I can't say na fully gifted ako pero majority of my experience is with apparitions talaga pero hindi palagi.So one of my stories happened when I was about 12 or 13. Mahilig ako sa anime that time to the point na sumasali ako sa cosplay. Syempre event, usually madaling araw na ko nakakauwi kapag may convention (2-3am) kasama ko cousin ko pero medyo nauuna bahay namin sa knila so hndi na sya bumaba ng trike
Just to visualize ung apartment namin dati, from kalsada papasok ka sa eskinita na masikip. As in kasya lang 2 tao magkasalubong at walang streetlights kasi magkakaharap lang ang bahay at compound. So the only light illuminating is yung sa mga TV or bahay na bukas pa.
Expected ko ng madilim kasi nga 2 or 3am na nun and I am so used to seeing aparitions although hindi nga sya lagi.
So naglalakad ako papasok ng eskinita. I am halfway through nung nakasalubong ko bff ni mama na nakatira sa kabilang eskinita. Si kuya J mga nasa early 30s nya that time and kilalang tambay. Inaabot sya ng umaga sa labas sa may kanto ng eskinita kasama mga barkada nya. Natigil lang yun nung magkasakit sya (hindi ko po alam ano sakit nya)
So going back, pabalik balik sya sa ospital nun so bihira ko na sya makita. Until that night na makasalubong ko sya.
Malayo pa lang alam ko ng sya dahil sa built ng katawan and ung itsura nya parang umiilaw. Not sure if kaya ko iexplain pero parang nasisinagan ng ilaw buong katawan nya. Ganun ung dating.
So nagkasalubong kami, binati ko pa.. Sabi ko gabing gabi na nasa labas ka pa eh kakagaling mo lang ata sa sakit. So sya naman nag nod lang na nakasmile pero malungkot mata nya so sabi ko medyo weird.
Tapos nung nakalagpas na sya sakin, napansin ko na parang may tubo sya sa leeg na pinutol. Hindi ko naman masyado inisip kasi antok at pagod na ko until knabukasan
Nag aalmusal kami ni mama nung tanungin ko kung nakalabas na ba si kuya J sa ospital. Sagot nya sakin bakit daw. So sinabi ko na nakasalubong ko kgabi
Ganun na lang takot nya nung sinabi ko yun kasi unang araw daw ng lamay ni Kuya J ngaun. D na daw nakayanan at bumigay na.
Simula nun iniwasan ko ng umuwi ng ganung oras 😂 actually may iba pang instances sa iskinita na yun na naexperience ko pero next time ko na ikwento
Thank you in advance Admin ✨
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2022▪︎
BINABASA MO ANG
[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
TerrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.