Ang dami kong nakikitang post about sa Laperal mansion. First time kong magshe-share dito, sana hindi ma-bash ✌️
Way back 2012, first time kong pumunta ng Laperal mansion with my friends. Hindi kami naniniwala sa haunted mansion, so pumasok kaming hindi nagdasal or nagpaalam. Tuloy-tuloy lang kami, picture2x kung saan saan and nag mirror pic pa nga kami para makita namin kung may sasama. Tumatawa pa kami, nag aasaran. Pag akyat ko ng 2nd floor sa isang room (not sure kung yun yung Masters bedroom). Biglang bumigat yung ulo and dibdib ko na parang hindi ako makahinga. Yung emotions ko halo2x, gusto kong umiyak, sobrang lungkot. Gusto kong sumigaw and may galit akong naramdaman basta ang weird ng pakiramdam ko nun! Nung nagdidilim na yung paningin ko, pinilit kong lumabas ng room and tumakbo pababa. Naalala ko ng ang bagal kong maglakad nun kasi parang hinihila ko na yung paa ko. Nagsorry ako and nagdasal bago lumabas ng mansion. Ito yung mirror pic namin, bago kami umakyat.
P.S
After nung incident, hindi ko pa tiningnan yung pics namin. Super busy rin kasi sa work nun. Siguro after a week, nagtanong yung kawork ko bakit hindi ako nag-post ng pics from Baguio. Sabi ko tinatamad ako so pinakita ko na lang skanya sa phone ko. Sabi nya marami daw sumama, kala ko binibiro lang nya ko, kasi nakwento ng mga kasama ko nun yung naexperience ko. Pero kinilabutan kami nung tinuro nya sakin isa-isa. Hindi ko rin naman kasi napansin kung hindi nya sinabi. Pero pinaka prominent talaga, yung babaeng humarang sakin na naka-tilt yung head. Hindi ko rin talaga alam yung history ng Laperal kasi nga hindi talaga ako naniniwala dati. Out of curiosity lang nung nagpunta kami ng friends ko dun. Nakatulong din siguro yung isa kong kasamang friend dyan sa pic (taga-Benguet sya) kung bakit hindi ako nasundan, kasi pag balik namin dun sa transient house, habang pumapasok kami isa isa sa pinto, sinabi nya "ANG MGA PAPASOK LANG SA BAHAY NA TO ANG MGA BABANGGITIN KONG PANGALAN" Tapos minention nya names namin isa-isa. Pero nung gabing yun takot na takot talaga ko, umiiyak nga ako kasi gusto ko ng umuwi nung gabing yun, kaso walang gustong sumama sakin. hehe! Nagpunta ako ulit after 2 years, ang kasama ko na bf ko and family nya, pero wala na kong naramdaman. Nagdasal kami bago kami pumasok at may respeto na ko unlike nung unang punta ko.
#LtaPReal📜Let's Takutan, Pare
▪︎2022▪︎
BINABASA MO ANG
[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
TerrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.