Can I Consider Her A Gifted Human Being?

38 1 0
                                    

Greetings to the admin as well as to all readers of this page .
Baguhan palang ako dito but then I've decided to share my experience about my youngest sister.

My sister also shared her story here just a few days ago, I guess.
Hopefully, sana ma'post yung sa kanya before this para mabigyan ng idea yung mga readers since may connection yung stories namin. Btw, yung title ng story ng kapatid ko ay 'NEVER BEEN THE SAME'.

Can I Consider Her A Gifted Human Being?

Yung Mama namin ay lapitin ng mga tao mula sa ibang dimension.
Hindi man namin makumpirma pero ramdam namin na may mga abilities siya. Marahil sa kanya na rin namana ng bunso naming kapatid yung mga 'kakayahan'.

Masyadong mahigpit si Mama sa bunso namin. Pero sa akin at sa iba ko pang kapatid, never siyang naghigpit. Dahil dun ay hindi basta basta nakakalabas ng bahay si bunso para manlang gumala, isang bagay na dapat ginagawa ng isang teenager. Wala siyang masyadong kaibigan sa lugar namin.

But then when my sister turned 17, parang biglang may nagbago.
She became obssessed with paranormal stuffs. Kasabay nun ang pagkadismaya ni Mama sa kanya.

Minsan ay umuwi ako galing trabaho. Mga 4:30 na ng hapon at nadatnan ko sa bahay si bunso na walang kasama. As usual, nagsusulat na naman siya sa kanyang 'journal' sa sala. The moment I entered the house, I felt the temperature go down as if to zero. Iba yung pakiramdam ko.

"Kanina pa yan diyan. Kinakausap ko ayaw namang sumagot"- Bunso

"Sino?"-napatanong ako bigla.

Tumingin siya sa gilid ng bintana.
"Yung babae na nakaputi. Lagi siyang nandito kapag ako lang mag-isa"

That makes me conclude that open na talaga yung third eye niya.
. . .
After that incident ay sinundan ulit. Nagising ako isang gabi dahil sa naiihi ako. Paglabas ko ng kwarto nakita ko sa sala si bunso. She's sitting cross-legged on the floor while concentrating on the candle sa harap niya. She was so damn serious na kahit ako ay kinikilabutan na.
(note: that moment ay walang nakakapasok na hangin sa bahay kaya yung flame ng candle ay straight lang)

She moved her head left, right, up, down. . . AND THE FLAME OF THE CANDLE MOVED JUST RIGHT THE SAME !

Nang napaubo ako sa pagkabigla ay dun na niya ako napansin.

. . .
One time din ay kumakain kami ng hapunan at napansin ko yung isang kutsara na nasa lamesa na gumagalaw-galaw. Tiningnan ko si bunso and THERE ! She's staring and concentrating on the spoon.
Nakita din ni Mama ang lahat kaya pinagalitan bigla si bunso.

. . .
Minsan ay may naikwento sakin yung isa ko pang kapatid. Hinahanap daw nila si bunso nung isang araw ng makita nila ito sa bukid (nasa probinsiya kami).
Again, she's sitting cross-legged on the ground, nakapatong yung dalawang kamay sa magkabilang tuhod at nakapikit.
Later, I found out that she's doing the so-called Meditation.

Dahil sa masyado nang weird, I finally found the courage to ask her personally, at dun na ako nabigla ng todo.
She answered my questions as fast as she could with seriousness.

Sabi niya, she can use the telekinesis ability. Telekinesis or psychokinesis is the name of the special ability that refers to using the power of the mind to cause the movement of matter at a distance (either long or short distances).

You and the object are one in the same. All the matter in the universe started from stars. You can move things in front of you because it's a natural extension of you.

Tinanong ko siya kung lahat ba ng may abilities pwedeng gawin yung telekinesis. She then replied:

"It is not about your age. It is about your concentration and energy. Once you unluck these powers, they stay with you. The more you practice them, the more they'll grow".

Now, can I consider her a gifted human being??

-Klyde
ThePsychic'sBrother




📜Spookify
▪︎2017▪︎

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon