POSO

22 2 0
                                    

POSO

I'm back agaaaain, Faith. Thank you for reading my stories, lalo na po sa aking mga CABALEN, salamat pu keng suporta yu! Marami akong kwento sa inyo. Simple true to life stories at nawa'y malibang kayo and somehow kapulutan n'yo ng aral. Sa panahon kasi noon sa mga horror kineme lang kami nagkakaroon ng thrill at excitement. Unlike now, marami ng pwedeng pagkuhanan ng thrill sa buhay.

3 months pa lang kaming naikasal ng mister ko noon at based siya sa Manila. Siyempre as a wife, kailangan kung nasaan si mister, nandoon si misis. Ilang months pa lang ako sa work ko noon pero kailangan kong i-give up para sumama sa forever ko. Nu'ng time na 'yon, nagre-review siya for board exam. Nag-review center pero mas marami ang self-review. (I'm a supportive wife). Saturday and sunday pagka-hapon, nagre-review kami sa Manila Bay habang papalubog ang araw. Madalas ay sa bahay 'pag madaling araw.

(BTW, nakilala ko siya sa Church namin, it was love at first sight. Parang whirlwind romance, HAHA. Binulong daw sa kanya ni Lord, "she's the one". O, gusto ko lang kayong i-inspire na talagang may forever).

2 weeks before his exam, kinausap ako ni hubby na uwi muna ako, (reader din siya dito, he is my number 1 fan, HAHAHAKSKSKS. Kaya sana wag n'yo kong iba-bash, huhu) kasi para raw makapag-focus siya. Ako naman kahit malungkot--naintindihan ko, matagal naming pinag-pray 'to at clinaim na talaga namin, pati na ang baby girl na first born. Nagwo-work siya habang nagre-review.

Naisipan kong sa ate kong panganay na roon ako umuwi. Sa kaniya ako naka-tira nu'ng high school ako kaya close ko ang mga anak n'ya. Si Ate ay may apat na anak, yung dalawa n'yang anak ay mas matanda sa akin. 

Panganay si Adam na nagwo-work sa Air Base. Pangalawa, si Naomi na may asawa na at nakatira sa Antipolo, ikatlo si Sarah--sya ang ka-age ko, kaklase, kaibigan. Single pa siya ng mangyari 'to. At si Ruth ang bunso, may asawa na, si Allen: bukas ang third eye.

Silang tatlo ang kasama ni Ate sa bahay 'pag nasa work ang bayaw ko. Si kuya Jim: ang pinaka-mabait at paborito kong bayaw dahil minahal n'ya kami higit pa sa tunay na kapatid. Ako tinuring ding parang anak, nu'ng nag-aaral kami kung magkano baon ng mga anak n'ya, ganu'n din sa akin.

Isang gabing maalinsangan, sabado 'yon. Tapos na kaming mag-dinner at manood ng Pepito Manaloto ng biglang mawalan ng power. Napag-kaisahan naming mangapit-bahay.

Si Ate, ako, si Sarah, si Ruth at Allen. Lamyerda militar (nagpasasa sa gala) ang aming ginawa HAHAHA.
Nakipag-kwentuhan kami sa kabilang daan sa bahay ng aming pinsan na si Ate Thalia. Grabe, puro multo at karanasang nakakatakot ang topic. Takot na takot kami nang oras na 'yon pero nakakalibang. Tapos 'yung anak ni Ate Thalia naglabas ng nilagang mani, lalo na kaming ginanahan sa kwentuhan. Mag-a-alas onse na ng mag-ayang umuwi ang pamangkin kong si Ruth (naglilihi siya that time), ina-antok na raw. Uma-ambon ng pauwi na kami kaya binilisan namin ang paglalakad baka lumakas pa ang ulan. Nag-enjoy naman kami sa paglilibot at kwentuhan.

Noon 'pag multo ang pinag-uusapan, lahat active, HAHAHA! Natatakot din kami habang papauwi kasi may kalayuan din ang bahay. Iba ang ihip ng hangin nang mga oras na yon.  Walang gustong humawak kay Allen dahil sabi ng mga matatanda: 'pag humawak ka raw sa bukas ang third eye, makikita mo ang nakikita niya.

Pag-uwi namin ng bahay ay itinuloy namin ang aming kwentuhan HAHAHA. Sa labas kasi takot kami kaya diretso uwi. Edi sa loob nalang uli kami magtakutan, ganern, KSKSKS. Habang nag-uusap kami ay 'di nakikisama si Allen, tahimik lang siya at pangiti-ngiti lang, gano'n. Nauna siyang umakyat at natulog, hanggang sa umakyat na rin kaming lahat. Hindi na namin namalayang dumating ang power no'n.

Tulog na ang lahat nang biglang naalimpungatan daw si Ate. Ang buong akala niya ay umaga na. Nagtaka siya dahil ang aga raw ng nakikiligo o nakikilaba sa poso nya. Narinig kasi niya mula sa kaniyang kuwarto na may bumobomba sa poso. Noon kasing panahong 'yon ay libre ang pakikiligo sa poso ng kapitbahay. Nakiki-gamit ng libre ang mga walang poso sa mga mayroon. Ganoon po sa mga baryo.

Napatingin si ate sa wall clock sa kwarto at nakita n'ya ang oras ay alas-dos ng madaling araw. Nairita siya dahil ang aga pa pala. Nagtataka rin kung sino ba ang bumobomba sa poso ng ganoong oras. Tumayo siya at naisipan niyang umakyat kung saan kami natutulog.

Ang pangalawang palapag ng bahay niya ay gawa sa sawali at may dalawang bintanang jalousy. Ang isang bintana ay nakaharap sa poso, kita hanggang likuran kung saan maraming tanim na puno ng saging. May ilaw rin sa taas ng bintana na magdamag na ginagamit. Dahan-dahan niyang binuksan ang bintana. Ganu'n na lang ang gulat n'ya at muntik ng mapasigaw sa sindak sa nakita n'ya. May mag-inang naliligo sa poso. Pinupuno nang ina ng tubig ang batya at pumaloob doon ang bata na sa tantiya niya ay nasa tatlong taong gulang. Nagtatampisaw ang bata na animo'y tuwang-tuwa sa ginagawa.

Pinaka-tingnan ni Ate ang mga ito pero hindi raw niya kilala. First time lang niyang nakita ang mag-inang 'yon. Dahan-dahan siyang bumaba at bumalik  kwarto niya habang nag-iisip siya. Kilala niya ang kaniyang mga kapitbahay, wala siyang alam na may anak na tatlong taong gulang. Hanggang sumapit ang umaga, 'di niya namalayan kung siya ba ay nakatulog o hindi.

Kinaumagahan, 6am pa lang, gising na ang lahat. Habang nag-aalmusal ay kinuwento ni Ate na may naliligong mag-ina kaninang 2am sa poso.
Allen : Nakita niyo rin po sila, Ma?
Ate Rose : Oo, bakit kilala mo ba sila?
Allen: Kagabi pa po natin sila. Kasama na natin sila roon pa kina Tita Thalia. Tapos sumama sila sa atin nang umuwi na tayo. Naki-upo pa nga sila sa sofa habang nagku-kwentuhan kayo. Naka-gitna sila sa inyo ni Tita, Ma.

Napatayo ako sa aking narinig. Nasindak din ang dalawa kong pamangkin.

Me : Ano? Diyos ko, Allen! Bakit hindi mo agad sinabi?
Allen : Tita, alam ko pong matatakot kayo 'pag sinabi ko. Mababait naman sila at tahimik lang na nakatingin sa bawat nagsasalita. Nagpakandong (umupo sa lap ko) pa nga po sa'yo yung bata. 'Di ba nga nauna na akong natulog sa inyong lahat?

Nagpa-kandong sa akin ang bata?

Ate Rose : 'Nak ko naman, naatim mong iwan kami rito may kasama pala kaming mga multo.

Nag-react na rin no'n si Ruth.

Ruth: Babe, bakit pati sa akin 'di mo sinabi?
Allen : Kung sinabi ko, baka 'di kayo naka-tulog at mag-ngangawa pa kayo.

Tapos nagtanong si Ate kung hindi raw sumama sa kwarto n'ya. Hindi raw, kasi kung sumama hindi n'ya nakita sa poso.
Napasigaw si ate at nagulat kami kasi 7:30 na pala at dapat 8am magbi-byahe na kami papuntang Church. 'Di naman kami na-late nu'n at nakapag-special number pa ako, 'yung THROUGH IT ALL.

Tungkol sa result ng exam ni hubby, ang saya dahil kasama siya sa pumasang Architect. Passion nya ang construction sa ngayon po ay nagwo-work siya sa biggest and leading construction firm sa may Makati City, hehehe. Si baby girl na clinaim din namin, ku-kwento ko rin sa inyo minsan.

Si Ate at Kuya naman, umuwi na sila sa piling ng Diyos, nagkasakit si Ate sa kidney at si Kuya ay diabetic. They both decided na huwag magpa-dialysis. Malungkot, oo, pero ang inisip namin sa langit ay wala ng sakit at dalamhati. Ang mga anak naman nila ay maayos ang lagay.

Lesson: Ugaliing magpasalamat sa Diyos. Pag may gusto tayo at hiningi kay Lord, keep on praying. He will give it in His perfect timing, minsan higit pa sa ina-asahan natin, maa-amaze  ka na lang. Ang asawang mabait ay regalo mula sa Diyos. Mahalin ang pamilya ng taong pinakasalan mo. Last, mas mabuti pong tungkol kay Lord ang pag-usapan na kwento o sa experiences kaysa pag-usapan ang mga kapitbahay.

Faith❤
PAMPANGA


📜Spookify
▪︎2020▪︎

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon