Pag may kasama kang bukas ang third eye may posibilidad din na makakita sila ng dahil saiyo.
College Days with Bff
Nursing student kami noon sa University of B___ kasama ang best friend ko si Niecy.
Gabi na ang class namin at nag prapractice pa kami noon kung paano mag intubate at mag catheter sa mga maniquin para sa exam namin kinabukasan.
Bago lang ang Nursing building na iyon at ang batch namin ang unang nakagamit sa bldg na iyon.Ako siguro ang literal na kahit anong galaw make up ng make up nung studyante pa kami kaya noong time na iyon nag sabi ako sa bff ko na mag cr kami. Si Niecy naman lagi ko lang kasama kahit ginagabi na kami para ngang di kami mapaghihiwalay noong panahong iyon. Alam naman ng mga kaibigan ko na bukas ang third eye ko di ko naman iyon tinago at di naman nila ako kinatakutan o di din naging weird ang treatment nila saakin dahil tangap naman nila.
So ayun na nga nasa cr kami ng pang babae sa 4th floor sa taas. Habang nag c cr kami napatahik ako sa pag chichika ng may marinig akong naiyak na babae(common ata ito sa cr) lumabas ako ksi akala ko bff ko yung naiyak pero nakita ko sya kakalabas lang sa kabilang cubicle. Diko pinahalata na may narinig ako para di matakot.
Nung humarap ako sa salamin doon ko nakita yung ulo ng babae sa taas ng pinto nakatingin sa amin kinabahan ako at kakaiba pero di ko pinahalata kasi inisip ko kasama ko. Nung hinawakan ng bff ko yung kamay ko doon palang nya nakita ang nakikita ko sa itaas ng pintuan nung makita nya hinila na nya ako palabas at nag tatakbo kami nagulat yung iba pa namin classmate at janitor. Pag kababa namin hapong hapo sya kweninto saakin kung bakit nya ako hinila. Pagkahawak daw nya kasi sa akin. Nakita nya yung ulo ng babae sa itaas ng pintuan.
Kwinento ko din sakanya kya ako nag yaya bumaba na eh dahil din yun. Nakita lang nya yung multo o ano man nung hinawakan nya ako?.Kaya iniisip ko tuloy na tratransfer din pala ang third eye or possible din pala na makakita mga tao nakapaligid sa atin pag nakadikit sila sa atin..
Baka lang may same experience kayo.. ilan beses na din na ulit kwento ko nalng next time..
Lahat naman ng school may kwento din diba.
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2022▪︎
BINABASA MO ANG
[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
TerrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.