Massage Therapist

44 2 0
                                    

I don't know if horror or scientific, pero nakakapagtaka.

3 kami sa condo. Yung isa, nagpamassage sa kwarto. Ako nagluluto, yung isa sa kabilang room. Madalas naman nagpapamassage yung kasama ko, so wala lang extraordinary.

Pero yung nagmamassage, may ibang vibes. Nakakatakot yung aura niya. Di ko maexplain. Di rin siya humaharap sa amin (kaya siguro iba ang vibes).

After the massage, pagpasok ko sa kwarto kung saan minasahe housemate ko, sobrang amoy imburnal. 'Di siya utot or jebs na amoy, basta 'di ko maexplain. Niloko ko pa kasama ko na umutot ba siya. Imburnal levels yung amoy. E madalas kasi after massage, mabango ang room dahil sa oil.

Tapos may tubig na naka-shape palibot ng bed. Pinunasan ko agad, kahit nagtaka ako saan galing.

Wala pang 10 mins nung pag-alis nung massage therapist, namumutla yung kasama kong nagpamasahe. Masakit daw tyan niya. Tapos biglang nagsuka and bumulagta sa floor, nagpanic ako. Nasa 1 minute din bago siya nakabangon. Tapos nagsusuka lang and ang lamig lamig ng katawan niya.

Syempre nagpanic ako. Dahil laking probinsya, tinawagan ko nanay ko. Sabi ko baka nabati kasi nga yung therapist lang naman dumating. Inisip ko food poison pero same lang naman kami ng kinain whole day. Pero wala naman ako naramdamang sakit.

Sabi ni Mama, pakuluan yung damit na sinuot tapos ipunas sa kanya pag lamig ng damit. Naglagay din ako ng rosary sa room, tapos pinasuot ko siya ng mga pinabless na kwintas. Nag-play ako ng worship songs. After a while, naging okay siya. 'Di na rin malamig katawan niya.

Akala ko okay na so pinatay ko na worship songs. Bumalik siya sa pagsusuka tapos lumamig katawan ulit and maputla. So nagsisigaw talaga ako in Jesus name sa kanya. Kasi weird na yung pakiramdam. Tapos yung pusa pa namin parang may kaaway sa gilid ng kama. Naamoy ko rin ulit yung parang imburnal.

Ayun, di ko na pinatay worship songs. Buti na lang naging okay na siya kinabukasan. Tapos yung pusa, parang nakabantay sa gilid ng bed (unusual kasi madalas sasampa sa kama yun) overnight.

Minsan talaga may mga hindi tayo maexplain. Pero nangyayari.



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2022▪︎

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon