KAKLASE NG KAIBIGAN KO

56 3 0
                                    

KAKLASE NG KAIBIGAN KO

Share ko lang. Nangyari ito sa akin nung high school ako.

May pinakilala sa akin ang kaklase ko na friend niya, itago na lang natin sa pangalang Mike. Ibang section si Mike, madalas ko siyang nakikita kasi medyo mahangin siyang tao at palakad-lakad sa school. Siya yung tipo ng tao na maangas na estudyante na kahit di mo kaklase ay magiging familiar talaga siya sa ‘yo.

Nung araw na yun, nakita ko ang kaklase ko, may sasabihin sana ako sa kanya pero kausap niya si Mike. Hanggang pinakilala niya ito sa akin. Okay naman siya, tumango, pero hindi ngumiti.

After ng ilang araw yun, di ko na napapansin si Mike na pakalat-kalat sa school. Hanggang isang gabi, nanaginip ako. Alam mo yung feeling na alam mong tulog ka pero parang gising ka kasi yung paligid mo parang totoo lahat. Sleep paralysis, if I'm not mistaken. Alam ko nung time na natulog ako katabi ko tita ko. Pero nawala siya tapos may nagsalita, kaboses ni Mike. Una umiiyak, malungkot, tapos biglang pagalit na.

Tapos nung kakausapin ko sana siya, wala ng boses na lumalabas sa bibig ko. Biglang di na ako makagalaw. Tapos narinig ko tumawa si Mike. Tapos nakakita ako ng lübíd na unti-unting bumababa sa bubong. Tinatali ang mga kamay at paa ko. Lumalaban ako pero di ako makagalaw. Tapos ang pinakahuling lubid, papunta na sa leeg ko kaya pinilit kong sumigaw. Sumigaw ako ng,

“Tita, gisingin mo ako, tulungan mo ako,” pero walang boses na lumalabas sa bibig ko.

Taliwas sa nangyayari sa totoong buhay na nagwawala na raw pala ako pero bigla akong naninigas tapos di ako magising. Ginigising na pala ako ng tita ko. Nung magising ako, sobrang nakakatakot. Kasi parang totoong-totoo. Yung posisyon ko sa panaginip ko ganun na ganun talaga ang dinatnan ko paggising ko. Kinabukasan sabi ko,

“Bakit kaya ganun panaginip ko? Ang panget naman, tapos si Mike pa, e hindi ko naman yun gaanong kilala.”

Pagdating ko sa school, ikukwento ko sana sa mga kaibigan ko ang nangyari. Pero nagulantang ako sa balitang hatid ng isang kaklase ko, sabi niya,

“Guys, kilala niyo ba si Mike? Yung section 7. Pät4y na siya. Nägpák4màtây raw kagabi. Nägbîgtì siya.”

Para kong binuhusan ng malamig na tubig. Nataon lang ba na nanaginip ako ng ganun o talagang nagparamdam sa ‘kin si Mike sa panaginip? Hanggang sa nalaman namin na nägpàkám4täy si Mike dahil nalaman niyang ampon siya, na kaya pala siya di tinuturing na anak ng kinilala niyang ama kasi hindi siya tunay na anak.

Hanggang ngayon, ilang taon na nakakaraan pero di ko pa rin nakakalimutan. Pag naaalala ko to, naaalala ko rin yung kakaibang tingin ni Mike noon nung pinakilala siya sa akin. Siguro naghahanap siya ng karämáy, o baka naghahanap siya ng isasama para di na niya maramdaman na nag-iisa siya hanggang sa käbìlâng buhay.

A
2012
BS Arch
PUP


📜FEU Secret Files
▪︎2022▪︎

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon