Weyoohhh??... Confess ulit! Hope youll like it mga kasigaw 😊
Room 25
So, nangyari to nung nasa Nova ako, since kilala na kami don sa pinagtatrabahuan ni tita na ospital nakakapasok kami dun anytime we want pero dhl nadin sa hiya di naman kami abusado, shifting sched sila tita, my pang umaga sya at pang gabi, so pag ka panggabi sya pinupuntahan namin sya sa work nya at habang inaantay ay tinutulungan nadin namin sya sa pwede naming itulong.
So eto na nga one night, mga 10:30 pm na yon, at close na sa section nila tita, my pinapaayos sya saking mga records while yung gf ni drew (pinsan ko) na si bee (gf nya nga!) ay tinutulungan ako, magkatabi lang kami sa my front desk tapos si tita naman nag iikot sa mga rooms para tignan if my mga patients pa or doctors or mga naiwang gamit at para mag off nadn ng mga ilaw and etc. Basta yon na yon, sya nalang kasi natira non, nauwi na mga kasama nya gang 10pm lng nmn dpat kasi sila, pero since mabait si tita, sya na nag papaiwan para sa ibang gawain, yun na nga, patapos na kami nung lumapit samin si kuya ner (maintenance)
Me :oh kuya andto kapa pala,
Kuya ner: oo e (palinga linga) asan si ma'am Agnes? (si tita)
Me: nag ikot na
Kuya ner: (napakunot noo nya), hah? Bat di nya ako tinawag?? Alam naman nyang...... (diko na naintindihan kasi parang nabulong na sya)
Me: eh? ano kaya yun?
Kuya: saglit hanapin ko lang!Tas umalis na sya, bago pa kami matapos ni bee sa ginagawa namin nakabalik na si tita at kuya ner sa kinaroroonan namin. Pauwi na kmi nung my naalala si tita, tatlo nalang kmi nila bee noon.
Tita: 'nak pakuha nga nung phone ko sa room 25 nakalimutan ko ata sa my table ni doc kanina. (utos nya sakin, nagdalawang isip muna ako bago sumunod kasi nakapatay na ilaw sa bandang yon. Tas ayaw pa akong samahan ni bee)
:sige na bili lng kami ni bee sa grocery store ng fave mong lutuin. Antayin mo nalang kami sa baba, andon naman si baj e tsaka baka paakyat nadin yon kasi sya magsasara ng door (dagdag pa nya, she's referring to the guard na papa pogi na nagpaalam may tita na liligawan ako kaya nagfifeeling close samin--oh deba mahaba haba pa hair ng lola nyo 'DYOSA!')So wala nakong nagawa, inantay ko muna silang makababa bago ako tumalikod at maglakad papunta sa room 25.Pagliko ko sa kanan, sa my 3rd desk, parang gusto ko nalang takbuhin, diko alam pero ganun yung naging feeling ko, yung parang gusto mo ng tumakbo kasi my iba ka ng pakiramdam, 😂😂😂🙃 pero syempre di ako tumakbo. tas paglagpas kong room 10 parang my narinig akong sumitsit.... Huminto ako (tatanga tanga kasi e huminto pa) lumingon ako sa likod ko, pero wala namang tao, "kupal na baj to,pagtitripan pa ata ako" sa isip ko, akala ko pinagtitripan lang ako ni baj, tapos along the hallway (english yon ah) sa tapat ng 4th desk, my naaninag akong bata, babae kasi nkatali yung buhok na parang sungay, basta yung pangkaraniwang tali ng buhok ng batang babae. Sabi ko sa isip ko bat andito to e gabi na at wala ng ibang tao dun liban sakin, so hindi ko na naisip na hindi sya tao, paglapit ko sa bata, umiiyak sya, hahawakan ko sana sya sa braso kaso umilag sya, umisang hakbang sya paatras, tas e di sabi ko ABA MAATTITUDE TONG BABAITANG ITO sa isip ko lng nman, so tumayo ako at kinausap ko sya "BEH BAT ANDITO KA PA? GABI NA AH, LIKA HATID KITA SA GUARD POST HA? WALA NG IBANG TAO DTO OH, BAKA MAPANO KAPA DITO " sabi ko dun sa bata tas iyak lang sya di sya nasagot. mga 7yrs old na sguro yung bata tas yung damit nya denim na pull over tas naka white shoes gang dibdib ko sguro yung bata. pumunta ako sa my waiting area ng desk 4, sabi ko umupo lang sya dun at antayin ako kasi my kukunin lang ako sa room 25, pagkabanggit ko nung room 25 nagtigil sya, imbes na matuwa ako abay kinilabutan ako tapos dun kona naisip na baka hnd sya tao, so lakas loob ko syang tinanong to confirm yung hinala ko "BEH, TAGA SAN KA? ILAN TAON KANA?" tanong ko saknya, nakatayo ako sa harapan nya mga 1 meter away, nasa isip ko nun pag di ako makatakbo, mananalangin ako atleast mejo malayo sakanya kasi ramdam ko yung kaba ko at panginginig ng tuhod ko pero diko pa din pinahalata. Yung utak ko nagsimula nang manalangin. tumayo yung bata, putek hindi yun tayo kasi di nakalapag yung sapatos nya sa lapag, lumevel sya sakin pero di sya gumagalaw dun lang sya tas ako para akong napako sa kinatatayuan ko. hindi ako makagalaw ni hindi ako makapag salita, wala akong dalang pantaboy, kundi yung faith ko lang at tapang na paubos na nung oras na yon, hindi ako makapg isip ng gagawin ni manalangin diko na alam pano uumpisahan tas my narinig akong boses. boses nya sguro kasi bata e pero kasi nakayuko sya, diko talaga makita mukha nya.
BINABASA MO ANG
[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
HorrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.