Chin's Experience

24 1 0
                                    

Hello po admins, this is chinchin, sana mapost din po itong icoconfess ko ngayon.

This happened nung magfefirst year college pa lang ako, at noon ko naranasan yung hirap na maihiwalay sa mga taong nakasanayan mo na. Like living alone ba.  Sa mga panahon na yon, naranasan kong mawalan.

Dahil magfefirst yr college na ako at mejo malayo talaga yung school na pinag enrolan ko kailangan kong maghanap ng pwedeng matutuluyan kasama ko yung cousin ko nun (mother side) lets just name him ALDI. Mas matanda ako kay Aldi ng mga isang buwan 😅. So ayon nga, nakahanap naman kami ng boarding house, walking distance lang sa school. Yung bahay up and down sya, sa taas my tatlong room, yung dalawang room na para sa mga boys tas for girls yung isang room. Tapos sa baba naman nung bahay may isang kwarto dun na para sa apo (kuya Lad) ng may ari nung bahay, tas sa tabi ng kwarto ni kuya Lad is yung kitchen at yung dalawang cr, tas yung sala ,tapos sa labas, kadikit din nung bahay, ginawang kwarto. Yung dating tindahan ng may ari nung bahay, apo(kuya Ran) nya din naka room dun. Anim kaming babae don tas nasa sampo yung boys maliban kila kuya lad at kuya ran.

Sila ate sheng, ate marj, ate tere, ate kath, ate shei ay nasa 3rd yr college na non tas magmula daw nung 1st yr sila dun na sila nangupahan. Pati rin sa mga boys, si aldi, niko, resty, miko, ced lang ang bago the rest almost 2-3yrs na daw sila don. Nung first night namin, ok pa naman, gang magpasukan at mag sem break, pero nung sembreak kasi non nahuli kaming umuwi nila aldi tas yung tatlong boys. Ako lang babae nun, rati sila kuya ran at kuya lad umuwi din. First night na kami lang, enjoy enjoy pa kami non, gala gala sa centro mall, sa mga fast food chains. Nung umuwi kami kasama na namin yung gf ni kuya zar, si ate nika. Syempre solo nila yung isang kwarto tas yung iba lumipat sa room namin kasi nga sinamahan na ko kasi mag isa lang akong babae non. Tulog na lahat non, maliban samin ni niko, nanonood pa kasi kmi nun sa loptop ko ng BLEACH, super duper crush ko kasi si ichigo nun, pero half lang ng episode meron sakn. Seryoso kaming nanonood nung bigla naming narinig si ate nika na sumigaw sa may hagdanan. E di  tayo kami ni niko tas open yung ilaw sabay takbo kay ate nika. Naabutan namin syang nakaupo sa my hagdanan nakakapit pa sa my railings nung hagdanan tas iyak sya. Niyayakap at inaalo na sya ni kuya zar non nilapitan namin sila. "kua zar anong nangyari?" tanong ko kay kuya zar non. "di ko alam e.. Nasa kwarto lang ako nung narinig ko syang sumigaw" sagot naman nya, "napano ka te nika?" tanong ni niko kay ate nika na umiiyak parin, "chin asan ka kanina? Bumaba ka db?. Pumasok ka sa kwarto ni Lad, ay hindi, hindi ka pumasok, lumusot ka! Tang ina lumusot ka chin!!" sabi nya na umiiyak tas tinuturo yung kwarto ni kuya Lad. Kinilabutan ako sa sinabi nya, dun na ko lumapit pa sakanila at tinulungan si kuya zar na itayo si ate nika "panong ako yun ate e nasa taas ako, nanonood kami ni niko, diba niko?" sabi ko sknya. "oo nga ate tsaka anong lumusot panong lumusot yan si chin?.. Sarado yang kwarto ni kuya Lad. Nasakanya yung susi, di natin yan mabubuksan kasi my code din yung lock ng pinto nun!" dagdag pa ni niko. Nung nakaakyat na kami at nakapasok na kwarto nila kuya zar, tas nagising na din si aldi, sinalitan ako ni aldi sa pag akay ng isang kamay ni ate nika tas pinaupo sya sa kama nila kuya zar. "panong ako yun ate ? Nanonood kami ni niko sa kwarto tas ate wala naman akong super powers para lumusot lusot sa mga nakasarang pinto eh" paliwanag ko saknya na mejo natatawa na ako nun. "Hindi chin, nakita kita. Kung hindi ikaw ,sino yun? Bakit kamukhang kamukha mo ?" pinipilit pa rin nya. "oh eh ba't ka nga nasigaw tas naiyak kapa? . kala ko iinom ka lang knina ?." tanong ni kuya zar saknya. Hinarap ni ate nika si kuya zar tsaka binatukan nya si kuya zar "kung ikaw !!! Kung ikaw nakakita non ??! . yung lumusot sa pader or pinto !!? Tatawa ka ?.. Ha?.. Tatawa ka? " angas ni ate nika kay kuya zar.

Pinag walang bahala na lang namin yung nangyari nung gabing yun, akala namin di na masusundan yung paranormal activity na yon pero umpisa palang pala yon ng lahat.

Hindi na ulit natulog don si ate nika, 2nd night ng sembreak bumalik si kuya sherwin at resty sa boarding house. Nung papagabi na mga 7pm na ata nun nung nakauwi kaming lahat sa boarding house, napagpasyahan namin na sa girls room na lang kami lahat matutulog. Maglalatag na lang kami tas tabi tabi ng matutulog. 9pm lumabas pa lang muna kaming lahat, sa may bakuran lang kami. Habang naghaharutan kami nila aldi at niko, napansin namin si kuya sherwin nakatingin sa taas sa my bintana (girls room yun), tinitignan lang namin sya tas lumapit si aldi sakanya tas tinapik balikat nya tas parang nagising si kuya sherwin. Binaba nya tingin nya tsaka nag indian sit, lumapit kami ni niko, si resty naman nakatitig lang kay kuya sherwin nun tas biglang lumaki mata nya, as in malaki naman kasi talaga mata nya eh 🤣 dejoklang. Yung itchurang gulat na takot ganon. Gqanon yung ichura ni resty nun, tas sabay upo sa tabi ni kuya sherwin, natatawa kaming tatlo sa ichura nilang dalawa dahil para silang magshota, pero napawi yung tuwa namin nung nagsalita si kuya sherwin "my iba pa tayong kasama" sabi nya. E di kaming tatlo napakunot noo namin kasi di naman namin sya magets "my nagpapasok sakanya, wala naman yan dati jan ah, anong ginawa nyo kahapon!?" galit na tanong nya, pero nakayuko pa din sya. "anong pinagsasabi mo ba kuya sherwin ha ? wala naman kaming pinapasok dito kahapon na iba ah! Tsaka tayo tayo lang naman oh ! Si kuya zar, dun daw muna sa gf nya" paliwanag ko naman sakanya, tapos bigla syang tumayo pero pinigilan sya ni resty. Pinaupo nya ulit "chin, my third eye si sherwin, hindi lang basta third eye, basta ganon, alam ko yun kasi magkasama kaming lumaki, nauna lang syang nag aral kaysa sakn pero bata palang kami tropa na kami nyan. Kaya alam ko kung ano nangyayari sakanya "sabi ni resty samin, tas dun na kami nagkwento sa nangyari kay ate nika. "Baka si nika nagpapasok sakanya, need natin tawagan si zar" sabi ni resty tsaka tumayo at tinawagan si zar.

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon