KINULAM (my bestfriend) 2
Part 1
https://www.facebook.com/218238752251069/posts/528450377896570/Friday, 10am pa lang tapos na klase namin. Nag aya si kim, dun daw kami sa bahay nila kasi birthday nya daw tsaka wala daw syang kasamang magluluto. nasa abroad kasi mama nya tas only child lang sya, yung papa naman nya sa manila nagttrabaho so bali yung lola lang nya kasama nya sa bahay nila. Pero wala din daw lola nya my pinuntahan daw tapos sa makalawa pa daw ang balik, aayaw na sana ako. "chin sumama kana, sasama yan si Jay pag sumama ka, pupunta rin sila roy, buong tropa"sabi nya. "cge na pls chin, di kasi talaga sasama si jay pag dika daw sumama ah" nya sakin.
Ff. Inarkila namin isang jeep tapos walo lang kami, ang saya namin nung araw na yon.
Kahit wala kami sa tono, sinasabayan namin yung music na pinapatugtog ni manong driver, 😂😁 (masaya kami noon pero pag naaalala ko yun ngayon,naiiyak at ang lungkot lungkot ko na 😔). Pagdating namin sa bahay nila kim, biglang umulan, sabi namin kay manong bukas na lang sya bumalik para sunduin kami, tas takbo kami papasok ng bahay,si jay sinabayan nya ako. Pagpasok namin sa house nila kim, andun yung lola nya, nagmano kaming lahat saknya tas si lola iba tingin nya kay Jay, tas tinanong ni kim ba't ang aga nya umuwi, my nakalimutan daw sya tas inantay nalang daw nya kaming makarating bago sya umalis. Habang nag aayos kami ng mga gamit namin, si lola lumapit sakin tas my dala dala syang banga ata yun na umuusok, sabi ni kim nag iinsenso daw. Tas pagtapos ni lola nag bilin lang sya samin tsaka gumayak. Nag lunch muna kami kila kim, tas mga 12 na nung nag aya si kim mag hiking, punta daw kami sa my falls, 1hr.daw bago kami makarating dun, di daw pwede sasakyan don kaya lakad lang daw tlg kmi. Bago ka makarating sa falls, dadaan ka muna sa mga bukid bukid don, taniman ng palay, tas aakyat ng bundok then bababa ng bundok, tas sa paanan ng bundok andun yung batis tas sa my mga roots ng kahoy, dun pala dumadaloy yung tubig. yung FALLS na tinatawag nila 😊 .. Kahit umaambon at malamig nun, sige parin kami, naligo kami sa batis.
Mag 4pm na nung makabalik kami sa bahay nila kim, nung nakapag palit na kami, si jay hinila nya ako palabas ng bahay ,sa my puno ng kalamansi, akala ko my sasabihin sya, tas nung nakalapit nako sknya,niyugyug nya yung puno, e katatapos lang ng ulan, tas mejo nabasa ako tas mejo napasigaw, takbo sya e di hinabol ko, putik putik mga paa namin hanggang tuhod, nakarating kami sa kapit bahay nila kim, tas balik ulit kami sa bahay nila kim. naabutan ko si Jay sinabunutan ko sya, tas tawa lang sya ng tawa. Nung nakarating na kmi kila kim , binitawan ko na buhok ni jay pero tawa parin sya ng tawa, ang saya saya nya nga non eh, tas lagi nya akong inaasar, kahit maluwang naman yung daan kung magkakasalubong o magkakasabayan kami, sinasadya nya akong bungguin tas tatawa sya. Naghihiwa ako ng karne nun, pulutan namin, tas si jay naman sa my pang ulam namin, tumabi sya sakn tas kinukulit kulit nyaa ko, kunwari kukunin yung hawak yung kutsilyo tas sya sya maghihiwa tas hindi naman pala, tsaka sya tatawa, tas kikilitiin ako sa my tagiliran ko, tas sila roy kinakantsawan na kami non, "nakuuuu lalanggamin kayo jan! Magkadevelopan kayo jan ha ? ako ninong!!" pang aasar ni roy samin. tas tawanan naman sila, ang ingay namin non, sinasaway kami ni kim kasi masyado na daw kaming maingay tsaka gabi na daw. Tahimik ulit kami, tas si Jay di pa rin ako tinantanan, itinigil ko yung ginagawa ko tsaka ko sya hinarap, napatingin sila roy samin kasi akala nila galit na ako, "cge nga magalit ka nga " pang aasar pa sakin ni jay non, tas nilapit nya mukha nya sakin, tas ako naman si lantod 🤣 mas lalo ko pang nilapit yung mukha ko, na sobrang pinagsisisihan ko nung time na yon, paglapit ko ng mukha ko sa mukha nya, my nakita akong kamay na nakaakbay sakanya. napaatras ako natabig ko pa yung mga karne pati na yung kutsilyo, dahilan para masugat daliri ko, nakatingin pa rin ako kay Jay, lalapit na sana sya sakin nung my nakita akong dumukwang mula sa likod nya, napasigaw ako kasi yung itchura nung dumukwang, ang pangit ang itim itim ng kulay yung ibang parte ng mukha nya tas yung ngipin nya ang itim itim, na ngiti sakin yung dumukwang na ulo, diko na pinalapit sakin si Jay. Tumayo ako agad tas tumakbo papuntang sala, dun ako kay rose nag iiyak. Niyakap na din ako nila kim, nagtatanong kung anong nangyari, di ko masabi ,di ko alam kung bakit, pero umiyak lang ako nang umiyak. Tas si Jay di ko namalayan nakalapit na pala samin tas niyakap nya ako, nung tinignan ko sya, wala na yung dumukwang sa likod nya. Sorry sya nang sorry sakin, "hindi, hindi ikaw..sorry tol" kako saknya.
Tas nung ok na ako, kumain na kami tas nung nakapaghugas na ng mga pinagkainan namin si kim, nag umpisa na kaming mag inuman, sa may sala nila kami nag set ng inuman. a harap ng tv kasi mag momovie marathon kami, syempre katabi ko si jay. Nung natapos na namin yung apat na movie, pinatay na ni kim yung t.v pero di ka kami tapos mag inuman non, nakapaikot kami non, tas kwento kwento, share share ng mga funny moments, gang sa naalala ni dave yung nangyari nun sa canteen sa school, "pero diba ? Yung nangyari sa canteen sa engineering department? Di ba ikaw yung tinuro nung babaeng nahimatay jay?" umpisang tanong ni dave, curious na din yung iba, "tas ikaw chin ? Ano yung sinasabi mong nasa likod ni Jay non? E wala naman kaming nakita noon?" dagdag pa ni rose. sumandal si jay sa balikat ko. "basta nakita ko lalake, yung nanapok sakanya sa my food court non, ewan ko ba't sya andun non." sagot ko sakanila, "hala Jay, sinapok ka?!, bakit ? Ba't ka sinapok??" tanong ni kim kay Jay, "ewan ko nga e bigla na lang nya ako sinapok, tas sabi tantanan ko daw gf nya, e si chin lang naman kasama ko nun, akala ko nga aawatin ni chin yun kasi akala ko mag-jowa sila tas pinagkamalan na mag jowa kami na inaagaw si chin sakanya. pero ang gaga halos lumuwa na yung singkit nyang mata na fake! Nakatitig lang samin, syempre di ako pumalag kasi lima tas kami lang ni chin, e kahit naman titibo yan e di talaga kami mkakapalag don". paliwanag ni jay sakanila, "ha? .so ganon lang?, e bakit nakita sya ni chin sa canteen?" tanong ulit ni kim, umayos si jay ng upo tas tinignan ako, sabay tagay. "ewan ko saknya baka nalipasan siguro ng gutom" sabi ni jay sabay tawa, inirapan ko sya. "nung araw na yon, nung nasapok sya (tinuro ko si jay), nakipag meet kami sa gf nya, tas nung nag uusap silang dalawang mag jowa,nakita ko si ane habang hawak nya cp nya, yung itsura nya non para syang takot, tas yung lalake na nanapok sakanya (kay Jay) dumaan ulit sa likod niya (ni jay) ang sama ng tingin nung lalake sainyo ng jowa mo" sabi ko. tas ngumisi lang si Jay "baka imagination mo nga lang yon" sabi nya. mejo uminit ulo ko sa sinabi nya, tinignan ko sya "e bakit ka nakulam ?" diretsahang tanong ko saknya. Nakita ko, galit ang gumuhit sa mukha ni jay non, kahit di sya nakatingin sakin, tas ngumisi na naman sya, "ok naman na ako db?" Sagot nya. tas si kim nakatitig lang samin ni Jay "pushaaa, kinulam ka jay ? Pano? Tang ina ! kumulam sayo?" napapatayo si kim non, napapatakip pa sa bibig nya. "hayup kinikilabutan ako" bulalas ni roy. "sino nga Jay?!. Pano ? Panong magaling kana?" tanong ni kim ulit. "baka yung gf mo Jay ang sinasabi nyang gf nya na layuan mo." sabi ni nandro, tingin kami kay Jay, tas naluha sya, tas ako parang naiiyak na din kasi kita mo talaga sa mukha nya kahit di sya magsalita na nasasaktan sya. pinunas nya luha tsaka tumagay ulit "wala na kami ni ane, nung umuwi ako ng sabado bago ako makipagkita sakanya, pumunta ako kila lolo, alam nya ng may mali sakin, tas sabi nya gagamutin nya daw ako pero kailangan ko ng makipag hiwalay kay ane kasi sya daw may kagagawan nun sakin, hinilot ni lolo buong katawan ko ng langis, kada haplos nya sa balat ko may lumalabas na mga tinik ng isda, di kaya ulo, my buo buo pang isda nakukuha nya, tapos dun ko naamoy kung gaano ako kalansa, pagkatapos nun,guminhawa pakiramdam ko, di nako nagtanong kay lolo, tinext ko si ane na magkita kami tutal malapit lang naman yung bahay nila sa bahay nila lolo, tas nung nga nagkita kami, nakipaghiwalay ako saknya, di sya tumutol, wala rin syang sinabi kahit ano, umalis sya, umalis nadin ako" kwento ni Jay. "so hiwalay na nga kayo?" tanong ulit ni nandro sakanya, siniko sya ni roy. "hina ko pumik up oh dika lang tlg nakakaintindi ?..ano nga jay,hiwalay na talaga kayo?" sabi ni roy tas binatukan sya ni rose, tumawa kami, pati si Jay pero yung mata nya naluluha "oo, wala na kami" sagot naman ni jay. Pagkasabi nya yun,tinginan silang lahat sakin maliban kay jay na yumuko. "ano?" tanong ko sakanila tsaka ko sila inirapan. "pero jay,pag nag ka gf ka ,anong gusto mo sa magiging gf mo pagka?" tanong ni kim. (tawa si jay) "Di pa nga ako totally moved on eh, gf agad ? . pero seryoso, kung pwede lang sana mamili ng gf, gusto ko yung kagaya ni chin, maalagain, maalalahanin" sagot nya. Tumikhim yung ibang kasama namin. "uyyy chin, ikaw daw!" pang aasar ni roy sakin tas ako tahimik lang kasi kinikilig na ako nun, ayaw ko lang ipahalata, baka kasi maunsyami Hahhaha!!. "Alam nyo guys?" --si kim."hindi pa, ano yon?" pilosopong sabat ni roy sa sasabihin sana ni kim, binato sya ni kim ng kutsara, tawanan na naman kami. "pero seryoso, yung sa my mangga jan sa likod ng bahay, yung sa malapit sa kitchen,sabi ni papa minsan daw nakakita daw sya ng lamang lupa jan" kwento ni kim. "lamang lupa like ??. Carrots? Patatas ? Roots of trees ?mga nakabaon? " pamimilosopo ulit ni roy. inirapan sya ni kim "hindi tanga ! Yung mga lamang lupa like parang dyablo or engkanto ganon, parang aswang ganon! Kamukha mo (si roy daw) tanga!" paliwanag naman ni kim, tawanan kami tas si dave "wait guys, tahimik, (tumahimik naman kami) naririnig nyo yun? My kumakatok sa my pintuan" sabi ni dave. oo nga my kumakatok pero mahihinang katok lang. "ay baka si lola, or kapit bahay saglit titignan ko" sabi ni kim sabay tayo na sana sya pero tumigil sya kasi nawala yung katok tas lumipat sa may kusina naman yung katok, tas tumigil ulit, tas nakarinig kami nung tumatawa, yung pintuan sa my maindoor tlaga nila kim, kinatok ulit tas kinakalabog na, yung hawak ko sa braso ni Jay nun halos maramdaman ko na yung buto nya sa higpit ng hawak ko, nakayakap na si Jay sakin nun, tas si kim sumiksik samin, tas pati na rin yung iba. siksikan na kami, halos wala ng space, pero tahimik pa din kami, tas si dave tumakbo papuntang main door, hinaharangan yung door kasi parang mabubuksan na, tumulong na din kami. iyak na kaming mga babae non, tas yung tawa sa labas, lumakas. takot na takot na kami non, tas si Jay bumubulong, tas sabi nya MAG PRAY TAYO. nagpray kami, umiiyak kaming nananalangin non, nakasandal kami sa my pintuan, nakapikit. si nandro nag lead ng prayer, tas nung natapos yung prayer, tumigil na yung pilit pagkaka bukas nung pintuan tapos wala na din yung tumatawa. "tang ina dito na tayo sa sala matulog lahat, sama sama, tabi tabi nal ang tayo! Jusko! Nakakatakot!!" sabi ni kim. tas nagpasama sya samin na magbuhat ng gagamitin namin sa pagtulog.
Kinabukasan, walang gustong pag usapan yung nangyari, si rose unang nag cr, pagkapasok nya labas sya agad, tas tinignan si kim. "bakit?" tanong namin saknya. "parang my nakita ako e, ano, chin samahan mo nga ako sabay na tayong maligo" aya nya sakin. tas habang nagsasabon kami, parang my ibang nakatingin samin, maluwang kasi yung cr nila kim, tas my maliit na bintana pero mataas. Tas si rose sabi kinakabahan daw sya parang my mali daw, kinikilabutan daw sya, parang my nakatingin daw samin. Tas sabi ko bilisan nalang namin pagligo para makalabas na. Nung natapos kami, sumunod sila kim, pagkatapos nila yung mga boys naman. Nung nagpapack na kami ng mga gamit namin, nagkwento si roy, "nakakatakot sa cr nyo kim! Hindi ko alam kung saan ako lilingon. feeling ko binobosohan ako, tang ina my baby fats !" sabi nya in ang exagerated way, tawa kami saknya.
Ff, pag uwi ko ng boarding house, nadatnan ko si kuya lad na chinicheck yung motor nya (xrm 125,black and white), "oh chin, uuwi kaba ngayon?" tanong nya sakin. "hindi kuya eh, my 23hrs pa kami sa english at 13hrs pa sa NSTP " sagot ko saknya. "ganun ba? Isasabay na sana kita pauwi e, uuwi kasi ako mamaya maya, di nakauwi na rin sila sheng, bale ikaw lang babae matitira dito, my makakasama ka naman e pero sila zar lang, diko alam kung ilan kayong maiiwan pero chin wag na wag kayong gagawa ng kalokohan dito ha? yung curfew tapos walang magdadala ng jowa dito" paalala ni kuya lad sakin. "opo kuya" sagot ko nalang. Pumasok nako sa kwarto tsaka natulog, nagising lang ako nung my tumapik sa balikat ko, pag mulat ko si kuya Lad pala, tinignan ko oras tsaka ako bumangon mga mag iisnag oras na pala akong tulog "mauna nako chin, yung sinabi ko ha?" paalam ni kuya lad sakin. "opo kuya ,ingat ka" sabi ko naman tsaka ako sumabay saknya pababa. Nung makaalis si kuya Lad, nag aya yung mga boys na gala daw kami, tas ayun nga gala gala kami, tas pagbalik namin sa boarding di namin inexpect yung mga mangyayari (nasa isang kwento ko po iyon).
BINABASA MO ANG
[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.