Hi, new here sana maapprove 🤞🏻
Possible ba talaga mag sleepwalk?
Way back 2017 Up until now, palaisipan padin sakin yung nangyari that night, I was 18 years old and may dalawa akong pamangkin na naki sleep over sa kwarto ko, yung kwarto ko natutulog nako don mag isa since 10 yrs old palang sinanay nako ng grandparents ko and worst experience ko talaga gabi, gabi akong nassleep paralysis patay, o nakasindi ilaw, may music may tv o wala every night talaga sinabi ko sakanila pero sabi wag ako matulog mg busog pero ganun pdin yung naririnig ko parang latin na boses na babae nagdadasal nasa tenga ko talaga tapos shadow sa kisame mga bata nakatingin na red lang yung mata, everynight yon like di ako makahinga at kala ko mamatay nako parang totoo nasa paligid ko at di makagalaw mata lang gumagalaw nakadilat ako nakikita ko yon 😭 kaya iniisp ko kung talaga may multo ba talaga sa room ko o nag ssleep paralysis lang ako at nasa utak ko lang lahat?
So eto na after ilang yrs hinayaan konalang na ganun pag aatake edi bangon nalang ako ulit tapos magdadasal at d matutulog ng busog pero madalas padin mangyare kaya d ko alam kung haunted ba talaga yung room ko, lately nalalabanan ko pa pero pa worst ng paworst nahihirapan ako bumangon at gumising.One night nag sleep over yung mga pamangkin ko sakin isang 7 years old at isang 6 yearsold parehas babae , first time ko mag patulog sa room ko then that night nauna ako magsleep around 11pm dahil silang dalwa naglalaro pa ng gameboy, sa lapag sila natulog ako sa kama ko sakto lang yung laki ng room ko at madilim pero may lamp ako nakabukas.
Pagkagising ko ng umaga mga 8am
Wala sila sa kwarto ko, hinanap ko sila sa baba
Sabi ko “o bat ang aga nyo nagising?” Sabi nila “ate pano nananakot ka kagabi, di kami makatulog, dito nakami natulog sa baba nung madaling araw kasi antagal mo nakaharap sa salamin mo” edi ako gulat na gulat sabi ko “pinagsasasabi nyo wag nyo ko pagtripan ha” tapos sabi nung isa “ totoo ate madaling araw bumagon ka bigla tapos naglakad ka sa may salamin nakatayo klang nagising kami kasi dumaan ka sa paahan namin ginising kolang si sofia e, kasi tinatawag kita di ka sumasagot” tapos sabi ni sofia “ oo ate natatawa panga kami nung una kasi akala namin pinag tritripan mo kami, tapos nung nakita namin seryoso muka mo nakaharap ka sa salamin sobrang tagal nga nagtago muna kami sa kumot mga 5 mins ganun kapadin, nkatayo kalang nakatitig ka bihira kanga kumurap e, kaya ayun bumaba nakami natulog kami dito sa baba bumaba kami kay mama sinasabi nga namin kay mama di naman naniniwala sabi tinatakot molng kami” tapos sumagot yung pinsan ko na mama nila “ oo bumaba mga yan madaling araw na natatakot daw sayo wag mo tinatakot mga bata”.Nashock lang ako at napaisip ng sobra kasi wala akong matandaan na tumayo ako o ano, alam ko sa sarili ko na hindi talaga first time ko mag patulog sa room ko iniisp ko pinag tritripan ako ng mga batang to ah pero kilala ko mga bata nayon kung nag jjoke o hindi natatawa nayon pag nag jjoke hinuhuli konga pero wala seryoso talaga sila and til now mga dalaga na sila pinanindigan talaga nila na nangyari yon that night, hindi ko din alam araw araw ako natutulog mag isa sa room ko, ano kayang ginagawa ko sa salamin that night? Ng ganun katagal?? ano pa kaya iba ko pang gingawa na di ko alam ? Habang alam ko tulog lang ako.😔
-kyupii
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2022▪︎1
BINABASA MO ANG
[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
TerrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.