Sir

26 1 0
                                    

Sir

Hello mga avid reader ng sigaw. Call me Nica(my real name) let me share this creepy story of mine that happened when I was in grade 5. I am 22 years old now but the things na nangyari noong grade 5 pa ako still give me chills.
This happened sa isa sa mga malalaking public school sa Cagayan de Oro.

Epp or home economics ay isa sa mga subject ko nung grade 5. Nagtatanim kami ng mga gulay gaya ng string beans, sibuyas, luya, kalabasa at kung ano-ano pa. Aside sa garden na pinagtataniman namin ay meron din kaming classroom kung san nandun yung mga project namin gaya ng mga art na gawa sa mga recycle, mga bote na ginawa naming flower vase, and mga basahan na gawa sa yarn. Luma at gawa lang sa kahoy ang classroom namin. Marami ding mga nakasabit na mga lumang litrato sa mga dingding mga lumang project ng mga dating estudyante ni Sir Albert(di tunay na pangalan) siya ang 64 yrs old na teacher namin. Nakasabit din sa ibat ibang side ng dingding yung mga litrato ni sir nung kabataan. Meron din syang mga litrato ng mga students niya yearly. Pakonte konte lang yung mga students nya dati, pinakamarami na siguro yung bente. Paborito kung subject ang Epp dati dahil sa mahilig ako sa pagtatanim gwa nadin siguro na parehong farmers ang grandparents ko pero one of the main reasons ay dahil paborito din ako ni sir. Ako palagi amg inuutusan niya mg check ng attendance at mgsulat sa blackboard. At first, masasabi ko talagang mabait si sir, sinasabihan nya ako ng very good palagi, tapos malaki ang mga nakukuha kung marka, palagi nya din akong binigyan ng mga minatamis na sampaloc. Iniisip kong naiinggit saakin ang mga classmates ko dahil dito kaya naging tukso saakin na straw daw ako o minsan ay sipsip. Di ko nalang pinansin. One time, habang nag checheck si sir ng exam papers, nag kumpol-kumpolan kami ng classmates ko at nglaro ng Wansapanataym is a Valentine, sino ang first crush mo?! tapos tawanan kami ng malakas at tinutukso yung mga classmates namin na nag-aaminan ng crush nila, at biglang Boggg! Sobrang lakas na nagpatahimik saaming lahat. Galit na galit na inihampas ni sir ang bote ng Flower base sa lamesa na naging dahilan ng pgkabasag nito. Pinalabas nya kaming lahat at pinabalik sa classroom namin at sinabing isusumbong kami sa adviser namin. Natakot kami kay sir, yung usual na maamo nyang mukha, biglang nag iba, dun ko lang nakita na galit na galit siya. The next day, nag sorry sir sa inasal nya nagsabing stress at pagod lng daw siya kaka check ng mga testpaper. After class sabi ni sir saakin na wag daw muna akong umalis at tulungan ko daw siyang maglinis ng classroom. Natakot ako kasi bakit ako lang? Umalis na isa-isa ang mga kaklase ko pero may nagpa iwan si Jerod, kapitbahay at kababata ko. Nagtaka si Sir kung bkit ngpaiwan si Jerod. Sinabihan nmn siya nito na magkasabay kasi kaming uuwi sir kaya hihintayin ko nalang siya. 15 minutes ata kaming naglinis ni Jerod, tapos nagpaalam ako sakanya na iihi ako at samahan nya ako dahil walang ilaw ang c.r at hindi ito nasasara kaya dapat ay hawakan ang pinto sa labas. Maliban sa wlang ilaw ay wlang pumapasok na ilaw sa loob ng banyo na mas lalong ngpapadilim dito. Pagpasok ko sa banyo ay sinigurado ko munang hinahawakan talaga ni Jerod ang pinto bago ako ng squat para umihi, pero laking gulat ko pag tingin ko sa right side ng inidoro(head level ko siguro) ng may maliit na butas at may matang nakatingin skin, pumikit ako at tumingin sa pinto kung saan alam ko na nandun si Jerod. Tinapos ko ang pag-ihi ko at dali-daling lumabas sa cr. Tinulak ko ang pinto dahilan para matumba si Jerod. Dali-dali kong kinuha ang bag ko at bag ni Jerod at halos matumbang naglalakad palabas, nagtataka namang nakasunod si Jerod saakin palabas ng halos mahulog ang puso ko dahil nakasalubong ko si Sir. Hindi ko siya pinakinggan sa sinabi niya at naglakad palabas hanggang sa makapunta ako sa lugar na maraming bata. Nagtataka si Jerod na nakasunod saakin sa paglalakad. Pagkarating sa bahay namin, sinungitan ko siya at sinabing umuwi na sa kanila pero hindi pa siya umaalis at tinuro yung bag niya na kanina ko pa hawak-hawak.

Mata yun ni Sir, mata ni sir na kunot na at may eyebugs, naninilaw nadin ito gawa siguro ng katandaan niya. Sigurado ako na kay sir yun.
Friday kinaumagahan ng naalala ko na magtatanim pala kami at kailangang magdala ng bolo. Habang nagtatanim kami, napansin kung tinitingnan ako ng masama ng classmate kong babae na si Mia. Galit na galit nya akong tinitingnan at to think na nakahawak siya ng bolo na parang ineimagine nya na ako ang tinutusok nya nun. Takot na takot ako nuon at tinuro ko kay Jerod si Mia. Sabi ni Jerod na nagpapapansin lang daw kya wag ko daw na tingnan. Pagkatapos naming magtanim ay sinabihan kami ni Sir na pumunta muna sa Epp classroom kasi pinapatawag daw sya ng principal. Habang nasa classroom kami, tiningnan ko si Mia, this time ang Papel naman ang hinay2 nyang tinutusok ng ballpen hbang nakatingin saakin ng masama. Bigla siyang nag wild at pinagtatapon ang lahat ng nakikita nya. Yung mga naka display na flower vase,tinapon niya, kinuha nya ang mga pictures sa dingding at pag may naabot siyang mga picture ni sir e pinagpupunit nya. Tinawagan ng isa kong classmate na may cellphone ang mama niya na malapit lng sa school nakakita. Dumating ang mama niya na nakadapit panglaba at medyo basa pa pero dali-dali dw siya pumunta kasi nalaman niyang sinapian si Mia. Nagalit lalo si Mia nang dumating ang mama niya. Pinagtatapon niya ito ng basahan at kung ano-ano hanggang sa may dumating na pari na tinawag ng teachers. Hindi padin sya napigilan, lumapit si Mia saakin at iniabot ang isang class picture na punit kaya nahiwalay ang ng isang magandang estudyante, wavy ang mahaba nitong buhok at may maganda itong ngiti. She then throw me a piece of rag na project ata pero medyo luma na. At yun, nakatulog na siya.

Lutang kung tinitigan ang picture na binigay saakin ni Mia. Hindi ko maintindihan bakit nya binigay saakin yun, tiningnan ko din ang project na basahan. Nanindig ang mga balahibo ko ng makita ang pangalan ni sir na nakaburda gamit ang pulang yarn sa gitna ng project. Tapos sa likod nakaburda naman ang, submitted by, name nung nagsubmit)
Sabado nun, pumunta ako kina Jerod para sana kausapin siya pinakita ko sa kanya yung mga binigay ni Mia saken, sabi ni Jerod na tinatakot ko lang daw sarili ko at baka pinagtitripan lang ako ni Mia.
Sakto naman na dumating ang Papa ni Jerod nang usisa samen, sabi nya na baka daw nanliligaw na si Jerod saakin kaya binigyan ako ng mga kung ano-ano, tinutukoy nya yung hinahawan ni Jerod na picture at tsaka rag na yarn. Nanlaki ang mata ng papa ni Jerod, at nagtanong saan namin nakuha yun, sinabi namin na galing yun sa Epp. Pinagpawisan papa ni Jerod na umupo sa sofa habang tinitingnan ang picture at kami namang dalawa ay kinabahan habang nakatingin sa kanya. Classmate nya daw yung babae dating pero hanggang grade 6 lang. Yung pangalan daw na nakaburda sa likod ay yun mismo ang pangalan nung babaeng nasa picture at Grade 6 lang daw nya ito huling nakita. Hindi na daw ito nakauwi ng bahay galing sa paaralan. Tinanong namin si Tito kung naging teacher ba nila dati si Sir ( ) sabi nya oo sa Home economics. At paborito nyang estudyante si ( ).

Nica


📜Sigaw
▪︎2018▪︎

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon