Part 1
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=344300589644884&id=218238752251069
Sir part 2
Takot na takot akong naglakad pauwi ng bahay. Paulit ulit kung inisip ang mga sinabi ng papa ni Jerod samin. Maging si Jerod ay nawierdohan nadin. Tinanong ko ang papa niya kung ano sunod na nangyari pagkatapos noong hindi na nakauwi ang kanyang classmate na tawagin nlng natin sa pangalang Maureen. Bukod daw sa mabait at maganda si Maureen ay matalino daw ito sa klase kaya naging paborito siya ni Sir Albert. Napapasin din nilang palaging nagpapatulong ang kanilang guro kay Maureen na maglinis pgkatapos ng klase. Natatandaan pa ng papa ni Jerod na nung araw na nawala si Maureen ay ang araw na nagpatulong si Maureen kay sir Albert na tapusin ang ginagawa nitong rag yarn na project,kaya sinabihan siya ni Sir na tutulungan daw niya ito pgkatapos ng klase kaya daw magpaiwan ito. Nagtataka din siya kung bakit nagtuturo padin daw si sir albert kahit na may katandaan na ito,nagsabi kasi sa kanila si Sir dati na mag reretire nadaw siya at the age of 60. Those were my thoughts all throughout the weekend.
Monday morning ng parang may anong kaba akong naramdaman as I walked papuntang school (walking distance lang kasi school namin mga nasa 400meters). Tulala ako at di mapakaling iniisip kung papasok ba ako ng Epp mamayang alas 3 ng hapon. I woke up from my thoughts nang may biglang gumulat saakin habang naglalakad ako papuntang gate. Si Mia. Nagtataka akong nakatingin sa kanya, bumalik na yung dati nyang masayahing aura na para bang walang nangyari. Hindi din siya nagbanggit ng mga nangyari noong byernes kaya hindi ko na din sya kinausap tungkol dito dahil mukhang hindi naman nya natatandaan.
Alas 2 na ng hapon mas lalo ang kaba ko dahil isang oras nalang ay alas 3 na, busy naman ang mga kaklase ko sa pag tothrowback ng mga nangyari noong byernes.Dahil sa kaba ko ay naiihi ako at pumunta sa cr,pero timing na ni lock ito ng teacher namin dahil barado daw at may kakaibang umaalingasaw na amoy kaya dun daw muna ako sa Filipino Faculty nila mag cr at mag excuse lng sa mga teachers,sabihin ko daw na sira daw ang cr namin at dun ako pinapa cr ni ma'am. Pagpasok ko ng Faculty room ay nandun si Mrs. ( ) at Mrs. ( ) sila yung mga may edad na teacher ng Filipino, kasama si Ms. ( ) na bagong teacher. Huminto sila sa pag-uusap at tumingin saakin, sinabi ko naman na sira nga cr namin tapos seninyasan lang ako na pasok na. Pagkapasok na pagkapasok ko ng cr narining kong nagsalita yung pinakabatang teacher pero mahina ang boses nya at baka marinig ko siguro sila. Nagtanong si Miss ( ) kung totoo bdaw na sinapian yung estudyante sa Epp noong Friday o baka ay may Family problem lang daw at nagdadrama. Sinagot naman siya ng nung matandang teacher na hindi nadaw bago sa kanila taon2 sa loob ng 13 years na may nasasapiang estudyante ni Sir albert at nagsimula daw yun noong may isa syang estudyante na nawala at din bumalik. Pinaghinalaan nadaw si Sir Albert ng head ng faculty nila dahil sa school lang huling nakita ang bata ng mga kaklase nito at last subject din nila ang Home economics pero wala naman silang solid evidence na may kinalaman siya sa pagkawala ng isang student. At saka maganda daw ang record ni Sir Albert.Nagiging laman din daw ng mga tsismis ang favoritism nito pero pili lang, isang estudyante lang sa isang taon kung meron man itong paborito.Pagkatapos nung nawalang estudyante ay halos taon-taon na may nasasapiang estudynte si Albert kaya nilalayuan siya ng kapwa guro dahil baka daw may sa demonyo ito. Pero hindi siya kailanman naapektuhan sa mga tsismis at nagpatuloy padin ang magandang performance nito sa skwelahan. Nagtanong naman ang bagong teacher kung totoo badaw na manyakis si Sir Albert. Sinagot naman sya ng isang teacher na hindi nya alam pero meron naman daw pamilya ang guro at mga anak na babae kaya bakit daw siya gagawa ng mga bagay na ikakasira ng reputasyon niya at nang paaralan. Lumabas ako ng banyo, nagtinginan ang mga guro saken at tinanong ako kung tumae badaw ako dahil ang tagal ko. Nahiya ako at yumuko, hindi naman ako tumae, nakinig lang ako sa tsimis niyo, bulong ko sa sarili ko.Part 1
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=344300589644884&id=218238752251069
Part 2
BINABASA MO ANG
[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.