WHO ARE YOU?

35 0 0
                                    

WHO ARE YOU?

Hola ka Sigaw, matagal akong hindi nakapag send sa page na to.  Namiss ko kayo 😊, madami lang ako inasikasong personal at family matters. Itong ibabahagi ko sana kapulutan ng aral ng marami. 

Na approved yung leave na matagal ko ng hinihintay.  Sa wakas may 2 weeks akong pahinga sa puro straight duty ko sa ospital. Pag ka out ko sa work, kumain muna ako sa inasal (extra rice is life 😂😂) para pag uwi pahinga nalang.  Habang nakain ako, may parang may pakiramdam ako na may mali. Linga linga ako sa paligid ko pero di ko malaman kung ano ang mali. Natapos ako kumain pero andun padin yung pakiramdam na there is something na mali. Tahimik akong nag drive pauwi, nagsounds ako para mawala ung feeling ko na kakaiba.

Maayos naman akong nakauwi, pero pagpasok ko ng gate ayun nanaman ung pakiramdam na may kakaiba. Agad ko sinara ang gate at ni lock ang pinto as in double lock sa front at back door.
 
Umakyat ako at nagprepare sa pagpapahinga ng mapansin ko na natawag pinsan ko. Nasa abroad sya that time, iyak sya ng iyak at takot na takot. Dahil kasi sa stalker nya na ayaw syang tigilan. Natapos ang call nya at natulog ako.

Nagising ako pero sa panaginip, i mean alam ko I was dreaming. Iba kasi yung pakiramdam, parang ambigat ng ambiance. I saw someone, naglalakad sya ako naman nasunod sakanya. Nagtago ako bigla kasi pakiramdam ko napansin nya ko, nakita ko may hawak syang kutsilyo. Hindi ko alam if babae o lalaki sya basta tao sya. Pumaling sya sa direksyon ko, mabilis syang lumakad papalapit ako naman tumakbo. Hinahabol nya na ako ako naman takbo lang ng takbo, natawa sya habang hinahabol ako. Hanggang sa may nakita akong pinto, ewan ko pero pumasok ako doon. Agad kong sinara yon. Napunta ako sa madaming building magaganda at matatas talaga. Kala ko nga nasa future ako sa ganda nung lugar. Pero may mali nanaman, kasi wala ko nakikitang tao pero pakiramdam ko madaming nakatingin sakin. Hanggang sa may sinusundan na akong boses. 

Napunta ako sa isang bahay sa itaas ng parang burol. Malaki ito at maganda, may mga tao pero di ko makita ang mukha kasi blur.  Nang biglang may humila sa akin na babae, sabi nya "umalis ka dito. Bago ka niya makita. Makakagaya ka kay clara". Di ko sya gets pero tinulak nya ko sa parang salamin.  Para kong hinigop nun. Nagising ako ng tuluyan pero para kong galing sa pagkakalunod. Hirap akong huminga at nauubo ako. Napansin ko gabi na pala, baba na sana ako ng mapansin ko na parang may tao sa kusina. Dahan dahan ako,  kasi imposible na makapasok sila dahil naka lock yung pinto.  Nakita ko may tao nakatalikod sya sa akin, babae sya kasi mahaba ang buhok nya. WHO ARE YOU?! sabi ko sakanya.
 
Sya: hindi mo ba ko naalala?

-nakita ko na may hawak syang kutsilyo. Naalala ko yung panaginip ko, naalala ko yung humahabol sa akin. Humarap sya sakin na naka smile parang joker. Pero parang pamilyar sya, pero di ko alam saan at kelan ko sya nakita. Agad akong tumakbo pataas. Nagkulong ako sa kwarto, tinulak ko yung cabinet. Tumawag ako sa police hotline na malapit sa lugar ko. Kinakalampag nya yung pinto pero madaming lock ang pinto ko. Tinawagan ko mga kaibigan ko. Pati kapitbahay ko tinawagan ko, natawa sya sa labas ng pintuan. 

Sya: HUWAG KANG MAKIKIALAM SA AKIN,  HUWAG MO KO HADLANGAN KUNDI PAPATAYIN KITA.

tahimik ako sa loob ng kwarto scalpel lang ang hawak ko, di ko alam pero bigla nag sink in sakin yung sinabi sa akin ng pinsan ko. Yung kinuwento nya tungkol sa babae. sa isang babae na nang gugulo sakanya. Naalala ko na, kung saan ko sya nakita. Sa coffee shop nung minsan hinatid ko ang pinsan ko sa work place nya. Tahimik sa labas, tatayo na ako ng biglang may pumukpok sa pinto, kahoy lang pinto ko. Pinupukpok nya ang doorknob, paulit-ulit nya sinasabi na papatayin nya ko kasi pinakikialaman ko sya. Ilang minuto nadinig ko na sirena ng pulis. Nawala bigla yung kalabog sa pintuan ko, pero di ako nalabas agad. Hinintay ko na pulis mismo ang kumatok sa pinto ko. Natatakot pa akong buksan pero nang marinig ko boses ng mga kaibigan ko nagka lakas ako ng loob. Walang nakita ang pulis maliban sa distrongkang pinto sa likod. At sirang pinto ng kwarto ko.
 
Sinabi ko sa pulis lahat at mukha nung babae, pati sa name nya na alala kong sinabi ng pinsan ko. Simula non sa bahay na nagstay mga pinsan kong lalaki. Yun ang huli kong encounter sakanya. 

Pala isipan padin saakin bakit nya nasabing wag ko sya paki alaman. Pinoprotektahan ko lang ang mga taong mahalaga sa akin. At kahit sa anong paraan gagawin ko yun kahit pa panaginip ang maging daan.

-CHUM

More from Chum:
https://www.facebook.com/SIGAWPhilippineHorrorStories/posts/517129289028679?__tn__=K-R



📜Sigaw
▪︎2019▪︎

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon