WARNING: This is scary
So last midnight, 12:22 AM, I was busy surfing the net. I was so engrossed with facebook na hindi ko na pinapakialamanan yung nasa paligid ko. But I am fully aware na mag-isa na lang ako sa salas nung time na yun. Lahat ng kasama ko sa bahay, nasa kwarto na. Nakaupo ako sa isang upuan sa may tabi ng pinto kasi nakacharge yung phone ko. May saksakan kasi sa may tabi nung upuan kaya yun yung mas convenient spot para magcharge.
Habang magfe-facebook ako, may naramdaman akong humawak sa ulo ko tapos parang pilit na tinatagilid yung ulo ko. Nung una, sabi ko baka nangangalay lang ako so binalik ko sa pinaling ko sa opposite side yung ulo ko. But... parang may pilit talaga na nagtatagilid ng ulo ko papunta sa side ng pinto (the door is closed, tho.) I tried na labanan siya and luckily, kinaya ko naman but nahirapan na ako. Unlike nung una, madali ko lang siyang napaling sa kabilang side pero nung second time, parang naramdaman ko talaga ma may force ako kalaban. That's the time na nasabi ko, "Iba 'to." So I unplug my charger and move normally, ayokong ipahalata sa kung sino man yun na natatakot ako.
Pagdating ko sa kwarto, sinabi ko yung kila Ate at Mama. Nagising ko pa nga sila tapos sabi nila nagi-imagine lang daw ako tapos facebook pa more. Kaso habang nagku-kwento ako yung phone kong isa, nakataob siya sa may tabi ko sa kama, biglang nagplay ng kanta. (Walang gumagalaw and kung dahil sa sensitivity, imposible kasi nakataob at patay ang screen kasi hindi ko ginagamit. Mabubuhay lang ang screen kapag pinindot mo yung button sa taas ng phone.) Medyo ang creepy kasi yung unang line ng song is: "Are you ready?" ang creepy pa nung boses. Lalo akong kinabahan pero hindi ko pinansin. Binalewala ko lang.
Tapos kaninang hapon, bumalik ulit ako sa upuan sa may tabi ng pinto at nagcharge ulit ng phone doon. Then sabi ko maya-maya, "Ang sakit ng ulo ko. Feeling ko may dalawang kamay na nakahawak." Tapos sabi ni mama, "Pumasok ka na doon sa kwarto, namumutla ka na!" Edi pumasok ako.
Nung nasa loob na kami ng kwarto tinanong ako ni mama kung ano daw yung nararamdaman ko, sabi ko masakit ang ulo ko, nahihilo ako na parang nasusuka. Biglang naalala ni mama na dati, pagbukas niya ng pinto nung mag-isa lang siya sa bahay, may nakita siyang lalaking nakatayo doon tapos walang ulo. Nakabarong daw pero walang ulo.
And then doon lang nadrown sakin na, everytime na ilalabas ko si Ywa to take her for walk parang lagi siyang hesitant na sumama sakin. Tapos kapag sinusukat ko yung tingin niya, alam kong may tinitignan siyang iba sa likod ko. Nauuna kasi akong lumabas sa pinto tapos hihintayin ko na lumapit si Ywa sakin para magpabuhat. So ayun, ramdam ko na yung hesitations niya pero di ko pinapansin. Until now. Ngayon ko lang nagets lahat.
I'm not trying to be freaky. I just want to share this.
Tapos I remembered, nung Monday, 2:00 AM ako natapos sa assignment and I decided to sleep sa may salas mag-isa since I still want to surf the net and ayokong makaistorbo sa mga tulog na sa kwarto. Pero hindi ako natulog nun, I am up the whole time. And at exactly, 2:58 may nakita akong nakalutang na black na something sa harap ko. Not sure what it is pero nakita kong kulot yung buhok niya and its staring back at me. Still, I ignored it.
Ewan ko. But since na nankita ko yung black looking witch na yan nung Monday, nagagambala ako ngayon.
Basta, hanggang ngayon, masakit pa rin yung ulo ko at namumutla pa rin daw ako.
P.S: Nung nakita ni Mama yung lalaking walang ulo, one relative died the day after.
MimiCute
admin -Er031
📜Spookify
▪︎2016▪︎
BINABASA MO ANG
[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.