Receptionist

11 1 0
                                    

Receptionist

Still the same writer nung recent post na 6 months. It seems that the group have a leaning interest towards lucid dreaming and as I mentioned sa previous post, madaming beses ko na siya ginawa pero I stopped several years ago.

This dream is hindi siya forced lucid and nangyare lang as a usual dream pero since may experience na ako mag control ng dreams, may ability ako minsan na maconvert yung normal na panaginip to lucid once marealize ko na nananaginip ako. This was several years after nung mastuck ako sa panaginip ng almost 6 months and I was single at that time.

The dream started normally kung saan go with the flow lang tayo lahat. Nasa building ako around ortigas tapos nag wowork daw ako sa 10th floor, surprisingly kung ano yung trabaho ko sa totoong buhay, yun din trabaho ko sa panaginip. Sa lahat ng types of dreams, ito yung pinaka ayaw ko kasi tulog ka na nga nag ttrabaho ka parin. Anyways, since dream state siya, I acted normally. Few days medyo boring kasi trabaho padin siya eh, until nagkaroon ako ng interest sa receptionist sa lobby. At first tingin tingin lang hanggang napunta sa casual greetings until one end of day, niyaya ko siya sumabay pauwi.

At this point purely consumed ako ng dream kasi nagkkwento siya na parang totoong tao, panganay with 3 siblings. Graduating na yung sunod tapos naghehelp siya mag paaral dun sa 2. And I can say na nag kakagusto ako sakanya. Eventually yung lakad namin pauwi hindi nag mamake sense pero hindi ko na siya napapansin kasi yung kwentuhan namin super enjoy, hanggang natanong ko kung may boyfriend siya, wala daw! Haha.

May mga missing parts ss dream na yun pero main glimpse is nag rerrvolve sa work ko and trying to pursue the receptionist. Lagi na rin kami sabay umuwi, nagrarant ako sakanya ng work, minsan nsg kkwento din siya ng mga masusungit na nakakainteract niya sa building etc. This time yumakap siya by the end and sabi niya kung wala daw ako gusto sakanya, huwag ko na daw siya kausapin ulit tapod short pause sakin kasi naconfuse ako sa sinabi niya, sabay follow up na "kasi gusto din kita, pag di moko kinausap bukas alam na" syempre kilig to the bones ako nun, sa real life single ako tapos di naman ako aware na nananaginip ako.

Kinabukasan nakita ko agad siya tapos nilapitan ko agad siya tapos nag joke pako ng "Ayan ah, ito una kong ginawa kasi baka nag bago isip mo". Sumagot siya ng bawal tayo magtinginan ng matagal kasi baka di siya makapag focus sa work kakaisip sakin. Sobrang saya talaga, sobrang saya napaakyat ako sa rooftop tapos sisigaw sana ako ng i love you tapos pangalan niya. Until narealize ko, hindi ko alam pangalan niya.

Napatingin ako sa langit tapos hindi normal yung galaw ng sky, nag snap agad ako sa reality, napamura pako kasi taena kilig na kilig ako nasa panaginip pala ako. Biglang bagsak yung mundo ko kasi taena nangyare nanaman, na stuck nanaman ako ng ilang araw kahit hindi ko tntrigger. Pero sobrang gusto ko talaga yung receptionist to the point na ayoko tanggapin kasi baka totoo. So isang malupitang reality check, tumalon ako sa rooftop haha. Usually nakakalipad ako pero hindi ko alam kung bakit pero di ako nakalipad haha tapos nag fade to black, pero walang pain. So alam kong panaginip to.

Biglang nasa hospital bed ako tapos dumating yung receptionist, sobrang alalaang alala niya tapos bakit daw ako tumalon. Sinabi ko sakanya na hindi totoo tong lahat. Tapos may naririnig nako faint sound na boses ng sa outside world. Parang pinapagising ako ng nanay ko sa kapatid ko kasi papasok sa trabaho. Nararamdaman ko na din na sobrang aware nako kaya anytime soon magigising nako.

Tumayo agad ako sa kama tapos hinila ko yung receptionist papunta sa rooftop. Litong lito siya kasi kala niya nababaliw ako. Inexplain ko sakanya ng mabilis na nananaginip ako tapos hindi totoo yung lahat. Medyo striking yung last convo namin kasi parang napareflect din siya sa reality na hindi daw ba totoo yung pamilya niya, yung pag papakahirap niya sa araw araw kumita ng pera, at pati daw ako hindi din totoo. Parang nag karoon kami ng shared frustration na hindi totoo lahat ng nasa paligid natin.

Nararamdaman ko na magigising nako, tapos yung mga area sa paligid hindi na nag mamake sense. Tinititigan niya lang yung paligid tapos tumitig sakin ng matagal. Sabi ko ano nasa isip mo? Sabi niya tinitignan niya lang daw ako ng matagal para di niya daw makalimutan mukha ko. Well, ikikiss ko sana siya pero nawala na, niyuyugyog nako ng kapatid ko, nag ggrunt daw kasi ako baka daw binabangungot ako

Di ko alam kung bakit naluha ako habang naliligo bago pumasok sa work haha. Taena nainlove sa panaginip potek. Weirdly enough, few hours lang limot ko na agad yung mukha nung receptionist. And hindi siya yung babae sa mga previous dreams ko na nastuck ako sa panaginip. Pero sabi nga ng friend ko, pwedeng same entity din pero different approach lang. Kaso this time, hindi naman niya ako niyaya or iimply na mag stay. Or at least that's what I believed? Deep inside even if marealize ko na panaginip siya parang ayoko umalis. Sinuwerte lang siguro ako kasi ginising ako ng kapatid ko.


📜Let's Takutan, Pare
▪︎2023▪︎

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon