my nakita din akong bata, pero nasa ilalim ng kama mo, (natakot ako that time,ni halos ayaw kong lumampas yung paa ko sa bed non,si kuya zar sumiksik na din sakin) pero biglang tumakbo papuntang cr, siguro na jan pa sya ngayon kasi diko na sya nakitang lumabas eh, my bumabalot na kulay itim na usok sa katawan ko kanina, nakita ko yun , tapos si lolo nasa tabi ng katawan ko, dinadasalan yung katawan ko, tapos my humila sa akin, pero bigla narinig ko si lolo sa utak ko na wag daw akong sasama kahit kanino at kailangan ko na daw makabalik sa katawan ko kundi, di na daw ako makkabalik at aagawin daw ng demonyo yung katawan ko, natakot ako ,kasi bigla andami ng mga kamay nag naghahatak sakin, diko makita yung buong katawan nila, nahila nila ako palabas ng kwarto tapos dun,binitiwan nila ako , andami nila dito, lalo sa labas ng kwarto , nakatingin lang lahat sila sakin tapos naalala ko yung sinabi ni lolo sakin, tumakbo agad ako pero my humila ulit sakin, sa paa ko pati sa damit ko, tapos nakita ko yung nurse, pumasok sa kwrto ,tinatwag ko sya pero inisnob nya lang ako, di ko alam kung nakita nya ako, tapos naririnig ko sya ng nagsasalita ,naririnig ko yung sinasabi nya sainyo, my sumasakal nadin sakin non, tapos nung lumabas sya, nakita ko, tumingin sya sakin, pinipilit kong kumawala sa mga nakakapit sakin lalo na yung sumasakal sakin, nakita ko pinsan ko pumasok,tinawag ko sya pero di rin nya ako pinansin, tapos naisip ko mag pray , pagkatapos nun nagising na ako" kwento nya, "e tol ,ba't ka nagsuka ang baho baho parang galing sa kanal tska amoy nabubulok na ewan" sabi ko saknya, di nya daw alam. Pagtapos nun diko namalayan na nakatulog na pala ako,
Nagisingan kong humihikbi si Jay,bumangon ako ,tas tinanong ko bakit sya naiyak? "Sinisipon lang ako,ang lamig kasi eh" sabi nya pero di ako naniwala "sige magsinungaling kapa sakin! " sabi ko sakanya, umiling lang sya, tapos  lumapit sya sakn, niyakap nya ako, tapos hinayaan ko lang sya, umiyak sya ng umiyak, hindi ko alam kung ilang oras syang ganon, kahit nung kumalas sya sakn tas naupo sa sahig, iyak padin sya, "para ka ng timang!. Wag kang mag aalala maganda padin naman ako" biro ko saknya, umismid sya "kahit maghubad ka pa sa harapan ko, hinding hindi ko parin mahahanap kung san parte yang sinasabi mong Ganda mo, kahit nga pag uugali mo di kagandahan eh" sabi nya pero nahinto na sya sa pag iyak, nagpupunas na sya ng luha nya non, tas tumabi sakn sa kama, si kuya zar konti nalang malalaglag na sya, humiga ako pero unan ko yung lap nya. Then sinabihan nayokong matutulog na daw sya, sa my sofa na sya pumwesto tapos ako nahiga nadn.

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon