Bata

44 3 0
                                    

Nakita ko 'tong group na 'to kakanuod ko ng tiktok. 👻😂

Just a quick background, nakatira kami ngayon sa bahay na sinimulan ipatayo nung 2017. Meron kasi kaming bahay talaga sa same Brngy. lang din naman na samin din, but my parents decided na magpatayo ng mas maluwag na bahay.

Wala pa talagang nakatira nuon dito sa bahay na pinatayo namin bilang 1st floor palang, isang kwarto at garahe palang siya. Pautay-utay kasi yung pag-gawa since mahal talaga magpatayo ng bahay. We just moved here last year, bale nakaka-isang taon palang kami dito. For the past years na nakatayo na ung first floor, ginaganapan lang siya ng mga special occasions since may space unlike sa dati naming bahay na looban at masikip.

Year 2018, my workmates decided to have farewell get together na biglaan since biglaan lang din ung announcement sa office namin that our team will be dispersed. I have offered na dun nalang sa bahay namin na kinuconstruct since wala namang tao at para may space, para nadin hindi na kami maghire ng place. We all agreed and pumunta na ako sa bahay para mag-ayos.

Yung iba nauna na sa bahay namin, yung iba naman nagkita-kita dun sa kanto ng Village namin na may 7-11. Mabanggit ko lang din, yung 7-11 samin that time, for some reason, mga ilang weeks na close at di nag-ooperate. Hindi pa naman siya empty kasi makikita sa labas na may laman pa yung loob, intact padin lahat, hindi lang nagbubukas. Going back, ung isang workmate ko may dalang kotse and sinabay na niya mga iba kong workmates papasok sa Village. They were 6 siguro that time sa kotse, mga payat naman tsaka malapit na yung samin.

Pagdating nila, I toured them sa bahay (akala mo ang laki lol). I told them na wala pa ngang nakatira, na pumupunta lang kami pag may ganap at kapag kukunin ang sasakyan since dun naka-park. Pinakita ko lang din ung big room, then andun kami sa garahe nakapwesto. Pagkadating ko pala sa bahay, nilatag ko yung carpet sa room para pwede ko higa-higaan. So we started na kumain, naghire din ako videoke, tas latag ng lamesa. Ung garahe namin straight lang, pagpasok sa gate, garehe, straight sa dulo ung kwarto. Yung pwesto ng lamesa sa gitna ng garahe malapit sa kwarto, ako ung nakatalikod sa kwarto. May point na pumasok ako sa kwarto kasi tinawagan ko yung friend ko, tapos sumilip ung Boss ko to check the room, akmang papasok siya pero hindi siya tumuloy.

Kantahan na, kainan, inuman, lumipas ang oras nag-gabi nadin. Mga 8PM na siguro. May amats na ung iba kong kasamahan. Yung isa kong katrabaho, yung may dalang sasakyan, nagtanong sakin, sabi niya "Tracy may natutulog ba jan sa kwarto?" Sabi ko, "Wala, wala pa ngang nakatira dito." Tas sabi niya "Wala bang batang natutulog dito?" Sabi ko, "Bakit may nakita kaba?" Kinilabutan na ako sa tanong niya pero nagjojoke joke lang ako para hindi matakot. Tas sabi ko sa Boss namin, bumulong ako, "Lasing na ata yan si Kuya, nagtatanong kung may bata daw ba na natutulog dito, baka may nakita." Tas ung boss ko tumawa lang.

Maya maya, niyaya nung nagtanong sakin about sa bata yung katrabaho kong isa na lalaki din. Lumabas sila ng gate, parang nag-usap sila pero since nasa loob kami hindi namin sila naririnig. Mga 5mins pumasok si ung workmate kong kinausap niyaya ni Kuya sa labas, sabi niya "TARANTADO TO SI (Kuya driver) MAY BATA DAW TAYONG KASAMA EH WALA NAMAN, LASING NA ATA 'TO EH." Tas biglang pumasok si Kuya. Dun na siya nag-explain. Kanina pa daw kami may kasamang bata. All those time, akala niya kasama daw nung Boss namin ung anak niya, (btw si Boss ay babae). Yung bata daw, nasa kwarto, nakahiga. Dun na ako sobrang kinilabutan, yung ulo ko parang lumaki, ay malaki pala talaga haha. Sabi ko "HOY ANU BA YAN!!! WALA PANG NAKATIRA DITO MAY NAUNA NA?" Mas kinilabutan ako nung sinabi ni Kuya na ung bata kasama nila sa kotse palang nung sinundo niya mga workmates ko, nakakandong pa nga daw kay Boss, kaya akala niya anak. Nagsalita nadin ung Boss ko, kanina padin pa pala niya nakikita yung bata, hindi lang siya nagsasalita kasi ayaw niya akong takutin. Nung sumilip siya sa kwarto, nasa gilid ng pinto ung bata, kaya hindi na siya tumuloy. That's the moment na mas lalo akong natakot, ang ginawa ko sumigaw ako sa kwarto, sabi ko "HOY KUNG SINO KA MAN, KUNG SUMAMA KA SA MGA 'TO, SUMAMA KA PABALIK, WAG KA MAGPA-IWAN DITO."

So tinapos na namin ung inuman at kantahan around 10PM. I made sure na hindi ako maiiwan mag-isa dun, at hindi ako ang huling lalabas hahahaha. Pina-lock ko sa workmate ko ung gate. Niyaya ako ni Kuya na hatid sa bahay namin at sumaky sa kotse since 4 nalang naman sila, dahil nagkanya-kanyang uwi na ung iba. Sabi ko wag na kasi out of the way at magtricycle nalang ako for para diretso samin.

Kinaumagahan, yun agad ang almusal namin sa GC. Sabi ko agad "Huy anu? Sumama ba sa inyo ung bata?" Nagreply ung Boss ko, "Oo kasama namin, nasa gitna pa nga namin ni (insert isang workmate)." Hindi daw nililingon ng Boss ko, nakatingin lang daw siya sa bintana. Habanag si Kuya na nagdadrive, panay tingin sa rear mirror, at nakikita niya nga na kasama nila ung bata. Pagkahatid daw niya sa babaan nung mga katrabaho ko, hindi daw muna siya umuwi. Nagpagpag siya sa Mcdo at iniwan niya ung sasakyan sa kaibigan for a few weeks. First time daw niya makaranas ng ganon, never naman daw siya nakakita ng multo.

Tinanong ko din kung anu ichura nung bata, babae daw na madungis, may bangs, at nakayuko lang.

__
Effective yung pagiging bungangera ko, natakot ata yung bata nung sinigawan ko na sumama pauwi sa kung kanino siya sumama papunta. Hahahaha. And about sa 711, dun sa hiway na yun laging may nasasagasaan before, madami na dun namatay na bata, matanda, etc. Inisip ko din na baka bored na kaluluwa galing 711 tapos naki-joyride sknila.

I have so many other creepy stories about naman dito sa bahay namin since lumipat kami. Next time nalang uli. 👻



📜Let's Takutan, Pare
▪︎2022▪︎

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon