TRICYCLE ENCOUNTER
Hello admin and readers.
Marami saatin ang hindi open sa paranormal beliefs, maraming hindi maniniwala sayo kapag sinabi mong may nakikita kang hindi nakikita ng pangkaraniwang mata. May mga pagkakataong tatawanan ka, lalayuan at worst, ma bubully. Naisip mo ba kung saan nang gagaling ang lakas ng loob ng mga kriminal? Katulad ngayon, laganap ang kidnapping. Sa tingin mo nasa tamang pag iisip pa kaya sila para gawin yun? Nakakapagtaka diba? I'll share this story of mine way back year 2016, noong senior high school ako (isa lang to sa mga creepy experiences ko,kasi super dami na at kung ikukwento ko lahat sa isang confession ay baka abutin tayo ng siyam-siyam).
Uwian lang ako kada hapon noon, hindi pa ko nag boboarding house, commute lang bahay-school and vice versa. One time galing akong galaan with friends, dito lang sa famous na galaan sa isla namin. After class namin ng 5:30 gala kami agad, around 7 na nung napag pasyahan na naming umuwi, since ako lang naman ang nakatira sa malayo at lahat ng kasama ko sa gala ay taga dito lang sa centro syempre need ko umuwi ng maaga kasi baka maubusan akong tricycle sa terminal.
Nag para na kong tricycle sa may bandang simbahan, sabi ko sa driver sa terminal lang ako, pinasakay naman ako agad, nung paliko na kami sa may kanto may pumarang babae papunta daw siyang division, so sinakay naman ni kuya, eh di ang ending inuna niya muna si ateng sa division since mas malapit yun, nung makababa na si ate sabi nung driver may pupuntahan lang daw siya saglit sa may D****** banda, hindi ako familiar sa lugar na yun kaya tinanong ko si kuya kung saan yun, sabi niya malapit lang daw. So sabi ko sige malapit lang naman pala. Ang dinaanan namin from Division dire-diretso lang pa D******(kasi ang daan pag liko sa left m******* na) habang tumatagal eh parang umiiba yung way ni kuya, hanggang makaabot kami sa lugar na wala masyadong kabahayan, pero dire-diretso lang siyang drive hindi siya nag sasalita, kinakabahan na ko that time, saktong nag shutdown ang phone ko, kinuha ko notebook and ballpen ko sinulat ko yung number ng tricycle niya, hinahanap ko sana kung may iD siyang nakasabit sa loob ng tricycle pero wala akong mahagilap, nung time na yun hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba or totoo, kasi pag tingin ko sa side mirror ng tricycle (sa right side ng driver's seat nakikita ko yung reflection ni kuyang driver) biglang umiba ang mukha niya, nag smile siya ng creepy yung abot hanggang tenga, tapos nakita ko sa likod niya parang may dumungaw sa bandang right side ng balikat niya, maitim na figure na may pulang pulang mata (super nakakatakot na sa pagkakataong yun hindi ko man lang nagawang sumigaw) nakatulala lang ako. Nagising lang diwa ko nang parang dumaan kami sa may bako - bakong daan, that moment hindi ko alam kung anong oras na, pero madilim na sa daan, at yung dinadaanan namin e hindi na highway kasi ma bato siya at tipong umaalog alog ako sa loob, natatakot na ko pero di ako makapag salita. Naisipan kong magdasal (limot ko na kung anong panalangin ko nang mga oras na yun pero alam kong yung panalangin na yun ang nagligtas saakin).
Bigla kong naisip itanong kay kuya kung ano pangalan niya, bigla siyang huminto sa pag drive. Pinatay yung ilaw ng tricycle, hindi ko makita ang paligid kasi madilim, pero alam kong walang mga bahay sa lugar kung saan kami huminto. Hindi pa rin nag sasalita si kuyang driver, hindi niya din ako tinitingnan, kaya tinanong ko siya ulit kung saang lugar ba kami, nung sasagot na sana siya at tumingin na siya sa dako kung nasaan ako bigla siyang napa sigaw, parang takot na takot, parang nakakita ng multo, tinuro niya yung sa tabi ko. Paulit ulit niyang sinasabing may babae! May babae! Sa sobrang panic niya nahulog siya sa tricycle, pero sigaw parin siya ng sigaw na may babae daw sa tabi ko. Natataranta ako that time kasi wala namang babae sa loob ng tricycle bukod sakin. Kaya lumabas na ko at lalapitan ko sana siya, tatanungin ko sana siya kung okay lang siya, bahala na kung anong magkanda apak apakan ko kasi madilim ang paligid tapos wala pa kong flash light kasi low bat nga ang cellphone ko.
So galing ako sa loob ng tricycle, ikot ako sa may bandang likuran para tingnan yung driver kasi nahulog nga siya mula sa pagkaka kabayo niya sa motor ng trike, pero laking gulat ko nang wala siya doon, pag tingin ko sa paligid wala talaga siya. Ang bilis niya naman makatakbo kung ganon kasi nasa 3 seconds lang naman siguro pag ikot ko mula sa loob ng trike papunta sa kung nasaan siya, di ko rin narinig na may tumakbo or naglakad kasi kahit madilim maririnig mo dapat yung pag lakad or takbo kasi nga ma bato yung daan. Naiihi na ko sa takot that time, hindi ko na alam ang gagawin, pinipilit kong iopen phone ko pero ayaw na talaga, drained na. Kahit nangangatog ako, pinilit kong humakbang, naglakad ako nang hindi alam saang direction ako papunta, basta dire - diretso lang lakad ko, after a minute nakakita akong may maliwanag na spot, kahit nangangatog lakad -takbo ako papunta dun, maluha luha pa ko. Nakarating ako sa tindahan, saktong may matandang lalake (nalimot ko na ang pangalan pero malaki utang na loob ko sakanya) nakaupo sa labas ng tindahan. Nilapitan ko, tinanong kung nasaang lugar ba ko, sabi sakin nasa D****** daw ako, dun nako umiyak talaga, pinapakalma niya ko, hanggang mag offer siyang ihahatid na lang daw ako sa terminal, 8:30 na wala nakong masakyan kaya sabi ko baka pwede maki tawag na lang papasundo ako sa kuya ko.
Habang hinihintay ko si kuya, kinausap muna ko ni tatang, sinabi ko sakanya lahat, pati yung asawa niyang nakikinig sa loob ng tindahan at nag aayos ng paninda eh naki usyoso na rin. Madami na palang napapabalitang kidnapping at rape dito sa lugar nila. Marami na palang nawawala dito, at sa case ko ako lang ang mutikan palang mabiktima, himalang nakaligtas at hindi nasaktan o nalapitan man lang, yung iba kasing nabibiktima kung hindi daw patay eh nakakauwi naman pero ginalaw na. Na kwento ko din yung tungkol sa sinasabi nung driver na babaeng kasama ko daw kaya siya nag sisigaw. Tumawag ng tanod si tatang at sinabing icheck yung place yung saan ko iniwan banda yung tricycle, pero nung pumunta sila doon ay hindi na nila nakita. Walang bakas ng kahit anong mula sa tricycle kung saan ako sumakay, pero nakuha nila ID ko, saka ko lang na realize na naputol pala yung id ko sa pagkakasabit sa lace. Sabi sakin ni tatang, baka niligtas daw ako nung babaeng sinasabi nung driver. Baka anghel daw yun na sinadyang mag pakita para ma protektahan ako sa kapahamakan. Ang nakapag tataka lang, ilang minuto lang ang layo ng lugar kung saan huminto ang tricycle sa tindahan kung saan ako humingi ng tulong, kaya hindi ko maipaliwanag bakit parang ang layo layo namin noon at bakit ang dilim, samantalang malapit lang pala yun sa highway at naiilawan din ng mga poste, pero totoong ma bato yung daan dun banda.
Sabi nung mga tumulong sakin eh mag sumbong daw ako sa pulis, tinanong ako kung nakuha ko ba yung number sa tricycle, kaya kinuha ko yung notebook kung saan ko ito sinulat pero kahit anong buklat ko at hinanap ko na din sa buong bag ko dahil baka napunit lang eh hindi ko talaga mahaligap, pinilit ko rin maalala yung mukha ng driver pero di ko talaga maalala. Naguguluhan din ako, kaya sabi nila baka dahil daw sa shookt pako that time kaya ipagpabukas na lang.Nang makauwi ako di na ko nag kwento kay kuya, nung tinanong ako kung bat ako nasa D******, sabi ko na lang may pinuntahan akong kaklase, di naman siya nagalit. At okay naman kaming nakauwi. Hindi na din ako nag sumbong sa pulis kasi di ko na mahanap yung number ng tricycle na sinulat ko sa notebook, di ko na din matandaan talaga yung itsura ng driver, pero sana di na siya ulit makapang biktima pa.
Hindi ko alam kung anghel nga ba o kung ano yung babae, pero salamat sakanya dahil hanggang ngayon okay ako. Hindi ko siya nakita nung time na muntik akong ma abduct. Pero pakiramdam ko nandyan lang siya sa paligid. Madami ding nag sasabi sakin na may nakikita silang kasama kong babae kapag naglalakad ako sa daan or sa kahit saan man ako magpunta. Ewan ko ba, basta may gut feeling ako na palagi akong may kasama o kaya naman laging may nakatingin sakin.
Madami akong kwentong hindi maipaliwanag, sanay ako sa mga pangyayaring kakaiba pero may mga pagkakataon na nangyayaring napapa 'What happened?' nalang talaga ako. Pinili ko lang itong ikwento since napapabalita na naman na may kaso ng kidnapping ngayon. Ang point ko lang sa story ko is, iwasan po natin umuwi ng gabi or kung di man maiiwasan ay sana may sundo tayo para di tayo mapahamak. Yun lang po. Salamat sa pag babasa. Ingat lagi. God Bless.
Ps. Kung irerelate niyo po ako kay KevinEleven eh di sana all po. Pero mas bet ko sana si Sam. Hahaha
- Blueming
Iba pang kwento ni Blueming
https://www.facebook.com/218238752251069/posts/1274340926640841/📜Sigaw
▪︎2022▪︎
BINABASA MO ANG
[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
TerrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.